"May powers ka ba? Alam mo ba mag-alchemy? Kaya mo ba magpalabas ng apoy mula sa mga kamay mo?" sunod-sunod na tanong ng unggoy sa akin habang naglalkad kami papunta sa direksyon ng laboratory na target namin.
"Wala. Hindi ko alam magpalabas ng apoy, wala akong powers," sagot ko naman. Naiirita ako sa kadaldalan niya, pero sinasagot ko parin mga tanong niya kaya napapahaba ang diskusyon namin.
"Paano mo sila matatalo? Kaya nila tumira ng apoy, dukutin ang mga laman-loob mo o pag-eksperimentuhan ka. May isa ngang lalaki doon na in-inject-an nila ng kung ano-ano para daw ihanda ang katawan niya operasyon sa pagpapalit ng anyo niya bilang chimera. Nakakatakot," kwento pa ng unggoy na hanggang ngayon ay hindi ko kilala.
Mukhang nakakatakot nga. Sana kung gagawin nila akong chimera, gawin nila akong cute na pusa, yung fluffy. Pwede rin naman isang tiger, may natural na tattoo na stripes para mukhang astig. Ayoko ng lion kasi may fur sa mukha. Parang ang kati n'un. Ayoko pa naman na tinutubuan ng mushtache o beard kasi ang dumi tingnan.
Nawala ako sa pag-iimagine nang makaramdam ng isang mahinang sampal. "Tol, nawala ka sa sarili. Natatakot ka na 'no?" tanong sa akin ng unggoy na nasa kanang balikat ko.
Marahan akong umiling. "Hindi ako natatakot. Naiisip ko lang na kung magiging chimera ako, ano kaya ako?"
"Hmmm," napaisip din siya. Ipinikit pa niya ang mga mata niya na parang nagfofocus. "Siguro...taong-gagamba."
"Spiderman?"
Tumango rin siya na parang hindi sigurado. "Oo, sa pwet lumalabas ang sapot."
"Fuck. Damn you, Homo Sapien!" sigaw ko.
Nagulat naman siya at biglaang bumaba sa balikat ko para tumakbo. Sige lang, takbo, hahabulin kita at babalatan ng buhay!
Bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko at bumuwelo para habulin ang unggoy ang nakaramdam ako ng malamig na bagay na itinutok sa leeg ko. Bahagya akong tumingin sa kung ano ang nasa leeg ko, isa palang kutsilyo na nangingintab sa liwanag.
"Pribadong lugar ang iyong napasukan," sabi ng nasa likuran ko na nagtutok ng kutsilyo sa leeg ko. Isa siyang babae base sa boses niya. "Sumama ka sa akin upang hindi ka masaktan."
Tumawa ako para asarin siya. "Kung ayaw ko?"
Idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ko. Ramdam ko na nakalikha iyon ng sugat. Kung siya lang naman, kaya ko makatakas. Minsan lang namam ako pumatol sa babae. Kung maganda, exempted iyon, dapat ginagalang.
Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na kutsilyo at itinaas iyon. Malakas siya para sa isang babae kaya pwersahan kong inikot iyon papunta sa likuran niya kaya nabitawan niya ang kusilyo. Napasigaw siya sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso niya pinipilit kong pilipitin.
"Si-sino ka ba?" pasigaw niyang tanong.
"My name si Barry Allen," pamimilosopo ko. Wala akong pakialam kung kilala niya ang sinabi kong pangalan. Binagay ko lang sa suot kong tee-shirt na may logo ni Flash. Pinipilosopo ko siya kasi hindi naman siya chicka. Mas mukha pa nga siyang maton kumpara sa akin sa suot niyang itim na sando at army camouflage pants at combat boots. Itim ang buhok niyang mayroong red na may highlights at nakadreadlocks, tan naman ang balat niyang halos mapuno ng tattoo.
May isinigaw siyang salita na hindi ko naiintindihan. Maya-maya ay may tatlong tao na naka-itim na robe ang lumapit sa direksyon namin. Lahat sila natatakpan ang mukha ng mga hood ng robe nila. Creepy, pero astig. Feel ko na nasa action ako. Kaso sa pagkaka-alala ko, sci-fi ang genre ng story na ito, kaya nakakapagtaka kung bakit may mga ganyan-ganyan.
"Bitawan mo siya," utos ng isa sa akin ng nasa gitna. Boses matanda na.
Ano nga ba ang pwede ko gawin? Cornered na ako. Pero nakakapagtaka na wala ako nararamdamang kaba o takot.
Binitawan ko ang babae at agad naman siyang tumakbo palapit sa mga taong nakarobe.
"Gusto ko ang mga mata niya," sabi ng nasa kaliwa. Boses babae. Ang hinhin ng boses niya, mukhang chicks ang isang ito.
Hindi ako sumagot. Biglaang nagslow-motion ang paligid. Minsan may silbi rin na biglaang nag-a-activate ang powers na ito. Nakita ko ang taong nasa kanan na nagbato ng dagger patungo sa direksyon ko. Dahil sa kakayahan ko, nakita ko nang mabagal ang ginawa niya kaya nagawa kong makailag sa pagtama ng dalawang dagger, agad kong kinuha ang isa sa Twin Reaper na ibinigay ni Chedelle na nakasabit lang sa gilid ng backpack at agad itinira iyon sa direksyon ng nagbato ng dagger.
Nagbalik ang lahat sa normal, napatalsik ang taong binaril ko matapos siyang tamaan sa sikmura. Gusto ko ang baril na ito.
"Argos!" natatarantang sigaw ng babaeng nakasando, bago tumakbo sa direksyon ng nabaril ko na ngayon ay nag-a-agaw-buhay.
Pagtayo ko ay hindi ko maintindihan, pero hindi ako makagalaw. Para akong paralisado. Kahit isa sa mga daliri ko, hindi ko maigalaw. Dahan-dahang lumapit ang taong nasa gitna kanina. Inalis niya ang hood na tumatakip sa ulo niya. Isa siyang matandang lalaki na puti na ang lahat ng buhok, pero maayos ang postura. Ang mga mata niya, purong puti. Ngayon lang ako nakaramdam ng kilabot. Ito ba ang kakayahan ng mga alchemist?
"Tama ka, Chin Mei, maganda nga ang mga mata niya," sabi ng matanda habang tinititigan ako. Hindi ko alam kung paano siya nakakakita. Wala siyang iris?!
Tumawa naman ang babae na nag-alis din ng hood. Maganda siya. Mukhang Chinese. Mayroon siyang itim na buhok na nakaponytail. Ang cute niya sana, pero mukhang may saltik dahil tawa nang tawa.
"Master Ignis, akin nalang ang mga mata niya," pakiusap ng babae sa matanda.
"Pinatay niya si Argos!" sumbong ng babaeng nakasando.
Walang pinakinggan ang matanda sa kanila. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang ulo ko para makapagtitigan ang mga mata namin. Nakakakilabot. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo sa braso ko habang nakatitig ako sa mga mata niya na purong puti. Nakaramdam din ako ng namumuong headache, kasunod ng pagflash ng mga imahe sa isipan ko. Mga maiiksing eksena. Si Jake. Kung paano kami nagkakilala...ang mga misyon na nagawa at napagtagumpayan namin. Sila Chedelle, ang iba pa naming katrabaho, tuwing natatawa kaming lahat kapag napapaalitan ni Boss. Kung paano ako nataranta kahahanap kay Jake matapos niyang mawala.
Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Parang nag-overload na kailangan i-reboot o i-restart.
Tumigil din siya sa wakas. Hindi ko na naramdamang paralisado ako dahil biglaan ako bumagsak sa buhanginan. Ang sakit parin ng ulo ko. Semi-conscious ako. Naririnig ko sila, pero nanlalabo ang paningin ko.
Mas nakakadrain ang kung ano mang ginawa niya kaysa sa pag-overuse ko sa kapangyarihan ko. Actually, hindi naman talaga sa akin ang powers na ito. Sabihin na lang natin na shinare lang. Pero next time ko na iyon ikukwento dahil sa ngayon, wala akong lakas para magdetalye ng kung ano-ano.
Sana nga lang makaligtas ako para magawa ko pang magkwento.
Nakita kong lumuhod ang matanda sa tabi ko. "Gusto mong makita ang kaibigan mo? Dadalahin kita sa kanya." Nakita ko pa na nakangisi siya bago magsara ang mga mata ko at tuluyang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Chimera Hunter
Science Fictionchi·me·ra \kī-ˈmir-ə, kə-\ noun a monster from Greek mythology that breathes fire and has a lion's head, a goat's body, and a snake's tail something that exists only in the imagination and is not possible in reality