Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makakita ng ibang tao pero puro itim na rosas lang ang nakapaligid sa akin.Rinig ko ang ingay ng mga uwak na paikot na lumilipad sa aking itaas. Ang mga puno ay walang dahon at itim na ang kulay ng kahoy nito. Walang buhay ang lugar. Puro itim ang nakikita ko at halos walang liwanag dahil natatakpan ng itim na ulap ang araw.
Lalong lumakas ang ingay ng mga uwak na nagpakaba sa akin. Bumaba ang lipad nila at isa-isa akong inatake. Hinarang ko ang aking mukha gamit ang mga braso dahil nakatamo na ako ng mga kalmot sa pisngi.
Tatakbo na sana ako kaso maputik ang daan. Doon ko lang nalaman na nakasuot ako ng heels na lumulubog na sa putik at gown na kanina ko lang suot sa party. Hinubad ko ang heels at saka tumakbo. Patuloy pa rin sila sa pag-atake kaya mas lalo kong binilsan.
Ewan ko kung malas lang talaga ako kasi wala na 'kong tatakbuhan pa. Putol ang tulay at ang taas ng bangin. This is the end of my miserable life. Goodbye, cruel world.
Naramdaman kong may dumapo sa balikat ko. Alitaptap. Bumaba ang lipad niya na sinesenyasan akong tumalon. Tumingan ako sa baba at hindi maiwasang malula. May ilog sa baba ngunit hindi mo pa ring pag-iisipang tumalon. Kung magpapakamatay ka, pwede pa.
Lumakas ulit ang ingay ng mga uwak, senyales na papalapit na sila sa aking pwesto. Huminga ako ng malalim at bumilang hanggang tatlo. Bahala na kung katapusan ko na. Isa, dalawa, tatlo!
Bumagsak na 'ko sa ilog at hindi inaasahang napakalalim nito. Habang palubog ako nang palubog, napansin ko na iba yung nasa ilalim. Bakit may mga ulap? Bumilis ang paglubog ko at namalayan ko na lang na bumabagsak na pala ako sa kalangitan. Paano nangyari yun?
Mas lalo akong kinabahan dahil hindi na tubig ang aking babagsakan kundi lupa na. Pinikit ko lang ang aking mga mata at handa nang tanggapin ang aking hahantungan ngunit tumigil ako sa ere.
Pagmulat ko, unti na lang ang pagitan ng mukha ko sa lupa. Nagtataka akong tumayo. Patay na siguro ako.
"Hello." Napatalon ako sa gulat. Dahan-dahan akong lumingon sa likod. May batang babae. Itim ang tuwid nitong buhok at may bangs siya. Napakaganda rin ng kulay ube nitong mata.
"Uhm, hi?" Pagbati ko nang alanganin. "Sino ka? Pwede mo bang sabihin kung nasaan ako?"
Ngumiti naman siya sa akin. "Follow me." Bata pa lang siya pero may awtoridad na sa boses. Kung makapag-utos akala mo hindi mas nakakatanda ang kausap.
Pumasok kami sa isang madilim na silid. Tanging isang ilaw lang ang nakabukas. "Sit." Nakasimangot ko siyang sinunod. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"Looks like the crows attacked you." Naging alerto ako bigla. "Paano mo nalaman?" She smiled again.
"Your gown was ripped a little." Tama nga siya at hindi lang yun dahil puro putik pa yung mga paa ko.
"They sensed your fear that's why they attacked you. The crows are part of the test to measure your courage. You jumped the cliff and congratulations, you're part of the Twisted Fate." I was stunned. "By the way, the river heals the scratches." Napatingin naman agad ako sa mga braso ko. Nakakamangha lang dahil wala nga ang mga kalmot doon.
"I forgot to introduce myself. Hello once again. I'm Scarlet. The one and only person who was given the gift to see the past and future. What's your name?" I was about to say my name when she suddenly hushed me. "You're not allowed to tell your real name. It's for your own sake." What? Then what would be my name?
I cleared my throat. "Arell." Her angelic face smiled again.
"Arell, welcome to Twisted Fate."
BINABASA MO ANG
Once Upon a Nightmare
FantasiaIs power a gift or a curse? Welcome to Twisted Fate! Feel free to enter a world that was once joyful, alluring and full of life. But this world is now ruined and dark but served as a home for the peculiars who are luckily chosen to have a power. The...