Micko's POV
Kahit kailan talaga, basag trip si Mama. Nahuli tuloy ako ni Rachel tsk! Umakyat ako ng hagdan pero hindi ako tinitigilan ni Rachel, hinihigit higit pa nya yung damit ko sa likod. Unti unti na akong naiinis ahh.
"Paano mo nga kasi nalaman?"
Nilingon ko siya "bitaw" bumitaw siya sabay takbo ko sa kwarto ko. Sinundan niya pa rin ako. agad kong sinara yung pinto pero naharangan nya agad ng sapatos niya. Tinutulak ko yung pinto pero lumalaban siya. Tinutulak niya din. aba malakas tong bubwit na to!
"Alis nga diyan! iipitin kita!"
"Sabihin mo na kaasseeeee!" ang kulit talaga
"MAMA!!" sigaw ko. agad siyang bumitaw at sinara ko ng malakas ang pinto. Natawa ako sa sarili ko
"SUMBUNGERO!!" sigaw niya mula sa labas
Kinatok niya ako ng kinatok. Hindi ko siya pagbubuksan kahit anong gawin niya dyan "Akala mo ha?! hindi ako aalis dito hanggang sa makalabas ka! Humanda ka sakin!" banta niya
Tumawag sakin si Robi. Pinapapunta niya ko sa bar na tinatambayan namin dati. Durog na naman daw ang puso ni aaron. Tss kahit kailan talaga.
sumilip muna ako sa ilalim ng pinto para i check kung na andun pa yung batang bubwit. Wala na, kahit anino niya hindi ko makita. susuko din naman pala. Nagbihis ang ako tapos binuksan ko na yung pinto
"HULI KA!! sabi ko na nga ba lalabas ka din eh" napa buntong hininga na lang ako. isip bata talaga.
Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa paglabas ng bahay "Hoy saan ka pupunta? aalis ka ng hindi sinasagot ang tanong ko?!" naiinis niyang sabi. Humarap ako sa kanya. Nagulat ako sa suot niya. naka boxer lang sya at paborito niya talagang mag sando ng puti. Kitang kita ang hubog ng katawan niya. Hindi mo maiisip na isip bata ang may ari ng katawan na yan.
"Ano na?"
"Aalis ako. Hindi ka pwedeng sumunod" sabi ko
"at bakit hindi? ha?!"
"Na ganyan ang suot mo?"
Bumalik siya sa loob ng bahay. pagkakataon ko na yun para tumakas. Tumakbo ako hanggang sa kanto para sumakay ng taxi. Bubuksan ko pa lang yun pinto ng taxi "HOY BUMALIK KA DITOO!" mabilis akong sumakay. Siguro naman hindi na susunod yun.
Sinalubong agad ako ng apir ni Robi "Tol, konti na lang magpapakamatay na to" natatawa niyang sinabi. Pumunta kami sa lamesa kung saan umiiyak si Aaron.
"Tangna Aaron, parang hindi ka lalaki ahh" biro ko
"Hindi mo ako maiintin-di-han kashi... Kahit kelan hindi ka naman sinaktan!"
Natigilan ako sa sinabi ni Aaron. Ang unfair. Paano niya nasasabi sa akin yun when I was hurt all the time? Regine left me without any explanations without a word it's been years pero araw araw ko pa rin nararamdaman yung sakit. Nakita ba nila akong naglasing ng ganyan o umiyak na parang bata though I have all the right to be?
"Huy tol, ayos ka lang? Ihatid na natin to tulog na kaiiyak oh" tapik sakin ni Robi
"Oo. Ah ako na lang sige kaya ko na to"
"Sigurado ka? para kasing hindi ka pa makaka alis"
"ano?" Naramdaman ko ang paghaplos ng isang babae sa balikat ko "Yen?!"
"Wow, parang gulat na gulat ka yata makita ako Micko? Don't you miss me?" mapang akit niyang sinabi
"Sorry Yen, kailangan na namin umalis"
"Don't you wanna hang for a while?" nilapit niya ang muka niya sa tenga ko
"HANG YOUR FACE HIPON KA!"
Napalingon kaming lahat sa sigaw na yun. Rachel? anong ginagawa mo dito? Naglakad siya papalapit samin at tinanggal ang kamay ni Yen sa pagkakahawak sa akin.
"Who are you ba?" maarteng sabi ni Yen
"I am--" Hinigit ko siya "anong ginagawa mo dito? ang kulit mo din talaga eh no!"
"Tell me! Sino ka bang pakielamera ka!"
"She's--" naputol ang sasabihin ko sa pag akbay ni Robi kay Rachel "She's my girlfriend"
"Ohh Robi babe, please tell your girlfriend na wag siyang basta basta sumisingit sa usapan ng may usapan ok? I don't think na may kinalaman siya kay Micko"
"Kinakapatid ko siya and we live at the same house so I think may kinalaman siya sakin" I explained
"Sorry Yen, I think we really have to go" paalam ni Robi
Sinakay ko si aaron sa taxi. Tulog na tulog si gago.
"Sama ako" sabi ni Rachel. Hinarap ko siya "Alam mo ang hirap mong pagsabihan! Di ba sabi ko wag kang susunod bakit sumunod ka pa din? tapos nanigaw ka pa ng Hipon sa isang babae sa bar, gulo ba talaga ang gusto mo?! Isang pakiusap lang hindi mo pa sinunod!"
"Eh bakit ba? Isang tanong nga lang hindi mo pa masagot!" Medyo maluha luha niyang sigaw sa akin
"Nakita ko kayo sa mall kanina. ayos na ba?"
"Eh bakit nagagalit ka kanina?"
"Sinong nagsabing galit ako"
Bumusina yung driver ng taxi "Umuwi ka na baka hanapin ka ni Mama. ihahatid ko lang to"
"ako na maghahatid sa Angel ko" alok ni Robi
"Bata. Sakay. ako na bahala dito Robi. Salamat" Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko pero hindi talaga ako mapakali pag si Robi ang kasama ni Rachel.
"Bye Robi" paalam ni Rachel kay Robi
Mukang close na close na talaga sila. Nagsimula nang umandar ang taxi. Tahimik ang lahat maliban sa patugtog ni manong.
"Micko pasandal"
"Ayaw ko"
"Ang damot"
tiningnan niya ako ng masama at nag pout. Nakikita ko sa kanya si Regine pag nag popout siya. Pero hindi niya ako madadala sa ganyan
Napapapikit na ko pero nagising ako sa pagkakauntog ni rachel sa salamin ng bintana. Nakaka bilib dahil ang lakas ng pagkaka untog niya pero hindi man lang siya nagising. Paulit ulit siyang nauuntog pero parang wala lang talaga. Hinawakan ko ang ulo niya at pinatong sa balikat ko.
"Hindi ko alam kung may mas kukulit pa sayo. Sana hindi na lang kayo naging close ni Robi. Bata ka pa para pumasok sa relasyon. bata ka pa para masaktan. Pero ang tigas lang kasi talaga ng ulo mo. Hindi naman ganyan ang ate mo."
"Magkaibang tao kasi kami" mahina niyang sagot
amputa gising pala. Tatanggalin ko yung ulo niya sa balikat ko. Hinawakan niya ang kamay ko "Wag. Ngayon lang. Please"
"Please. kalimutan mo na ako. Ayokong saktan ka kaya kalimutan mo na lahat ng satin. Please Micko? Please..." Hanggang ngayon sariwa pa rin sakin ang mga salitang binitawan ni Regine
BINABASA MO ANG
Let Him Fall
ChickLitAng istorya ng mga taong na fall. Pa fall. gustong ma fall. at ginagagawa ang lahat para ma fall sa kanya ang gusto nya. gusto nyo ma fall? read this ü