Dear Diary,
So dahil nga nainsecure ako kay Andrei kailangan kong gawin to, kekwento ko na lang para masaya.
Kanina pumunta ko ng salon kasi talagang grabe si kyah walang kapimpol pimpol edi syempre di papalose ang lola mo, hehe kasi sa tootoot salon ako nagpunta oo ganyan talaga yung pangalan niya, kung bakit hindi ko alam, dito siya sa may sm lang malapit sa amin, so yun na nga pagpunta ko dun sa salon kanina ei parang ayaw pa kong papasukin ng gwardya akala ata wala akong pambayad, aba matinde! Kahit naman ganito ang itsura ko ay may pera naman ako, kami may pera kami ng pamilya ko, hindi naman siguro ako makakapag-aral kung wala diba, di lang talaga ako masyadong nag-aayos dahil wala kong time tsaka di ko na kailangan di naman ako makikita ni Donny kaya yun.
So at ang mas matinde pa dun tinanong pa ko kung ano daw gagawin ko dun ang bopols naman malamang magpapaganda, magpapaayos ng mukha, tshhh tapos pinakita ko yung pambayad ko para matahimik na ang kanyang pinakaloob-looban at sinabi "Wag ka mag-alala kuya hindi ako manggagantso, manloloko, o mambubudol may pambayad ako juicecolored naman" "Ay sorry po mam kamukha niyo po kasi yung pulubi kanina" aba ang tibay talaga sa harap ko pa sinabi, hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso na ko sa bading duon, talaga nga naman di rin siya nagpahuli, alam mo kung ano ang sabi, "Ayy olah bebi mukhang kailangan mo ng pangmalakasang make over ha, feeling ko sobrang tagal mong nabulok" grabe na ang harsh na nila ng bongga 〒_〒 "Sige na maupo ka na, akong bahala sayo"
Hindi na ko nakaimik kasi naman sinimulan niya na kaagad, hindi ko alam kung anong tawag sa ginagawa niya ei pero eto yung mga inayos niya ililista ko ha para sayo:
1. Itinuwid(Rebond) niya yung buhok ko, parang nilagyan niya muna nang mga shampoo shampoo, conditoner conditoner, hugas hugas, banlaw banlaw.
2. Tapos nung medyo ayos na yung buhok, ginupitan niya ng konti yung ilalim para lang daw matanggal yung splitends.
3. Tapos yung mga daliri ko naman sa paa at kamay ang nilinisan niya yung may puti lang na maliit sa dulo ng kuko ang pinalagay ko para mukha patin estudyante at para malinis tignan.
4. Tapos yung mukha ko finacial niya, tsaka sabi ko tanggalin siya yung mga tigyawat ko tsaka yung mga black and white heads ko, tsaka sabi ko palatadahan niya yung parte NH mukha na may butas hehe.
5. Pagtapos non ei nilagyan na niya ako ng make up pero sabi ko yung light make up lang kasi ayoko nung sobrang bongga na parang pupunta ng Junior and Senior Night, saka pagtapos nito uuwi din ako sa bahay, walang silbi din diba, di naman makikita ni Oppa Saranghaeyo.
6. Tapos tapos na, binentahan niya pa ko ng mga kung ano anong pampaganda, binili ko na sinabi niya naman yung mga do's and do not's at kung paano gamitin.
7. Tapos nagbayad na ko hehe.Pagkatapos nun ay lalabas na dapat ako biglang nagsalita ang gwardya "Wow mam mukha ka nang tao" hala siya hindi ko alam kung compliment ba yun o insulto, bakit kanina ba mukha kong hayop, bushak!!!!! (-_-).
Hayyy bahala na siya, hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nag-ayos hehe para to sakin, kay Donny, kay mama, kay papa, at kay Andrei ahhahahahahha.
Bago ako umuwi bumili muna ako ng kung ano ano ng damit na pang girlalush, yung mga dress, tapos sando kasi ano dati pa mas gusto ko na talaga yung sando kaysa sa t-shirt, kasi naiinitan ako pero kapag nasa bahay lang naman ako naggaganon kasi sila mama at papa lang naman kasama ko, tsaka bumili din ako ng mga short na pangbasket ball yung sa lalaki, diba pagnagbabasket ball sila yung short na ganon hahahahha hindi ko siya ginagamit na pangbasket ball hindi naman kasi ako marunong pero kasi ganon yung mga gusto kong isuot kapag red days ko, kasi kapag hapit yung short parang nararamdaman ko yung dugo habang lumalabas feeling ko tuloy may spaghetti sauce ako sa panty, nakakairita, tapos bumili din ako ng short na maiksi yung pangbabae yun naman sinusuot ko yun kapag hindi ko red days, kasi pag nasa bahay ako pakiramdam ko init na init ako di electric fan lang kasi kame ei, bakit ba, di kayo na may aircon, tapos bumili din ako ng pangtulog yun yung sinusuot ko kapag malamig ng sobra tsaka yung mga sweat shirt ganon lang hehe.
Pagkatapos ko bilin yung mga yun numili muna ako ng apat na turks yung shawarma favorite ko kasi yun ei, dalawa sa akin, isa kay mama, at isa kay papa hehe, tapos umuwi na ko, malamang ano pa bang gagawin ko dun, at dahil ang dami kong dala nagtaxi na lang ako pauwi.
Pag-uwi ko natuwa si mama sa nakita niya, sobrang saya niya daw at sana daw magtuloy tuloy, kasi ngayon lang niya ko nakitang nag-ayos tapos binigay ko sa kanya yung pagkain nila ni papa, tapoa umakayat na ko at inayos yung gamit ko.
Ayy nga pala kung tinatanong mo, KUNG lang naman tinatanong mo kung bakit wala akong kapatid kasi nahirapan na si mama mag-anak kaya ako lang mag-isa, kaya nga sayo ko kinekwento yung mga nangyayari sakin ei, yung masasaya at malungkot na karanasan ko kasi wala akong kapatid, hindi ko din naman maikwento kay mama at papa lahat dahil minsan parang feeling ko pagagalitan nila ko hehe, pero meron naman akong friend kapitbahay namin hindi lang kami masyadong close na close, nagkakatyempuhan lang kung magkita kami kaya ganon, pero mahilig kami sa hayop kaya meron kaming aso tsaka pusa para naman hindi malungkot si mama kapag siya lang mag-isa dito, kapag pumasok si papa sa trabaho at ako naman sa school, ang pangalan ng pusa ay Rose yung aso naman si Jack hehe ako nagpangalan sa kanila favorite ko kasi yung titanic movie.
So yun nga yung nangyari, hanggang dito na lang, nighty nighty diary lab lab you, hihihi ang dami mo nang nalalaman sakin ha, kotang kota ka ngayon, sige na tama na. Muah :*
---------------***---------------
BINABASA MO ANG
Diary ng Slight na Titibo-tibo
Teen FictionAlam niyo ba hindi naman talaga ako tibong tibo ei kumbaga slight lang, kasi minsan nagiging kilos babae din naman ako pero hindi yung super duper babae yung mga tipong nagsusuot ng mga kung ano anong maiiksing damit tulad ng maiksing short, maiksin...