Kagabi pa talaga ako nag iisip kung papasok ba ako o hindi. kung papasok ako, wala akong maiintindihan dahil shirtless na Micko lang ang ang laman ng utak ko. Pag naman hindi ako pumasok malulusaw ako sa presence niya. anong gagawin ko?
.
.
Maaga akong gumising para hindi magkrus ang landas namin sa pag gamit ng mahiwagang kubeta kaya naman kahit 7 pa ang klase ko, nasa Intramuros na ako ng mga around 5. Nagbreakfast muna ako sa Mcdo sa may Bayleaf dahil sarado pa naman ang campus.
Hot Choco plus Pancake. Ok na ako dito. Umupo ako sa may salamin nang mapansin kong pumatak ang ulan. tsk wala pa naman akong payong.
"Pwede tumabi?" tumango ako "bakit hindi ka na lang sa bahay kumain?"
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko "Micko? Anong ginagawa mo dito?!"
"Bawal ba akong kumain dito?"
Napansin ko na nakasuot sya ng uniform na katulad ng sakin. Paano nangyari yun?
"Hindi naman... pero sa ganitong oras?! sinusundan mo ba ako?!" tanong ko
"Libreng mangarap" he smiled
pakshet Micko! ano ba??! Hindi na ako makapag salita
Micko's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maisip kung bakit nakatira sa bahay namin ngayon si Rachel. Isang babae lang sana ang gusto kong tumira sa bahay at yun ay walang iba kung hindi si Regine.
Nang mapulot ko ang wallet ni Rachel sa Starbucks, saka ko lang nalaman na sya pala si Rachel Santos, ang kapatid ni Regine. Simula noon hindi ko na alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Hindi ko sinasadya na minsan malamig ako sa kanya, minsan mabait ako sa kanya, hindi ko alam kung saan siya magiging komportable. pero...
Hindi ko sya gusto.
Masyado syang maingay, madaldal, makulit. Tuwing gabi, rinig na rinig ko ang mga padyak niya mula sa kabilang kwarto. Hindi ako makatulog ng ayos dahil dun pero hindi ko maipakita sa kanya na naiirita ako sa kanya.
Pinakiusapan ako ni Regine...
naglalakad pa lang ako pauwi ng mag vibrate ang cellphone ko. First time akong tinawagan ni Regine mula ng pumunta sya ng ibang bansa. agad kong sinagot
"Wow Regine. bakit ka tumawag? miss mo ko?"
"In any minute, dadating na sa bahay nyo ang kapatid ko" Hindi man lang ba nya ako kakamustahin? "please look after her hanggang nasainyo pa sya"
She asked me to look after her younger sister. thats irritating. Pero wala ako magagawa. ngayon lang humingi ng pabor sa akin si Regine. We've known each other for 9 years but still this is the first time. Kahit hindi ko trip, kailangan kong magpa impress. I have to show her that I'm the right guy
"Umuulan, may payong ka ba?" tanong ko
"wala" deretso niyang sagot
woah. nakakapanibago. mukang tahimik yata ang bata namin ngayon. hanggang sa pagsubo nya ng kahulihulihang piraso ng pancake niya, pinanindigan nya talaga ang hindi pagsasalita
"Yan lang ang kakainin mo?!" tanong ko ulit
"Oo"
bigla ko na naman narinig ang boses ni Regine sa utak ko "kung maaari bantayan mo lahat ng kilos nya lalo na ang pag kain niya. Madalas sobrang konti niyang kumain kaya laging sumasakit ang tiyan niya" tumayo ako at umorder ng isa pang pancake at cheese burger. Inilapag ko ang mga yun sa harap niya
BINABASA MO ANG
Let Him Fall
ChickLitAng istorya ng mga taong na fall. Pa fall. gustong ma fall. at ginagagawa ang lahat para ma fall sa kanya ang gusto nya. gusto nyo ma fall? read this ü