Entry # 2 - Da Ex Girl Crush

961 8 0
                                    

Dear Diary,

  Hay grabe kanina nasaktan ako sa nangyari sa akin kasi naman, para talaga sinaksak ng kutsilyo yung buong puso ko sa nangyari.

Ganito kasi yon...

Kanina nung papasok ako sa school, wala parang walang nangyari hehe basta pumasok lang ako, at syempre nagdire-diretso ako sa classroom dahil yun naman talaga ang nangyayari pag pumasok ka, pero kanina bago ako makapasok sa classroom natisod ako kasi may tumisod sa akin at alam mo ba kung sino yung babae na naging crush ko si Margo, ewan ko dun kung bakit niya ginawa yun, napahiya pa nga ko kasi tyempo ang daming estudyanteng pumapasok na kasabay ko, siguro hanggang ngayon naiinis pa din siya sakin

Ganito kasi yon...

Isang araw habang nag-lelecture yung teacher namin dumating siya, tapos grabe yung nangyari saakin kasi parang alam niyo yung biglang nag-slowmotion ang mga pangyayari, yung paglalakad niya ambagal, yung mga classmate ko ambagal din nang galaw habang nakatingin sa kanya, tapos yung hawak ko na ballpen biglang nalaglag brad grabe para kong nanghihina ewan ko ba kung anong nangyari sa akin, tapos simula non inistalk ko siya inaalam ko yung bahay niya, yung section niya, as in lahat ng dapat alamin inalam ko, kahit oras ng uwi niya alam ko non, tapos one day nagpasya ako na aminin sa kanya ang nararamdaman ko, 'AT' take note kami lang dalawa non ha haha, sabi ko naman sayo alam ko ang sched niya, kaso wala ei reject ako kaya siguro naiinis niya, yun lang hehe okay back to present.

Tapos nun pumasok na ko kasi okay lang naman kasi babae siya, hehe kala mo di ako babae ei no, pero pag inulit niya pa yun sasapakin ko na siya kahit babae pa siya, akala niya ha, oo mahina ako, pero pag naramdaman ko na na sumusobra na nako, nagiinit ang dugo ko.

...

Pagtapos ng class, di syempre uwian na akala ko tapos na yung pambubully sakin pagdaan ko sa pinto ng classroom nila hinawakan ako ng dalawa niya alipores at pinasasampal niya aba grabe to ha, sabi niya "Hoy ikaw, ang kapal ng mukha mo para magkacrush sa akin akala mo naman magugustuhan kita hindi uyyy hindi ako pumapatol sa isang tomboy yuck lang no, tsaka nag-confess ka pa talaga ha ang kapal ng mukha mo kala mo papalagpasin ko yon huh." okay so yun na pagtapos non umalis na sila, at naiwan akong nakatulaley, pero nagising naman ako agad aba hindi naman pwede yun, nakakadalawa na siya saakin huh kala niya.

"HOY BABAE ANONG AKALA MO GANUN GANUN NA LANG YUN HUH, BAKIT KALA MO MAY MAAWA AKO SAYO, HINDI UYY, WALA NA KONG GUSTO SAYO, ALAM MO KUNG BAKIY HUH KASI NAREALIZED KO NA, ANG PANGET MO PALA NAGKAMALI AKO NG PAGTINGIN SAYO, SIGURO NUNG NAKITA KITA MEDYO LUMABO YUNG PANINGIN KO, TSAKA HINDI KA LANG PANGET HA ANG PANGET DIN NG UGALI MO, TSAKA KALA KO NATURAL YANG KULAY MO YUNG PALA NAG-GU-GLUTA HAHAHAH, TSAKA MUKHANG KINULANG KA KASI YUNG TUHOD MO ANG ITIM PARIN, ANG PANGET MO" tapos sabay takbo akala niya ha.

Hindi ko parin nakakalimutan gung nagyari kanina kahit nandito na ko sa bahay, grabe yung ginawa niya sakin, ang sakit nung mga pinagsasabi nila huh, alam mo sa naranasan kong ito parang bigla kong narealized na ang hirap din pala maging lalake no, pagnagkagusto ka sa isang babaeng hindi ka gusto, ang sakit mareject, parang naiisip ko na hindi pa lang ang babae ang unang nasasaktan kapag nagsimula ang love story nila minsan nga hindi pa nagsisimula parang tinatapos na agad ng babae, grabe!!

O sige na diary tutulog na ko ha, nakwento ko na sayo lahat nang nararamdaman ko hehe, goodnighty nighty.

---------------***---------------

Diary ng Slight na Titibo-tiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon