Hindi ko alam kung paano i-a-activate ang future sight ko. Kadalasan kasi, automatic itong nag-a-activate kapag may emergency na mangyayari. Pero ngayon, hindi ako pinahiya ng ability ko. Slow-motion ang nakikita kong paggalaw nila.
Naunang sumugod ang babae. May hawak na dagger ang dalawa niyang kamay. Sa paraan ng pag-atake niya, gymagamit siya ng muay thai na pinaghalong street fighting. Sa normal na eksena, masyado siyang maliksi kumilos at mabilis ang mga reflexes niya, pero nakacounter at naiilagan ko ang mga atake niya dahil nakikita ko ang pagbagal ng mga kilos niya.
Nakita ko ang mabagal na pag-atake ng lalaking puro tahi ang mukha. Hindi siya kasingbilis ng babae, pero maliksi rin siya at nagagawa pang magtumbling at magbackflip. Street fighting lang ang alam niya, pero nadadala siya ng mga stunts niya. Kung nagstunt-man siya, malamang kumita pa siya.
Nawala bigla ang activation ng future-sight. Pero ayos lang. Nabasa ko na ang mga galaw nila. Nang makakita ako ng opening, hindi ako nagdalawang-isip na bumaril. Nagflash ulit ang future sight. Iiwas ang babae pakaliwa, bumaril muna ako ng diretso sa direksyon niya, umiwas nga siya pakaliwa. Hindi sinasadya, nabaril ko ang lalaking afro. Hindi pa naman siya kumikilos. Nagpakawala naman ulit ako ng isa pang bala pagungo sa direksyon ng babae. Nagslow-motion ulit ang paligid. Sa wakas, nakarecharge din.
Sumugod ang lalaki ng diretso sa akin. Wow. Feeling mo bullet-proof ka. Sige lang. Nakita ko rin ang pagsugod ng babae sa likuran ko. Typical move sa action scenes, iilag ako para sila ang magkabanggaan.
Nawala ulit ang activation, nakita kong naghahanda na silang sumugod, iilag na sana ako, pero biglang may balang tumama sa balikat ko papunta sa babae na tinamaan sa ulo.
"Nakapatay ako," natatarantang sabi ng bata na hawak ang isang baril. Baril ko 'ata ang hawak niya.
Nadistract ang lalaki at biglaang tumakbo sa bangkay ng babae. "Cali!" niyakap niya ang bangkay.
Bago pa siya makapagsabi ng mga cheezy lines, binaril ko na siya sa ulo niya. Bumagsak siya nang magkahawak ang mga kamay nila.
Nakaluhod ako sa pagod at panghihina. Masyado ko pinuwersa ang katawan ko.
"Tol, ayos ka lang?" tanong sa akin ng unggoy.
"Namamanhid parin ang kanang braso ko, tapos nabaril ako...-"
"Sorry," sabat ng bata na nakapeace-sign pa sa akin. Inabot niya sa akin ang backpack ko kaya patatawarin ko siya. Mukhang nasa 13 or 14 lang siya.
"Okay lang," sabi ko habang hinahalungkat ang backpack para kunin ang extra shirt doon. Inalis ko ang suot kong tee-shirt at ginamit pinunit iyon para gamiting bandage sa braso ko. Mabuti nalang, wala silang kinuha dito. Puno parin ng bala. Nawawala lang ang mga sandwich.
Kinuha ko ang extra shirt na kulay orange na may logo pang Camp Half-Blood. Lakas maka-Percy Jackson ah.
Inabot ko sa bata ang backpack ko. "Binaril mo balikat ko, ikaw magbuhat niyan."
Tinanggap naman niya iyon kahit mabigat dahil puno nga iyon ng mga bakal na bala at sumunod sa akin. Papunta na kami sa third floor, malapit na kami, Jacob.
"Kuya," tawag sa akin ng bata. "Mauna ka na. May aasikasuhin lang ako saglit. Siguruhin mong makakalabas ka bago matapos ang ten minutes. Magkita tayo sa labas. Doon ko ibabalik itong bag mo," sabi pa niya bago nagmadaling tumakbo palayo. Pipigilan ko sana siya, pero nakalayo na siya.
"Tara na!" sigaw ng unggoy sa akin.
Pagdating namin sa third floor. Maingay na tawa ng babaeng chinese ang narinig namin. Sa sahig, mayroong gumagapang na...isang taong ahas? Ang upper extremities niya ay katulad ng sa tao, sa lower naman ay katawan ng ahas at ang buong katawan niya ay nababalutan ng kulay berdeng mga kaliskis. Nahihirapan siyang gumapang, pero kinakaya niya para makalayo sa babae at matanda.
Tiningnan ako ng taong-ahas habang umiiyak. Sinubukan niyang lumapit sa akin. Ibang-iba na ang itsura niya.
"Si-Sigfried," sabi ni Jacob habang gumagapang parin papunta sa akin. Iniabot niya ang kanang kamay niya sa akin.
"Ano'ng ginawa niyo sa kanya?" nanlulumong tanong ko. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya. Lumuhod ako para salubungin siya. Agad ko siyang niyakap. Ang lamig niya at nanginginig. Humihikbi siya.
Nakatingin lang sa amin ang babae at matanda. Sa tingin siguro nila bromance ang nangyayari.
"Siya ang pinakaperpektong chimera hybrid na nalikha sa pamamagitan ng psychic surgery," sabi ng matanda na hindi mapigilan ang malaking ngiti.
"Psychic...surgery?" Nalilito ako sa mga sinasabi nilang bagong salita. Ang naiintindihan ko lang ay ang alchemy, chimera, hybrid. Ano naman 'yang psychic surgery?!
"Ang psychic surgery ay isang uri ng pagsasagawa ng operation gamit lamang ang mga kamay. Walang kahit anong gamit na tool," paliwanag sa akin ng babaemg Chinese. Hindi ko alam kung nabasa niya ang nasa isip ko, o nahalata niya lang na nalilito ako sa sinabi niya.
Tinutukan ko sila ng hawak kong baril. Nanginginig sa galit at panggigigil. Hindi ko matatanggap ang ginawa nila sa kaibigan ko. "Akala niyo nakakatuwa ang ginawa niyo?!" sigaw ko.
May ibinulong sa akin si Jacob. Nanginginig ang boses niya, pero malinaw kong narinig iyon. Binabalaan niya akong lumabas bago matapos ang limang minuto.
Nakarinig kami ng malakas na pagsabog. Masyadong malakas iyon dahil naramdaman namin ang bahagyang pag-alog ng buong building.
Bakit sa mga action na genre, laging may sumasabog? Wala naman akong naalala na may bomba dito sa paligis ah.
Nagkaroon pa iyon ng kasunod na pagsabog. Nakikita ko na may sinasabi si Jacob, pero hindi ko marinig. Naapektuhan ng pagsabog na iyon ang pandinig ko. Siguradong aabutin ng dalawang linggo bago ito bumalik sa normal. Niyakap ako ni Jacob bago tuluyang sumabog ang buong building. Pagkatapos noon, wala na akong maalala dahil nawalan na ako ng malay.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay, pero ramdam ko na mataas na ang sikat ng araw dahil mainit na ang pakiramdam ng pagdampi nito sa balat ko. Ayoko maging taong daing dito. Hindi rin ako nagpapatan ng balat, pero wala talaga akong lakas para tumayo. Ramdam ko na nasa buhanginan ako, paano ako napunta dito? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nahirapan ako dahil direktang nakatutok sa akin ang liwanag ng araw. Pero may naaninag akong papalapit mula sa ere. Hindi ko makita nang maayos ang anyo niya, pero alam ko na isa siyang babae dahil sa mahaba niyang buhok at magandang korte ng katawan (seryoso, nakita ko pa iyon sa silhouette siya). Hindi siya tao. Isa siyang anghel dahil nangingintab ang mga pakpak niya sa liwanag. Oo, totoo, may pakpak siya.
Kung siya na ang sundo ko, salamat at mukhang sa langit ako makakapunta sa kabila ng mga kasalanan ko. Sa mga napatay ko, sorry. Baka makita ko ang ilan sa inyo sa langit, doon nalang ako hihingi ng harapang apology. Jacob, siguradong magkikita na tayo.
BINABASA MO ANG
Chimera Hunter
Science Fictionchi·me·ra \kī-ˈmir-ə, kə-\ noun a monster from Greek mythology that breathes fire and has a lion's head, a goat's body, and a snake's tail something that exists only in the imagination and is not possible in reality