Chapter 7

32 1 0
                                    

Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko. Dalawang araw na lang naman ako dito dapat ready na ako. Kinuha ka na lahat ng damit ko sa cabinet at pinatong sa kama. Isa isang kong tiniklop ng ayos at nilagay sa maleta ko. Napa upo ako sandali. nagsisimula pa lang ehh... aalis na agad ako? ayoko pa talaga. please wag muna.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ninang Marina na nakatayo sa may pinto

"Nililigpit ko lang po gamit ko para di na ko mahihirapan sa isang araw" sinara ko ang zipper ng maleta ko. Dumating si Micko ng nakangiti at tumayo lang sa likod ni Ninang Marina

"Bakit? Hoy Micko, hindi mo pa ba sinabi kay Rachel?" nagtawa si Micko

"Alin po?" mukang pinagtitripan na namanako ni Micko ahh

"Tumawag ang Daddy mo kanina, pupunta daw muna sila sa probinsya ng tita Gina mo. Nagsabi siya kung pwede ka daw muna dito hanggang sa makabalik sila" paliwanag ni Ninang. Napatakip ako sa bibig ko. Si Dad kaya yung kausap ni Micko kanina? grrrr. "Micko talaga. wag mo nga binubully tong si Rachel. Ibalik mo na yang gamit mo at bumaba ka na. maghahapunan na tayo"

bumaba na si Ninang Marina habang namamatay sa katatawa si Micko. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan.

"Enjoy na enjoy mo talaga lokohin ako no?" tanong ko

tumigil diya sandali sa pagtawa "excited ka naman masyado umalis. Hindi pa tayo maghihiwalay bata" sabi niya pagkatapos ay bumaba na din siya

Sinara ko ang pinto. bigla akong napaupo. pakiramdam ko pahiyang pahiya ako kanina. itinuon ko ang noo ko sa sahig. kinikilig ako! hindi pa kami maghihiwalay! pero BATA talaga? 2 years lang naman tanda nya sakin tapos bata tawag niya sakin. Nakakainsulto kasi feeling ko kapatid lang talaga ako. pero di pa kami mag paparting time!

Tumayo ako, sumilip ako sa pinto. Bigla kong naalala ang pagtawa ni Micko sa pintong to. Isa pa yun sa sobrang kakaiba sa kanya. kakaiba ang moodswings niya. daig pa ang may regla.

.

.

.

Maaga ako pumasok ngayon. Manonood kasi kami ng basketball. Pag dating ko sa room namin wala akong naabutan. Tinext ko si toni kung may pasok ba kami

wala tayong pasok ngayon. exempted tayo kasi manonood tayo ng game. -toni

bigla akong na badtrip. eh badtrip naman talaga! nakakainis effort pa naman ako, hindi man lang nila ako ininform na wala palang class ngayon. tsk. Lumabas ako ng room, padabog kong sinara ang pinto "Rachel?" napatingin ako sa kaliwa ko. Si Robi...

"Hi Robi" bati ko

"Parang hindi naman bukal sa kalooban mo yung pag hi mo sakin. Dapat ganito HI ROBIII!!" inulit nya ang sinabi ko ng masigla at nakabungisngis. Napatawa ako. Nakakatuwa talaga siya parang ang saya niya lagi

"See you're pretty when you smile" nag poker face ako tapos sabay kaming tumawa "so bakit nakabusangot yung muka mo kanina?" kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari "Manonood kayo ng NCAA? hala manonood din ako kaso wala ako kasama?"

"Gusto mo sama ka na lang samin?"

"Sure!" nakangiti niyang sinabi. Matutuwa si Jane neto

"Fan ka rin ba ng basketball?" tanong ko

"bakit? ikaw din ba? wow soulmate pala tayo! should i call you Angel? Rachel... My Angel... Yeah!" Pabiro niyang sinabi

"baliw haha. ano tara na?" yaya ko

"Kain muna tayo, gutom na ko ehh"

Dumaan muna kami sa SM bago pumunta sa arena. Pagkatapos niyang kumain napadaan kami sa may nakasulat na 50% off. Nanliwanag ang mga mata ko.

Let Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon