Chapter 8: Sunset

3 0 0
                                    


"Ano? Ayos na ba lahat?" Tanong ni Uno.

"Ayos na yung tents." Sagot namin ni Xenon.

"Tapos na naming ikabit yung mga ilaw at na-double check na namin. Gumagana silang lahat." Sabi naman ni Felix na katulong si Jinx.

"Nakakolekta na kami ng mga kahoy para sa campfire." Singit ng kararating lamang na sina Kiefer at Constance. May mga bitbit pa silang kahoy.

"Uno!" Napalingon kami kay Scarlet na tumatakbo papunta sa amin. Nasa likod nito si Kaius.

"Pumayag ba si Madam Caelum?" Agad na tanong ni Uno.

Ngumiti naman si Scarlet at nagthumbs-up. "Ok lang daw. Basta malayo raw tayo sa gubat ng mga obscure at siguraduhing mag-iingat lang tayo."

Napasuntok pa sa hangin si Uno. "Ayos! Kahit simple lang 'tong surprise natin, alam kong magugustuhan 'to ni Gweneyl."

"Mamaya ka na muna magsaya diyan. Hindi pa tayo gumagawa ng banner." Sabi ni Felix.

"Oo nga pala. Kiefer at Constance!" Pagtawag nito sa dalawa. "Pwede bang samahan niyo si Gweneyl? Baka kasi magtaka yun na wala tayong lahat."

"Kami na bahala sa distraction." Tumakbo si Kiefer at humabol sa kanya si Constance.

"Binabalaan kita, Kiefer. Huwag ka masyadong lalapit kay Gweneyl. Baka masapak pa kita." Pahabol na sigaw ni Uno.

"Aagawin ko na siya sayo." Pabalik na sigaw ni Kiefer at tumawa pa talaga ang loko na parang nang-aasar.

"Bwiset."

"Ops!" Pinigilan ko siya dahil balak pa nitong sugurin si Kiefer. "Niloloko ka lang niyon. Diba hindi pa tayo tapos sa banner? Malapit nang magdapit-hapon. Kailangan na nating kumilos."

Nakabusangot ang mukha nito at may binubulong-bulong pa sa hangin. Grabe naman siya magselos, e hindi pa nga sila. Iba talaga si Uno.

Mabilis naming ginawa ang banner at inaayos ang mga kakailanganin sa surprise. Unti-unti nang dumidilim kaya nagmadali na kaming kumilos at nang matapos na, ay dumiretso na kami sa loob ng Twisted Fate para hanapin sina Gweneyl.

"Gweneyllll!" Mahabang sigaw ni Uno habang tumatakbo papunta kay Gweneyl. Sapak naman ang sinalubong nito sa kanya.

"Aray naman. Lagi mo na lang ako sinasaktan." Ngumuso pa talaga si Uno.

"Tumigil ka nga. 'Di bagay sayo." Pagtataray ni Gweneyl. Kailangan kaya sila magkakasundo?

Mula sa pagnguso, ay napalitan iyon ng ngiti. Umakbay siya kay Gweneyl.

"Gusto mo manood ng sunset?"

"Ano na namang binabalak mo?"

"Basta. Tara na!" Di pa pumapayag si Gweneyl, ay hinila na ito ni Uno. Sumunod na lang kami sa kanila.

Tinatahak na namin ang daan patungo sa surprise namin para kay Gweneyl. Nasa bangin yun pero may harang naman kaya hindi kami mahuhulog. Doon namin napili dahil matatanaw namin ang kalikasan. Mula sa bughaw na karagatan hanggang sa kalangitan na malapit nang lumubog ang araw. Kapag kumagat naman ang dilim, ay magsasaya kami sa ilalim ng milyo-milyong tala. Alam kong magugustuhan ito ni Gweneyl dahil ayon kay Uno, mahilig siya sa outdoor dahil malapit ang puso nito sa kalikasan. Yun ang dahilan kung bakit magpapalipas kami ng gabi dito sa labas.

"Surprise!" Sabay-sabay naming sigaw.

Halos mapaiyak naman siya sa tuwa. Tinitigan niya ang banner na may nakasulat na 'Happy Birthday Gweneyl!'

Once Upon a NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon