Dear Diary,
Alam mo ba diary kanina naalala ko nanaman yung nakaraan ko kasi ei, dahil yun sa nangyari kanina... kasi medyo nahihiya pa ko sayo ei kasi diba bago ka lang, kakabili ko lang sayo ei, kaya medyo naiilang pa ko sayo pero okay lang mahal naman kita ei, kaya nga kita binili kasi unang kita ko pa lang sayo minahal na kita, kaya... Ei sige na nga,
Ganito kasi yon kanina nakapangtitibo-tibo outfit ako ei kung hindi mo naitatanong madalas akong mabully dito kapag nagkaganitong itsura ako, mabilis akong mapansin so yung nga, tapos nakaupo ako sa bleachers ng school kasi recess time bali ang ginagawa ko don ako kumakain habang nagbabasa kasoh medyo puno na sa canteen, so wala nang maupuan, kaya yon, tapos habang kumakain may biglang kumuha ng favorite na pagkain kong fries eh ang binili ko pa naman yung pinaka mahal kaya syempre hindi ako pumayag kaya tatayo palang ako ei isinaboy sa mukha ko yung fries tapos yung mga nasa likod niya ei hinagisan ako ng basura, sabi ko "Sobrang sama naman ng ugali niyo mga kuya, alam niyong wala akong ginagawa sai-----" alam mo dairy hindi pa ko natatapos ei binalibagan nanaman ako ng kung ano anong basura, nanggigigil na ko sa mga to ha sumusobra na sila.
"Hoy lalaking nang-agaw nang fries ko bakit mo inagaw yung fries ko? At pwede ba patigilin mo nga yang mga alagad mo sa likod panay tapon nang basura sakin ha, kala niyo mabango ha, ni hindi ko nga kayo kilala tapos bigla bigla na lang kayong susulpot sa harap ko at pagtitripan ako, bakit kala niyo batas kayo, kahit ganito ko kala niyo hindi ko kayo kaya." tapos lahat ng basura ay tinipon ko at saka ko isinampal sa mga pagmumukha nila, aba kala nila hindi ko sila papatulan ha, "Excuse me Ms. Titibo-tibong pumorma na mukhang babae kung magalit at hindi ko na maintindihan ang tunay mong pagkatao wag mo kaming sinisigaw sigawan ha baka hindi mo nakikilala ang kinakalaban, tsaka ano bayang damit mo ang pangit para kang tao na galing sa Year of the 90's na napunta dito sa panahon namin, mukha kang matanda na nakikipag-usap sa mga lalaking nasa Year of the Modern, am panget mo" aba sumusobra na talaga sila pwede ko silang kasuhan ng verbal abuse, mangiyak-ngiyak na ko dito dahil sa pinagsasabin nila hindi ko lang pinapahalata grabe ang hirap din pala ng walang kaibigan wala kang masasaklolohan grabe, ayoko na.
Pinaghahampas ko na lang siya sa para lang makaganti ako ng konti kahit na sinasangga niya ito.
"Hoy anong ginagawa niyo?" hala may dumating na lalaki, OMG hindi ko gusto ang awra neto ha parang... "Wala naman bakit ka ba nangingielam dito, kilala ko ba tong tomgirl na to" tapos alam mo na ang nangyari diary, syempre the usual na nangyayari kapag maynililigtas na naaapi, nakipagsuntukan grabe naguguluhan din ako dito sa lalaking to parang baliw nakipagsuntukan pa ei ni hindi niya nga ko kilala, hala baka secret admirer ko to ah, yung tipong sinusundan niya ako hanggang bahay tapos iniistalk niya ko sa facebook website, sa instagram website, sa twitter website, sa google website, sa youtube website, at sa kung ano ano pang website, nako sinasabi ko na nga ba ei hindi talaga maganda ang kutob ko dito sa lalaking ito ei, masyado ba kong mahangin diary ha, pero hindi naman sa nagmamayabang ako pero maganda naman talaga ako ei hindi lang ako nag-aayos kasi nga basta, di pa ko ready ikwento sayo, basta yun, ano ba yan ang tagal naman nila magsuntukan.
"Okay ka lang ba brad" hays salamat natapos din sila, okay back to character, "Okay lang ako brad salamat nga pala, sige" tapos nagmadali ako na umalis kasi bigla kong narealized yung nangyari grabe kinilabutan ako kasi, ganong ganon din kami nagsimula nung aisshh sinasabi ko na nga ba dapat pala tumakbo na agad nung dumating siya, haays so ayun lang, grabe alam mo ba diary hanggang ngayon ei hindi pa rin yun naalis sa isip ko, hayys tulog na ko ha, bukas na lang ulit, good night diary, and welcome to our family, your now my bestfriend, sister, and everything.
---------------***---------------
BINABASA MO ANG
Diary ng Slight na Titibo-tibo
Teen FictionAlam niyo ba hindi naman talaga ako tibong tibo ei kumbaga slight lang, kasi minsan nagiging kilos babae din naman ako pero hindi yung super duper babae yung mga tipong nagsusuot ng mga kung ano anong maiiksing damit tulad ng maiksing short, maiksin...