Chapter 6: Sign?

2 0 0
                                    


"Hindi mo ba talaga alam yung power mo?" Tanong ni Felix.

"Hindi." Wala naman kasi akong nagagawa rati 'di tulad nila na bata pa lang, ay nagagamit na nila ang kanilang kapangyarihan.

"Wala bang weird na nangyari sayo noong wala ka pa rito sa Twisted Fate?" Tanong naman ni Gweneyl. Para akong nasa hot seat.

Sabagay meron ngang kakaibang nangyari sa akin noon.

"Nung bata pa 'ko, nakakarinig ako ng mga boses sa mansyon ng lola ko. Di ko maintindihan yung mga binubulong nila. Basta nagkwento lang sa akin si lola tungkol kina Lux at Death tapos..."

"Tapos?" Lahat sila ay tutok na tutok sa akin. Nakakailang na yung mga tingin nila.

"Nung debut ko, nagpakita sa akin si Justice at siya ang nagsabi na kailangan ko nang pumunta rito."

"Nagpakita sayo si Justice? Ang Goddess of Truth?" Di makapaniwalang tanong ni Jinx.

"Baka naman ang kapangyarihan niya ay makakita ng mga Gods ang Goddesses." Pagbibigay ng suhestiyon ni Uno.

Binatukan naman siya ni Gweneyl. "Tumigil ka nga."

Hinihimas naman ni Uno yung parte ng ulo niya na binatukan ni Gweneyl. "Bakit? Seryoso naman ako dun sa sinabi ko."

Sinamaan siya ng tingin ni Gweneyl at handa na naman siyang batukan. Tinakpan naman ni Uno ang mukha niya nang makitang nasa ere na ang palad nito.

"Ops. Walang ganyanan. Sabi ko nga mananahimik na lang ako."

"Sa tingin ko may iba pa akong magagawa. Kusang nagpakita sa akin si Justice kaya siguro hindi ko kapangyarihang makita ang mga tulad niya. Malay niyo, magpakita rin sila sa inyo."

Biglang napayakap si Uno kay Gweneyl. "Hoy Arell, bawiin mo yun. Baka hindi ako makatulog niyan."

"Para-paraan ka lang para makayakap kay Gweneyl." Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig naman ito ni Uno dahil katabi ko lang naman siya. Sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Bitawan mo nga 'ko." Reklamo ni Gweneyl saka inalis ang pagkakayakap ni Uno sa kanya.

"Mukhang mahihirapan tayo alamin ang kapangyarihan mo, Arell." Biglang sabi ni Felix. "Mamaya na titignan ni Madam Caelum kung gaano na namin nakokontrol ang mga kapangyarihan namin at kung gaano ito kalakas."

Bigla akong nalungkot. Ako na lang ang walang kapangarihan dito. Ano ba talaga kasi ang magagawa ko?

Inakbayan ako ni Jinx. "Huwag ka na malungkot. Karamay mo 'ko. Hindi ko rin alam kung anong kapangyarihan ko. Bago ka pa lang kaya marami pang araw para alamim kung ano ba talaga ang power mo."

Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya pero alam ko naman na alam niya ang kapangyarihan niya. Ewan ko lang kung bakit niya tinatago at kailangan niya pang magpanggap na hindi niya pa alam kung ano.

Nagsitayuan na kami kasi oras na para sa training. Pumasok kami sa isang malaking silid na para bang Colosseum sa Rome. Sa gitna gaganapin ang paggamit ng kapangyarihan at ayon kay Jinx, may force field daw sa pagitan ng mga manonood at sa gumagamit ng power upang maprotektahan ang mga ito sa mga ginagawang atake.

Magkakatabi kaming magkakaibigan at tatawagin lamang ni Madam Caelum ang pangalan ng susunod na magpapakita ng kanyang kapangyarihan.

"Gweneyl."

Lahat kami ay napalingon kay Gweneyl at walang kaba na bakas sa mukha nito. Tumayo na ito at prenteng naglakad papunta sa gitna ng Colosseum.

Bigla akong na-curious kung ano ang power niya. Kahit magkaibigan na kami, ay hindi ko pa nakikitang ginamit niya ang kanyang kapangyarihan. Maging kay Uno ay wala akong ideya kung ano.

Once Upon a NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon