Chapter 6

44 3 1
                                    

A/N: Salamat sa sumusuporta ng fanfic na to. Hindi nyo alam kung paano nyo ko napasaya. Mahal ko kayo.

--

Late na naman ako nagising. Kahit kelan talaga hindi mapagkakatiwalaan tong alarm ng phone ko. Kelangan ko pa naman ng mas mahabang panahon para mag ayos. Maliban sa mata kong pugto, kelangan kong mag ayos dahil may presentation ako ngayon at kailangan maging formal ng itsura ko. Wala akong formal na damit kaya nag suot na lang ako ng beige na skater skirt at cardigan. Hindi kasi talaga ako fashionista. Magsuot pa kaya ako ng heels? kaya ko ba tiisin ang sakit ng paa ko? Sayang naman yun pag hindi ko sinuot kasi binili ko talaga yun para sa araw na to.

Tinanggal ko ang bandage sa paa ko at pinalitan ng large size na band aid para hindi masyado halata. tiis tiis muna ang sakit. Isang araw lang naman. kaya ko to!

Paika ika akong pumasok sa classroom "Wow! chicks ka ngayon ah!" tukso ni Jane

"wala ako maisuot eh"

"Ang ganda nga eh" puri ni Toni

"Woah salamat" nakangiti kong sabi habang pinapagpagan ang skirt ko

"At naniwala ka naman?" singit ni Gia. Nako tatamaan na talaga sakin tong babaeng to! napaka kontra lagi, minsan nga iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga yan. Umupo ako sa tabi ni Jane. Pumasok na si Sir Enriquez at nagsimula ng mag present ang bawat isa

"Ang galing naman nang pagka present mo grabe yung english mo di ko kinaya" manghang mangha si Jane kay Toni. Actually sa tingin ko maayos naman kami nakapag present lahat

"Saan pala tayo kakain?" tanong ni Toni

"Pwede ba umuna na ko? ang sakit na kasi talaga ng paa ko" pag papaalam ko sa kanila. Pinayagan na nila akong umuna dahil naiintindihan nila na may sugat ako dahil sa katangahan ko ay dahil hindi ako sanay magsuot ng 4.5 inch na high heels.

Pag swipe ko ng I.D. ko papalabas ng campus, biglang may kumuhit sa braso ko at nag wave "hi Rachel!" bati sakin ni Robi

"Hi!"

"Uuwi ka na ba? Ok na ba yung paa mo?" tanong niya

"Medyo. Uuwi na ko kasi sumasakit na ehh"

Biglang nag ring ang phone niya tumango ako as a sign na sagutin na nya yung tawag "ANO? Saan? may klase ako eh hindi ko pwede i skip yun!" sigaw nya sa kausap niya

napatingin siya sakin "bakit anong nangyari?"

"Goodthing andiyan ka Rachel. Si Micko kasi..."

"Anong nangyari?" bigla akong kinabahan

"May meet up kasi siya sa MOA ngayon para sa item na binili niya online. Kaso nanakawan siya. wala na siyang pambayad sa i mimeet niya. Ni wala siyang pamasahe pauwi" ang tanga naman! akala ko ako lang yung nakawin dito

"Saan ba siya exactly? ako na lang pupunta. go to your class. sabihin mo wag sya aalis dun"

Nasa usual spot lang daw si Micko sa Starbucks sa may bay. Sobrang nagmadali ako papuntang MOA. usually nag jijeep lang ako pero nag lrt ako ngayon. tapos sumakay taxi pa MOA. Ang tanga naman ni Micko nakakainis!

Ang layo sa bay ng pinagbabaan sakin nung driver. Wala akong contact kay Micko dahil hindi ko naman alam ang number niya. Nagtatakbo ako papuntang bay, baka kasi bigla siyang umalis. Saan na lang sya pupulutin kung nagkataon? Takbo lang ako ng takbo kahit hinihingal na ko. Bigla akong natapilok. Aisht! nakalimutan kong naka heels nga pala ako. Masakit ahh! Pero ininda ko na lang yung sakit at nag patuloy pa rin sa pag takbo.

Let Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon