Chapter 9: Changed

3 0 0
                                    


Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ewan ko kung bakit ganoon na lang ako titigan ni Scarlet. Maraming emosyon ang pinapakita ng mga mata niya at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unang mas bigyang pansin.

Dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Buti pa 'tong katabi ko na si Jinx ay parang nasa kalagitnaan na ng panaginip.

Mula sa gabing tahimik, nakarinig ako ng mga yapak sa labas ng tent namin ni Jinx. Nang bumangon ako ay may dumaang anino. Inatake agad ako ng kaba kaya sinubukan kong gisingin si Jinx. Kahit anong gawin kong paghampas at pagyugyog, ay hindi pa rin siya nagigising.

Pinagsama-sama ko na ang lahat ng tapang ko para lumabas at tignan kung sino o ano yun. Imposible man mangyari pero baka isang obscure ang nasa labas dahil paniguradong tulog na silang lahat at ako na lang ang natitirang gising.

Nang makaapak na ang mga paa ko sa lupa ay parang tinangay na ng hangin ang aking tapang. Pumalit ang takot na siyang kumakain na sa aking sistema.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may humawak sa aking balikat. Agad naman akong nakaramdam ng ginhawa nang mapagtanto na si Scarlet lang pala ito.

Nakapatong ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na parang pinapatahimik ako. Hinawakan niya ang kamay ko at doon na siya nagsimulang pumikit. Tila hinahalukay ang mga memorya ko at nakikipaglaro sa daloy ng oras para mabasa ang hinaharap o ang nakaraan.

Nang imulat niya na ang matang nagpapakita ng pagkabigo, ay napasabunot siya sa kanyang buhok at nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha. Agad ko siyang inalo.

"Bakit hindi ko makita? Bakit putol-putol lang siya?" Umiiyak pa rin siya at gulong-gulo ang isipan.

Kumunot din ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya ko nang may galit, lungkot, pag-aalala at pagkalito sa mga mata. Mga emosyong pinahiwatig niya sa akin bago kami nagpahinga.

"Kahit hinawakan ko na yung kamay mo, ay wala pa rin akong mabasang mangyayari sa hinaharap. Basta nakita ko na umiiyak ka sa hindi ko malamang dahilan. Putol-putol kasi ang nakikita ko. Mga puno, itim na kulay, ikaw, dugo at isang singsing na nasa palad ng isang hindi kilalang tao." Patuloy pa rin siyang humahagulgol.

"Alam ko na babala yun. Nasa panganib ka kaya kailangan na nating umalis dito. Gisingin na natin sila."

Parang naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Ano bang pinagsasabi niya? Sinampal naman agad ako ng realidad. Nasa banta ang buhay ko kaya sumang-ayon na 'ko sa gusto niyang mangyari. Pero...

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?"

Napapikit siya nang mariin. "Nung una kasi ikaw lang ang nakita ko. Akala ko simpleng problema lang yung iniiyak mo pero nang hawakan ko yung kamay mo at nakakita ako ng Ring of Power, sumama na yung kutob ko." Tumutulo pa rin ang mga luha niya. Sa tahimik na gabi kung saan tanging hangin lang ang naririnig, ay dumagdag ang kanyang mga hikbi.

"Hindi natin matatanggal ang Ring of Power kung hindi pa tayo mamamatay."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun ay mamamatay ako? But why?

Napatingin ako sa Ring of Power ko at napangiti nang mapait. It was given by a Goddess. A gift that we'll make me peculiar but this ring is cursed. It we'll be stuck on me until I blew my last breath. And now, I don't know if being a peculiar is a good thing.

"Katapusan ko na ba?" Tumulo na rin ang mga luha ko.

When Lola Crisella died, I wanted to end my life. Yet, I don't want to welcome death right now.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon a NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon