Pagsakay ko sa elevator ng Morriston Hotel, kinuha ko agad ang lollipop sa bulsa ng hooded jacket ko. Ako lang ang nag-iisang tao sa elevator. Binuksan ko ang lollipop. Cola flavor, favorite ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit kahit gaano katagal ang tulog ko, may eyebags parin ako? Oh well, palagay ko dapat magpagupit na rin ako. Nabobother ako sa magulo kong buhok. Magulo at halatang hindi sinusuklay, kaya inilagay ko ang hood ng jacket ko sa ulo ko para matakpan ang buhok kong tikwas-tikwas. Kailangan ko na makabili mg wax mamaya.

Bumukas ang elevator at may isang babae na may kasamang batang pusang chimera ang pumasok. Tiningnan ako ng bata. Ang cute niya, gusto kong pisilin ang pisngi niya, may whiskers siya at cat ears. Hindi lang ako sure kung babae siya o lalaki kasi naman nakabowl-cut ang buhok niya at nakasuot siya ng dilaw na jacket at pants. Nginitian ko nalang siya at ngumiti rin naman siya.

"Kuya, may tenga ka rin ba?" tanong ng bata sa akin habang nakaturo sa car ears niya. Gusto ko rin ng gan'un.

Umiling ako at inalis ang hood na tumatakip sa ulo ko. Lumuhod ako para maging magkalevel kami ng bata. "Wala akong cat ears, ordinaryong tenga lang meron ako eh. Pero gusto ko ng ganyan," sabi ko.

Tumawa ang bata. Ang cute niya, kaya hindi ko napigilan na pisilin ang pisngi niya.

"Karamihan ng mga tao, hindi lumalapit sa aming mga chimera," sabi ng babae na kasama ng bata.

Tiningnan ko siyang maigi. "Hindi naman po kayo mukhang chimera," sabi ko sa kanya.

Initaas ng babae ang kanang sleeve ng suot niyang dress. May makapal na balahibo doon. "Malaki ang kagustuhan ng mga chimera na maging normal na tao, pero ikaw, gusto mo maging chimera."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, pero hindi na ako nagsalita. Baka ma-offend ko pa siya. Hindi ko gusto maging chimera, gusto ko lang ng tengang pusa, o kaya colorful na mata.

"Sige, mauuna na kami ng anak ko," paalam ng babae sa akin. "Magpaalam ka na kay kuya," sabi pa niya sa anak niya na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Babye kuya," sabi ng bata sa akin habang kumakaway gamit ang maliit niyang kamay.

"Bye," pagpaalam ko rin sa kanya.

------

Kumatok ako sa room 3007. Hindi nagtagal ay may batang kalahating rabbit na nagbukas ng pintuan. "Sino ka?!" tanong ng batang babae. Walang duda, ito ang anak ni Erbluen.

"Nasa'n si Senator Erbluen?" tanong ko na nakasubo parin ang lollipop sa bibig ko.

"Pinasasabi niya na kapag may naghanap sa kanya, sabihin ko wala siya," sabi niya.

"From Phantom Order."

Umiling siya, at nakakunot ang noo. Siyempre, hindi niya alam kung ano ang Phantom Order Organization.

"Bata, umalis ka na diyan. Daddy mo mismo ang nagpapunta sa akin dito," sabi ko. Medyo naiinis na ako sa batang ito, putulan ko kaya ito ng buntot.

Umiling parin siya. "Kung isa ka sa gustong pumatay sa daddy ko, hindi ako papayag! Diyan ka lang!" sigaw niya.

Nagbago na ang isip ko. Hindi ko siya masasaktan lalo na gusto niya lang naman protektahan ang tatay niya. Mabuting bata.

Inalis ko ang sinusubo kong lollipop at tiningnan ng diretso ang bata. "Nandito ako para protektahan kayo sa mga gustong pumatay sa inyo."

"Karen, 'di ba sabi ko sa'yo 'wag ka basta-basta makikipag-usap sa mga stranger!" saway ng isang babaeng chimera sa bata. Malaki ang pagkakahawig nila ng bata. Mata lang ang hindi nakuha sa ginang, dahil ang asul na mata ng bata ay nakuha sa senator. Mabilis niyang kinarga ang bata at nagmadaling isara ang pintuan. Pero bago pa niya ako tuluyan na mapagsarahan, naitulak ko agad ang pintuan.

Chimera HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon