Natapos rin ang eleksyon na walang nangyari sa pamilya nila Erbluen. Nanalo rin siya sa presidency. Susunod na ang state of the nation address niya mamaya. Palihim akong manonod para magbantay. Sabihin na natin na parte ito ng trabaho ko. Binayaran niya ako ng sixty million kaya bonus nalang ito. May consideration din naman ako minsan.

Sigurado naman ako na wala na masyadong magtatangka sa buhay niya. Maging ang mga mamamayan, mukhang masaya sa pagkapanalo niya. Nakakatuwa lang malaman na mali ang iniisip ko na walang may gusto sa chimera na katulad niya. Oh well, patunay lang na hindi lahat ng chimera ay masama at hindi lahat ng tao ay mabuti.

Bago matapos ang nation address niya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa phone ko. Ang sama ng pagtitig sa akin ng katabi ko sa upuan. Hindi ko parin pala napapalitan ang ringtone kong maingay.

"Thigfwied."

Gusto ko matawa dahil imbes na boses ni Darth Vader ang narinig ko, boses ni Tweety na bulol. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa dahil baka masesante ako. Hindi pwede iyon, hangga't hindi ko pa nakikita si Jake.

"Alam kong tumatawa ka diyan," sabi pa ni boss. "Nathira ang boice modulatow ko."

"O-obvious nga," sabi ko na hindi napigilan ang pagtawa ng malakas.

"Thigfwied!" sigaw niya. Ibig sabihin, tumahimik na ako. Hindi ko pa siya nakikita, pero base sa mga kwento nila Chedelle, nakakatakot daw siya magalit. Pinigilan ko nalang ulit ang pagtawa ko. "May bago kang misyon."

"Yah. Gano'n naman lagi kapag tumatawag ka. There's nothing new to it," sabi ko na medyo kumalma na rin sa wakas.

"Ang objective ay hulihin mo ang ithang owganiteichon na nagthathagawa ng mga expewiment pawa makalikha ng ithang geneticawy-engineewed chimewa bio-weapon. Iligtath mo ang mga bihag nilang chimewa at mga tao."

Hindi na ako sumagot. Hinintay ko nalang na ibaba niya phone niya tulad ng lagi niyang ginagawa. Mamaya itetext niya lang din ang location. After three seconds, ibinaba na nga niya.

And after ten seconds, wala paring dumarating na text. Maganda naman ang signal ng network ko ah. Wala rin namang sira ang phone ko kahit ilang beses ito bumabagsak. Dati kasi kapag may nasisira akong gadget, si Jake ang nag-aayos.

Nasaan na nga kaya siya? Hindi ako titigil sa paghahanap hangga't hindi kita nakikita.

"Nasa'an na 'yung text?" sigaw ko habang nakikipagtitigan sa cellphone ko. Ang lakas ng loob ko na magsisigaw kasi nawala sa isip kong public place ito at maraming mga tao. Ang sama nga ng tingin ng mga tao sa akin. Ako naman, patay-malisya lang.

After three minutes, may nagtext rin sa wakas. Magpapalit na ako ng network. Nadedelay ang messages dito. Pagbukas ko pero ng message, hindi location ang nakita ko. Inuutusan na naman ako. This time, with ASAP pa.

'Go to the rooftop of Morriston Building within ten minutes. ASAP.'

May time limit kaya nagmadali ako umalis doon. Agad kong minaneho ang motor ko. Motor pala ni Jake na hinihiram ko. Sa panahon ngayon, hindi na masyadong kumikilos ng mga pulis. Wala rin naman silang nagagawa laban sa mga chimera eh. Kanya-kanyang rules na ngayon kaya walang sumasaway sa akin sa overspeeding at sunod-sunod na pagtetake-over.

Dahil hindi naman kalayuan ang Morriston Building, nakarating din ako within five minutes. Eight dapat kung hindi ako nag-overspeeding at take-over at twenty minutes kapag nagcommute ako. Ngayon ang problema ko, paano ako makakarating sa rooftop in less than four minutes?

Nagmadali akong pumasok sa elevator nang magbukas iyon. Pinindot ko lang ng diretso ang button papuntang 50th floor para hindi ma-interrupt. In less than three minutes nakarating din ako. Fresh pa, with a smile. Pero nawala rin ang smile ko nang si Chedelle ang sumalubong sa akin. Nakatayo siya sa tabi ng isang jet plane.

Chimera HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon