Pagmulat ng mga mata ko. Masyadong maliwanag ang paligid. Nasa langit na nga ba talaga ako? Hindi. Nakatutok lang pala talaga ang araw sa mukha ko. Damn, sayang ang facial wash for glowing skin. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Wala nga ako sa langit, nasa isang kwarto ako. Simple lang ang kwarto na gawa sa kahoy. Tama lang sukat para sa isang tao. Isang sofa at kama lang ang appliance. Pati kurtina wala.
Sinubukan kong tumayo para ayusin ang kurtina, pero masakit ang katawan ko sa bawat subok kong kumilos. Hindi ako paralisado, pero mahirap talagang kumilos dahil sariwa pa ang mga injury ko. Nice, para akong buhay na mummy. Ang cliche ng mga nangyayari. Common ang ganitong eksena sa mga action eh, yung may sumabog, nakaligtas ang bida, tapos magsisimula ng bagong buhay. Bago ako magsimula ng bagong buhay, nasaan nga ba ako? Baka paggising ko, isa na akong chimera slave o chimera food.
Kailangan ko na mag-isip ng rason para hindi makain. Hindi ako masarap. No, common statement. Kailangan ng back-up na sentence. Uh...kasi pawisin ako. Wala akong laman, puro fats dahil pagkahilig sa Mang Inasal at hindi ako nagwo-workout. Totoo naman.
Biglang bumukas pabalibag ang pintuan, iniluwa nun ang bata na iniligtas ko. Nasa kaliwang balikat niya naman ang nagsasalitang unggoy na may kinakain na mansanas.
"Buti naman at gising ka na," sabi ng bata habang nakasiksik ang mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang sleeveless hooded vest. Kakaiba ang fashion sense ng batang ito kumpara sa mga ka-agemates niya. Ang mga alam kong normal na pre-teens nakacrop top or kung ano-anong weird na damit. Nakasuot lang naman siya ng green na long sleeved shirt na may nakadobleng itim na vest, pink na leggings at combat boots. Sa ulunan niya, mayroong bandana na kulay green.
"Please, pakisara ang bintana," pakiusap ko dahil siguradong mangingitim na ang mukha kong hindi ko alam kung gaano na katagal nakababad sa arawan. Uulitin ko, sayang ang facial wash. Mahal pa naman iyon at sayang ang binabayad nila kay Lebron James Weed na nag-e-endorse ng facial wash na iyon. Tuyo ang lalamunan ko at medyo paos ang boses ko. Halatang hindi nagamit ng magatal.
Sumunod naman siya na isara ang bintana.
"Nasa'n si Jake?" tanong ko.
"Sino si Jake? Si Finn ang nandito," sagot naman niya. Who the hell is that Finn? May balak ba silang gawan ng reunion ang cast ng Advanture Time sa story na 'to? Kasi kung oo, itong batang ito si Rainycorn dahil sa pagiging colorful niya. Sino naman kaya ako?
"Ako si Finn!" sabi ng unggoy na mukhang alien na pang-nigga ang accent. Tumalon siya mula sa balikat ng bata at umupo sa gilid ng kama nahinihigaan ko. Okay, nasagot na ang isang question, pero nasaan si Jacob?
"Ang hinahanap ko 'yung lalaki na ginawa nilang...chimera," sabi ko. Bigla akong nainis nang maalala ko ang ginawa nila kay Jake. Kung makikita ko lang sila.
"Ikaw lang ang nakita ni Eris. Wala ka daw kasama, pero may nakita siyang bakas sa buhangin na parang gawa ng higanteng sidewinder na gumapang papalayo," sabi ng bata. Ilang taon na ba ito? Masyado siyang matured na magsalita. Gumapang papalayo. Sana nga tama siya, sana nakagapang papalayo si Jake. Pero bakit niya ako iiwanan? Kung kailan naman na nagkita na kami, lalayo pa siya. And by the way, who the hell is that Eris?
"Sino daw si Eris," sabi pa ni Finn the Monkey na parang nababasa ang isip ko. Tiningnan pa niya ako ng seryoso. Nakakakilabot ang tingin niya. Parang si Chedelle tuwing pinagbabantaan ko. "Oo, nababasa ko ang isip mo, 'tol," sabi pa niya.
"What the fuck," sigaw ko dahil sa pinaghalong gulat at inis. "That's invasion of privacy, man!"
"Ganun talaga, psychologist kaya ako."
Hindi ko alam kung totoo ng sinasabi niya kasi kapag may mga psychology students akong nakakasalubong noon sa school, umiiwas ako dahil sabi nila nakakabasa daw sila ng isip. May ex-girlfriend ako noon na psychology student, nakakatakot dahil alam niya ang takbo ng isip ko kaya alam niya ang bawat gagawin ko. Pero hindi ako naniniwala na nababasa niya ang isip ko dahil inakala niya na nagcheat ako sa kanya at pinagpalit siya kay Jake.
BINABASA MO ANG
Chimera Hunter
Science Fictionchi·me·ra \kī-ˈmir-ə, kə-\ noun a monster from Greek mythology that breathes fire and has a lion's head, a goat's body, and a snake's tail something that exists only in the imagination and is not possible in reality