Naglanding siya sa lugar ng isla na walang tao at malapit sa kakahuyan. May ilang puno pa nga siyang sinagasaan. Kawawa naman sila.
"Nandito mismo sa island na ito ang location ng laboratory ng mga alchemist na iyon. Hindi ka mahihirapan sa paghahanap," sabi pa niya. Tango lang ako ng tango kahit wala naman talaga akong naiintindihan sa sinasabi niya. Nagmamalfunction utak ko.
Tiningnan niya ako. Kahit hindi niya sabihin, obvious naman na sinasabi niyang lumabas na ako. Hindi na ako nakipagtalo, tumayo na agad ako kahit medyo may jet lag pa ako. Dagdag pa na medyo hindi maganda ang pagkakalanding niya.
"Sigfried," pagtawag niya sa akin bago ako tuluyang makalabas sa jet plane.
Nilingon ko din naman siya. Hindi nga lang ako ngumiti dahil sa jet lag.
"Mag-iingat ka," sabi niya na nagpakita ng matutulis niyang ngipin.
Napa-atras ako ng bahagya. "Pinagbabantaan mo ba ako?" tanong ko na dahan-dahang kinakapa ang pintuan.
Lumukot ulit ang mukha niya at binato ako ng sapatos niya. Tinamaan ako sa noo. "Nakangiti ako, bobo!" sigaw niya. Marahil ay totoong bobo ako dahil hindi man lang ako umiwas nang batuhin niya ako.
-----
Nagdududa ako kung babalikan pa ako dito ni Chedelle. Noon pa man mainit na ang dugo niya sa amin ni Jake dahil lagi namin siya pinagti-trip-an.
Nang makalipad ang jet papalayo, nagsimula na ang adventure ko. Kumanta nalang ako para i-entertain ang sarili ko.
"Morriston, jet plane, secret lab!
C'mon vomonos, everybody let's go
C'mon let's get do it
I know that we can do it
Where are we going?"Kanta ko na may kasama pang clap, clap, clap. Lakas ng loob ko kasi nag-iisa lang ako dito. Parang walang tao. Hindi kaya sinadya ni Chedelle na iwan ako dito para dispatyahin?
Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko kaya itinuloy ko nalang ang pagkanta.
"Where are we going?" Kanta ko ulit habang nagclap, clap, clap pa. "Secret lab!" Sana may kasama akong unggoy na kumakanta.
"Where are we going?"
Hindi ako pumalakpak ng tatlong beses, pero may ibang pumalakpak para sa akin.
"Secret lab!" Iba din ang sumagot. Boses minion.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid at kinuha ang pasimple ang pistol na nasa bulsa ng jacket ko.
"Sino ang nandiyan?" tanong ko.
Napatili ako nang may isang unggoy ang biglaang bumagsak sa harapan ko. Kasinlaki siya ng isang average-size na pusa at kulay light brown, pero kapansin-pansin ang malaki niyang ulo na parang puputok na.
"Wah! Huwag mo po akong sasaktan," pakiusap niya sa akin habang nakataas ang mga kamay na parang sumusuko.
Napanganga ako sa nakita ko. Isa siyang...nagsasalitang unggoy.
"Huy, 'tol. Kung makanganga naman. First time mo ba makakita ng nagsasalitang unggoy?"
"Yah. Amazing," sagot ko na natutuwa sa nakikita ko. Lumuhod ako para makita siya nang mas malapitan.
"Tol, pwede humingi ng pagkain? Puro isda ang nakakain ko dito? Isang beses nga, muntikan na makain buntot ko ng pating. Tingnan mo," tumalikod pa siya para ipakita ang buntot niya na may konting tuklap sa dulo. Kawawa naman siya.
"Di ka nangangagat?" tanong ko sa kanya. Naniniguro lang naman ako.
Nagkibit-balikat naman siya. "Depende kung may dapat kagatin, o kung sasaktan mo ako tulad ng mga lalaking nandun," may itinuro siyang direksyon papunta sa medyo mapunong bahagi ng isla.
Hinalungkat ko ang backpack na ibinigay sa akin ni Chedelle at hinanap ang sinasabi niyang food rations. Limang sandwiches. Tatlong bottled mineral water at isang Gatorade. Meron ding isang tee-shirt. Sabi niya may survival kit? Puro bakal na bala ang narito.
Inabutan ko ng isang sandwich ang unggoy at masaya naman niya iyong tinanggap. Narinig ko na humuhikbi siya at bigla akong sinunggaban ng yakap. "Sa-salamat. Matapos ako pag-experimentuhan ng mga alchemist na iyon, akala ko mamamatay na ako matapos ang matinding sakit na pinagdaanan ko doon. Tatlong araw na akong hindi kumakain nang maayos, muntikan pa akong makain ng mga hayop dito," sabi pa niya.
Nang una, nagulat ako sa biglaan niyang pagtalon sa akin. Pero nang naintindihan ko na nagpapasalamat siya, niyakap ko rin siya. "Tahan na. Kain ka na muna," sabi ko.
Narinig ko na suminga siya. Napamura ako nang maramdaman na siningahan niya ang jacket ko. What the hell?
"Pa-pasensya na, 'tol. Nadala lang ng emosyon," bumaba na siya at umupo sa buhanginan. Nagsimula na siyang kumain. Kung titingnan siya, para lang siyang ordinaryong unggoy. Nakakainis, masarap tirisin.
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Mukha kang foreign para sa lugar na ito. Paano ka nakapunta dito? Wala namang sasakyan papunta rito." tanong niya na may mga follow-up pa.
Inalis ko ang suot kong jacket. Nandiri ako nang makita ko ang kulay green niyang sipon sa kanang balikat ng jacket.
"Hinahanap ko ang laboratory na sinasabi mo," sagot ko sa kanya.
"Ililigtas mo ba ang mga bihag doon?" masaya niyang tanong na tumalon-talon pa. Tumalsik pa ang mga pagkain na laman ng bibig niya. Gross.
Nagkibit-balikat naman ako. "Siguro."
Inubos niya agad ang sandwich na hawak niya. Ang laki ng pagkakakagat niya para sa isang maliit na unggoy. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ko. "Pakiusap, iligtas mo ang mga bihag doon. Dalawa lang ang bihag nila sa ngayon, pero may papaating pa raw bukas. Ang isa sa mga bihag ay isang batang babae. Ang isa naman ay binata na halos kasing-edad mo. Siguradong kapag hindi sila nailigtas ay masasaktan din sila katulad ng ginawa sa akin at sa iba pang chimera."
"Isa ka bang chimera?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko ang chimera ay hayop na kalahating tao. Pero hindi ako sigurado kung ano siya.
Napaismid siya. May attitude din ang isang ito ah. "Hindi ako chimera. Ako lang naman ang perpektong ehemplo ng mutation. Isa akong unggoy na mayroong utak na katulad ng sa tao," paliwanag niya habang nakaturo sa malaki niyang ulo. Nagtataas-baba pa ang mga kilay niya.
"Pinag-eksperimentuhan ka?" tanong ko pa.
Biglaan naman siyang umiyak. Hindi. Ngumawa siya. "Oo! Masakit ang ginawa nilang pagbutas sa bungo ko para lang makuha ang utak ko at ilagay sa ulo ng unggoy na ito! Tao ako noon!"
Hindi ko alam ang irereact ko. Naawa ako sa kanya. Naalala ko ang eksena sa movie na Human Centipede kung saan binutas ang bungo ng isang babae. Hindi ko kinaya ang movie na iyon.
"Pakiusap. Iligtas mo sila," pakiusap niya ulit.
Kinuha ko ang mga baril na binigay ni Chedelle sa akin. Ang sosyal ng mga color gold na pistol.
"Nasaan ang laboratory?" tanong ko sa kanya.
Tumayo naman siya at pinunasan ang luha niya. "Sasamahan kita, pero hindi ako papasok sa laboratory dahil may trauma pa ako doon."
Tumango naman ako sa kanya at niyaya siyang maglakad.
"Teka," pagpigil niya sa akin sa pamamagitan ng paghila sa laylayan ng pants ko. "May panulak ka ba diyan?"
BINABASA MO ANG
Chimera Hunter
Science Fictionchi·me·ra \kī-ˈmir-ə, kə-\ noun a monster from Greek mythology that breathes fire and has a lion's head, a goat's body, and a snake's tail something that exists only in the imagination and is not possible in reality