Chapter 2

40 3 0
                                    

to see the perfect stranger for the first time is enough. to be able to talk to him is luck. to share the same straw is a bonus.

to see him for the second time, Hindi kaya destiny na yan?

--

Nakakainis yung jeep na nasakyan ko kanina. Byaheng langit ehh, napakagulo tuloy ng buhok ko. Hindi na Keri ng suklay sa sobrang buhol buhol.

nakakapagod na, hinayaan ko ng magulo ah

naabutan ko sila Jane na nakaupo sa may corridor "Jane!"

"aaaaaahhhhhh!!!!" nakakabinging irit nilang lahat. ano nakakita Lang ng multo?

"OA ha... alam ko magulo buhok ko pero--" Jane cut me "Hindi naman ikaw. yung nasa likod mo kanina. yung crush namin!"

lumingon ako. saan? wala naman.

"tingnan mo to"

lumapit ako para kunin yung phone ni Jane

"eto sya!" points at the guy sa left. um. cute nga...

Pero wait! mas may nakukuha ng atensyon ko. The guy sa right... SI MICKO?!

napahawak ako ng mahigpit kay Jane "ano ba?!"

"Si Micko yan! yung kasama!"

"Sigurado ka? patingin" tanong ni Toni

"oo naman!" 100% sure!

tiningnan namin kung kanino naka tag yung picture. sa isang tao Lang sya naka tag.

"Ray... eto ba? Micko Rivera?" Micko Rivera pala uhh

"Yah! that's him. Micko. I told you si Micko yan eh"

"pero teh, suklay ka muna. Daig mo pa ang itsura ng na rape" ganun talaga kagulo?

.

.

Kahit inside the class at magdidiscuss si prof, isang pangalan lang ang naririnig ko.

Micko Rivera... Micko Rivera...

paulit ulit.

First time lang nangyari sakin to. Except nung na discover ko si Zac Efron.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Akala ko ba pag nagkakagusto inspired? bakit iba effect sakin?

Nag lakad kami papuntang SM pero lutang pa din ako. Nakakainis na Micko yan!

nag stop over muna sila sa daan para sa street foods. nakatulala lang ako sa pagluluto ng kwek kwek ni ate

while in my deepest daydream... inalog alog ako ni Jane "Rachel! si Micko Rivera!"

wag nyo akong niloloko. pero lingon naman ako sa kaliwa "san?!"

"dumaan sa likod mo kanina. ayun oh!"

shet! sya nga! kaso medyo malayo na. Tsss.

"Papasok ng SM!" sabi ni Toni

inabot ko kay Toni yung bag ko. "wait habulin ko ahh, Jane tara!"

tumakbo kami ni Jane papasok ng SM "baliw ka talaga no? nako Rachel, ano naman gagawin mo pag nahabol natin?"

ano nga ba?

nasa loob na kami. nasa tapat ko sya. anong gagawin ko?

"CR muna ko. wait" nagmadali si Jane na pumasok ng rest room

siguro tititigan ko na lang sya mula dito...

humarap sya kung saan ako nakatayo. agad akong tumalikod. Candy Corner?

Let Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon