Chapter 4: Five letters

7 0 0
                                    


Maraming nabuong katanungan sa akin pagkatapos ang kaganapang iyon. Bakit may gustong pumatay sa akin? Sino siya at yung taong nagligtas sa akin? Bakit ganoon na lang ang pag-iyak ko? Ganoon ba siya kahalaga sa akin?

Sa paghahanap ko ng mga kasagutan, ay hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.

"Arell, ayos ka lang ba talaga?" Sinundan pala ako ni Jinx. Ngumiti siya sa akin tapos hinawakan ako sa balikat. "Gusto mo ba pumunta tayo diyan sa gubat para makapagisip-isip ka nang maayos? Tahimik sa lugar na iyan." Sabi niya sabay turo sa kagubatang ilang lakad na lang ang layo.

Lumakas yung simoy ng hangin. Medyo nakakatakot masdan yung kagubatang tinuturo ni Jinx pero tahimik siyang lugar. Kahit ganoon, ay ayaw kong pumunta doon kasi mawawala rin naman itong prinoproblema ko.

Pagtingin ko sa pwesto ni Jinx, ay wala na siya roon. Lumingon-lingon ako para mahagilap siya pero wala.

"Arell, tara na!" Hindi ko nakita si Jinx pero nanggaling yung boses niya roon sa gubat. Napahinga ako nang malalim. Mukhang hahanapin ko pa siya.

Pahakbang na sana ako kaso biglang may nagbato sa likod ko. Inis ko siyang nilingon at nakita ko na isang hindi kilalang lalaki ang may gawa niyon. Puti yung buhok niya tulad nung kay Jack Frost. Blangko ang mukha nito habang pinagpapasa niya yung bato sa dalawang kamay.

"Ano bang problema mo? Tinignan niya lang ako habang pinaglalaruan ang mga bato. "If I were you, I wouldn't go in that forest." Sabi nito at saka tumalikod. Bwiset na lalaki yun. Binato ako nang walang dahilan.

Hindi ko sinunod yung bilin niya kasi muli akong tinawag ni Jinx. Hinanap ko siya sa gubat na puro walang dahon ang mga nararaanang puno.

"Jinx! Nasaan ka?" Sigaw ko dahil malabong makita ko siya sa malaking gubat na ito.

"Arell, nandito ako." Agad akong tumakbo sa pinaggalingan ng boses niya at lumuwag ang dibdib ko nang makita siya roon.

"Bakit ka naman bigla-biglang pumunta rito? Alam mo bang ang hirap mong hanapin dahil sa laki ng lugar na 'to?" Hinahabol ko pa yung hininga ko dahil medyo malayo rin ang tinakbo ko. Nakatingin lang sa akin si Jinx at hindi umimik kahit isang salita.

"Ayos ka lang ba?" Wala pa rin siyang kibo kaya hinawakan ko siya sa balikat.

Nanginig siya at nagkulay itim ang balat. Nawala ang mukha niya maging ang kanyang buhok. Siya'y naging isang matangkad na halimaw na mayroong matutulis at mahahabang kamay at paa. Wala itong mata at ang bibig nito ay napakalapad. Matutulis ang ngipin niya at mahaba ang dila.

Dahil sa takot, ay napasigaw ako nang malakas. Nagbabakasakaling may mahingiaan ng tulong kahit na nasa gitna na ako ng gubat.

Tumakbo na lang ako sa lahat ng makakaya pero yung halimaw ay mabilis na nakahabol sa akin dahil sa mahahaba nitong kamay at paa. Pumalibot sa aking bewang ang kanyang dila. Hindi na maabot ng aking paa ang lupa. Nakatapat na ang aking mukha sa nakanganga niyang bunganga. Napaiyak na lang ako.

"Tulong!" Sana naman may makarinig sa akin.

Ilang segundo lamang ay nahulog ako. Pagmulat ko ay naputol yung dila ng halimaw kaya nagwala ito at naglikha ng nakakabinging tinig.

Biglang nagyelo ang kanyang mga paa kaya hindi siya makaalis sa kanyang pwesto. Gamit ang kanyang matutulis na kamay ay sinubukan niyang makatakas roon. Nang siya'y makalaya ay inatake niya yung lalaking nakahood.

Parang walang takot itong nadarama. Itinaas niya lamang ang kanyang kamay at may lumabas na yelo sa mga palad niya. Ang halimaw na balak siyang atakihin ay naestatwa sa ere dahil binalot na siya nang napakalamig na yelo.

Once Upon a NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon