Entry # 3 - Da Boy Youtuber

647 6 0
                                    

Dear Diary,

  So diary, dahil sabado ngayon wala akong ikekwento sayo tungkol sa school kasi nga sabado ngayon at dahil sabado ngayon alam mo naman yung mga ginagawa ng mga kabataan ngayon, yung mga tipong may kaibigan nag-gagala kung saan saan nagpupupunta, tumatambay sa mga bahay ng kaibigan nila at kung ano anong mga ginagawa, pero alam mo naman na ako yung tipo ng kabataan na walang kaibigan lonely, yung ibang katulad ko nagwawattpad nagcocomputer at kung ano ano pa, para lang mapasaya ang sarili, pero ako nagwawatty naman ako pero hindi masyadong focus kasi nung dati palagi akong binubugbog nang nanay ko ei, baka daw lumabo yung mata ko tsaka wala na daw akong nagagawa sa bahay kawawattpad ko, kaya medyo binawasan ko lang, kasi minsan di ko napipigilan, pero kinokontrol ko ang sarili ko.

So yun na nga ako yung tipo na nanonood ng youtube kasi naghahanap ako ng mga videos na nakakatawa yung mga video ng vlogger para naman kahit papaano ei maramdaman ko na may kaibigan ako, kasi diba sila gusto daw nilang magpasaya ng mga taong malungkot kaya yun.

Pero kanina bebe sobra kilig kilig ang lola mo hihi, kasi ba naman habang nagbo-browse ako sa youtube may nakita akong pogi grabe tapos ang bunos pa ei nakakatawa siya kaya pinanood ko grabe super gwapong gwapo ako sa boses niya tsaka BESSSSSSS!!!!!!!! OMG BESSSS!!! yung labi niya ang pula yung natural na pula talaga grabe tapos yung mata niya super duper singkit parang chinese pero pinoy siya ha, grabe talaga kung hindi mo naitatanong ei super fangirl ako ni DONNY PANGILINAN diba sobrang gwapo niya parang katulad nung labi niya yun hihi pero hindi siya yon ha nasabi ko lang, parang nabuhayan talaga yung mga blood cells ko na babae ang pakiramdam ko ay super duper party sila sa loob ng katawan ko sama mo na yung mga nerves, grabe tapos may part pa dun na kinilig ako kasi nga kumanta siya bess, omygoodness talaga parang MICHAEL PANGILINAN BESSS!!! ang gwapo ng boses grabe talaga diary parang naisip ko kanina habang pinapanood ko yung video niya sobrang sarap maging babae hehe.

Kaya yun kanina nung natapos na yung video buti na lang may pangalan sa description box tapos nandon pa yung mga account niya, ay naku baks wala na, nagwala na ang lola mo, kahit wala akong twitter nag-gawa ako para mafollow ko siya pati na, instagram baks gumawa ako para lang maging updated ako sa lahat ng post at twit niya, pati sa fb yung page niya tsaka yung fb account niya inadd ko na, pati sa youtube sinubscribe ko na pati yung notif. bell pinindot ko na, grabe diary parang tinamaan ako ng bongang bonga sa kanya, para kong pinana ni kupido.

Inistalk ko siya sa lahat ng acc. niya at nalaman ko na sa batangas siya nakatira pero ako nasa manila ang layo besss pero oks lang place doesn't matter, kaya yan, ay oo nga pala ang pangalan niya ay Andrei Copard at ang edad niya ay 17 o diba perfect match kami hehe mas matanda siya ng 1 year pero oks lang yan kasi diba sabi nga nila age doesn't matter haha, marami pa kong nalaman tungkol sa kanya pero hindi ko na isusulat kasi tinatamad na ko magsulat.

Kaya lang may point sakin na natatakot ako kasi baka masaktan nanaman ako katulad dati, tsaka kasi yung mga nagiging crush ko malalaman laman ko ei may girlfriend pala, yung mga ganun, kahit babae minsan pagnakatingin ako sa mga nagugustuhan ko ei bigla bigla na lang bubulaga sakin yung jowa, kaya minsan nakakapagod din na magkagusto ei kasi hindi mo namamalayan na may mahal na pala itong iba :((, CHAR hehe, pero okay lang yan kasi crush ko ko lang naman siya...

Pero kasi dito din nagsimula yun ei sa pagiging crush, sa paghanga, pero hay nako bahala na, basta suport suport lang ako sa kanya kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya hehe parang si donny hihi.

Mahal na mahal ko yung si donny hehe o ayan ha nalaman mo na yung crush ko, tsaka yung favorite artist ko, tsaka napansin mo ba dalawa yung pangilinan na favorite ko, hehe lakas naman kasi talaga ng angas ng mga pangilinan ei,  nakuha nila ko dun, btw ito yung first confession ko sayo tungkol dito kaya congrats, and thank you kasi kahit papaano ei naging best friend kita na nasasabihan ng mga tungkol sa hirap, sakit at ginhawa ko haha kahit saglit pa lang tayong magkasama hehe thank you and  lab lab you, and nighty nighty.

---------------***---------------

Diary ng Slight na Titibo-tiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon