Chapter 5: Friends

8 0 0
                                    


"Form your lines!"

Sinunod namin agad ang inutos ni Madam Caelum. Ang mga kamay niya ay nakatago sa likuran. Nakasandong itim ito kaya namataan kong may mahaba siyang peklat sa braso.

"The metal bracelets will stop all of you to use your powers. For now, I just want to see your physical strength."

Biglang bumulong si Terra na nasa tabi ko lang. "Why would they give you a metal bracelet if in the first place, you don't have a power?"

Nakuyom ko yung mga palad ko. Pinipigilan ko yung galit dahil paniguradong gulo na naman 'to.

"Let's start with hand to hand combat. Who wants to go first? Any volunteers?"

Nagtaas ng kamay si Terra.

"Okay, Terra. Kindly choose your opponent."

Ngumiti naman ito at masama ang kutob ko sa isasagot niya. "I'll pick Arell."

Awtomatikong umirap yung mga mata ko. Buti na lang nag-training na kami ni Kaius at handa na 'kong bangasan yung mukha ng babaeng 'to.

Yung iba ay umupo sa sahig at ang pwesto nila ay pabilog. Kaming dalawa ni Terra ay nasa gitna.

"I'm gonna tear you to pieces." Sabi ni Terra habang pinapaputok ang kanyang mga daliri.

"Start when you're ready." Sigaw naman ni Madam Caelum na nakaupo sa parang trono. Nakatingin lamang ito sa amin na tilang nananabik kung sinong mananalo. Nakatayo ulit sa kanyang tabi si Scarlet.

Binalik ko ang aking tingin kay Terra. Bigla itong sumugod. Isa-isa kong inilagan ang nga suntok niya pero sa ikaapat na suntok, ay tumama sa aking mukha ang kanyang kamao.

Napasinghap ang mga nanonood samantalang si Terra ay tuwang-tuwa na natamaan niya 'ko.

"Come on, Newbie. Did my punch hurt that much? Are you gonna cry now?" Ubod ng yabang ang kanyang pagkakasabi kaya nakuyom ko na naman ang mga palad ko pero sa pagkakataon na 'to, hindi ko na kikimkimin ang galit ko.

Unti-unti akong naglakad papunta sa pwesto niya. Muli, sinalubong niya ko ng isang suntok pero nailagan ko ito at hinawakan ang kamao niya na dapat ay tatama sa aking mukha. Nawindang siya sa ginawa ko kaya siniko ko siya sa gilid ng kanyang ulo.

Nahilo siya sa ginawa kong pag-atake kaya naghiyawan ang mga manonood. Dahil doon, ay parang bumalik siya sa huwisyo kaya kinuyom niya ang kanyang palad at naghanda na naman ng isang suntok.

"Hindi ako papayag na matalo sa isang tulad mo." Pagkasabi niya nun, ay tumakbo siya papunta sa akin kaya sinuntok ko siya sa tiyan.

Napaluhod siya habang umuubo. Tumawa ito na parang nasisiraan na ng bait.

"Ayan lang ba ang kaya mo? Kahit manalo ka sa laban na 'to, hindi pa rin niyan mabubura yung katotohanang wala kang kwenta."

Biglang kumulo yung dugo ko kaya sinipa ko yung pisngi niya. Napahiga siya sa sahig habang may lumalabas na dugo sa ilong niya. Nagpalakpakan silang lahat at sayang-saya sa aking pagkapanalo.

Umupo na lang ako sa tabi ni Jinx at walang bakas ng ngiti sa aking mukha. May panibagong naglaban sa gitna. Hindi ko kilala kung sino man sila pero yung isang babae ay nanginginig na sa takot at halatang hindi ito marunong makipaglaban.

Bugbog sarado na yung babaeng maikli yung buhok at parang walang balak tumigil yung kalaban nito. Yung iba ay tila nasisiyahan pa na makitang may halos mamatay na.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gitna. Tumigil ang hiyawan na kanina ay naririnig ko pa. Napatigil din yung isang babae sa pagsuntok sa kawawang babae na nakikiusap na tumigil na.

Once Upon a NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon