Pagmulat ko ng mga mata ko, ang nakangiting mukha ng Chinese na babae ang bumulaga sa akin.

Ramdam kong nakagapos ako sa isang bakal na upuan. Wala parin akong lakas at mas tumindi ang headache na ibinigay sa akin ng matanda.

"Ang ganda talaga ng pagkaka-asul ng mga mata mo," papuri pa niya. "Mamaya kapag ginamit ka na sa operasyon, hihingiin ko na talaga ang mga mata mo."

"Ope...rasyon?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Nanunuyo lalamunan ko. May Coke kaya sila dito? Bihira kasi ako magwater. Pero siguro hindi na ito ang oras para magpaka-choosy.

Tumango naman siya. "Oo. Gagamitin ka sa experiment at ihahalo ang katawan mo sa isang platypus!" Masaya pa siya habang sinasabi niya iyan.

Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. Ang pangit kaya ng platypus! Ewan ko kung paano nagmukhang cute si Perry the Platypus, pero sa real life kasi, ang pangit ng platypus! Ayoko maging platypus!

"Alam kong ayaw mo maging platypus, pero walang choice eh, wala na kami magamit na hayop. Isa pa, gusto ko ng alagang platypus," sabi pa ng intsik na my saltik.

Hindi ko siya pinansin. Kailangan kong makahanap ng paraan para makawala dito bago pa ako maging human-platypus creature. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Malamang ay nasa first floor kami dahil mayroong hagdan paakyat. Mayroon ding isang hawla sa sulok. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko, pero pinilit kong magfocus para makita ang laman n'un. Isang batang natutulog.

"Plano naman namin na ilipat ang utak ng batang iyan sa isang pusa," paliwanag pa ng chinese.

"Pwedeng ako nalang gawin ninyong pusa?" tanong ko na hindi inaalis ang atensyon ko sa bata na mahimbing pa ang tulog. Humihilik pa siya.

Umiling ang babae na hindi nawawala ang ngiti. Konti nalang talaga, iisipin ko na may saltik talaga ito. "Ilalagay ko ang mata mo sa pusa. Pagpapalitin ko ang utak ninyo ng platypus at magkakaroon ako ng alagang pusa at platypus. Kung wala kami magawa baka gumawa din kami ng human centipede mula sa inyo."

Human centipede. Isa iyon sa movie na hindi ko kinaya. Hindi pa natatapos yung episode one sa trilogy, hindi ko na kayang tapusin dahil matinding torture ang inabot ng mga taong pinagdugtong-dugtong ang mga bituka. Tapos gagawin nila iyon sa amin? Like damn.

Nakita kong nagising na ang bata. Nagawa pa niyang mag-inat habang humihikab. Nakangiti pa siya habang kinukusot ang mga mata niya. "Morning," bati pa niya.

"Gabi na, bata," sabi ng babaeng Chinese na lumapit sa bata.

"Oh, edi night," sabi ng bata. Ang dali kausap. "Wala pa bang rescue?" tanong pa niya. Sige, magandang idea na itanong iyan sa nanghostage sa amin.

Natawa ang babae sa tanong ng bata. "Wala nang darating na rescue." Itinuro pa niya ako. "Kung siya ang tinutukoy ninyong rescue, wala na ang pag-asa ninyo."

Nakarinig kami ng mga yapak ng mabibigat na paa na pababa ng hagdan. Nagmumula pala iyon sa babaeng nakasando kanina. May kasama siyang dalawang lalaki. "Chin Mei, dalahin daw 'yang lalaki sa operating room," sigang pagkakasabi niya. Ang sama ng pagkakatitig niya sa akin. Nakita kong inirapan pa niya ako bago siya umakyat ulit. Ang dalawang lalaking kasama niya, bumaba papunta sa akin.

Kinalagan ako ng isang lalaking maputla at puro tahi ang mukha. "Huwag mong subukan tumakas, hindi mo rin magagawa," bulong niya sa akin.

Hindi ko rin naman kaya dahil nanghihina pa ako. Idagdag pa ang headache. Pakiramdam ko binibiyak ang ulo ko.

Pag-akyat namin sa second floor. Isang pigil na sigaw ang narinig namin. Sigaw ng lalaking nasasaktan. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil nasa sulok siya ng silid, nakatali sa ibabang bahagi ng isang bunk bed at nakaharang sa view ang matanda.

Chimera HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon