"Hindi kita dapat iniintindi. But why do I feel so protective of you?"
--
Pahirap talaga tong si Aaron. Hindi ba niya naiisip na mahihirapan ang maghahatid sa kanya dahil nasa 17th floor pa ang condo niya?
"Inaantok na ko" sabi ni Rachel sabay tabi kay Aaron sa kama. hinigit ko ang paa niya "Hoy, umalis ka nga diyan!"
"Dito na lang kaya muna tayo?"
"Hindi. Tara na"
naglakad kami sa may paradahan. Dalawang oras na kaming naghihintay pero walang dumadamaan na taxi ni jeep. "Micko! sabi ko sayo dun na muna tayo sa condo ehh. ang lamig lamig kaya"
"Sino bang makulit na sumunod diyan? mag tiis ka"
Yakap yakap na niya yung jacket niya. Napansin ko na yun pa rin yung suot niyang boxer. "Wag mo sabihing nag jacket ka lang?"
"Sa tingin mo ba may panahon pa akong magbihis eh tumatakas ka na?"
tsk. baliw talaga! "Tara" yaya ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Babalik sa condo"
"Yey" tuwang tuwa siya
Habang naglalakad kami biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo kami sa pinaka malapit na pwedeng silungan.
"Basang basa ka" sabi niya sakin
"Mas basa ka. Tara nga sa loob"
Pumasok kami sa convinience store. Umorder ako ng 2 Jjampong. Nilapag ko sa harap niya yung isa "alam kong gutom ka na. wag ka ng magpasalamat"
"Hindi ako nakain niyan"
"Wag ka ng maarte. Wala akong dalang pera para ibili ka ng bago"
Hindi siya nakain eh ang sarap sarap kaya nito lalo na't malamig. Dahan dahan niyang hinihipan yung noodles. Pero mas mabagal ang pagsubo niya. Kinuha ko na sa kanya yung kutsara. Mabilis kong sinubo sa nakanganga niyang bibig. Bigla siyang tumayo "whhoooo!!!"
"Oy wag ka ngang sumigaw"
"ahhhh! ahhh!"
"Hoy ano ba umupo ka nga tsaka tigilan mo yang ahhh mo baka isipin nila kung anong ginagawa ko sayo"
"ahhhhh... ang hapdi...ayoko na.... ahhhh!!!"
Tinakpan ko ang bibig niya. "ano bang pinagsasabi mo? baka kung anong isipin ng ibang tao" tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya "ang hapdi sa labi... ang anghang..."
Napansin ko ang pamumula ng labi niya. agad kong binuksan ang tubig at pinainom sa kanya "ano? ok ka na?" Hindi siya nagsasalita. Halos maubos niya yung laman ng bote para siyang hinahapo na hindi makahinga.
"ano bang nangyayari sayo?"
"Hindi kasi ako kumakain ng maanghang. Yung walang talab na anghang sa ibang tao maanghang na sakin. Yung mid na maanghang sa inyo sobra na sakin"
"Ok ka na ba?"
lumagok siya sabay iling at isang hingang napaka lalim. agad akong tumayo para bumili ng isang pack ng powdered na milo. inabot ko sa kanya.
"Dapat una pa lang sinabi mo na sakin na hindi ka kumakain ng maaanghang para hindi na kita pinilit pakaainin niyan"
"Eh anong gagawin ko sa milo? kahit timplahin ko to walang effect to"
Inabutan ko siya ng kutsara "Papakin mo lang"
"Ha?!"
"Papakin mo lang mamaya wala ka ng malalasahang anghang"
Uminom muna uli siya ng tubig at hinagod ko yung likod niya. Iyak na talaga siya sa sobrang anghang
"Hihiram lang ako ng gunting sa counter"
"Kelan ba akong nagsimulang mag alala sayo?" sabi ko sa sarili ko
Nag ring ang phone niya na iniwan niya sa lamesa. Tiningnan ko. Si Robi... Bumalik siya "Sinong tumatawag?"
"Si Robi"
"akin na"
I slide to reject
"Bakit mo Pinatay!"
"Kelan ka pa nagkaron ng number ni Robi? huh? ayokong lumalapit ka sa kanya"
"You dont even care. Akala ko ba magkaibigan kayo?"
"Yun na nga. Kaibigan ko siya kaya kilala ko siya" paliwanag ko. Hindi ko maintindihan pero naiinis ako
"ano ba talagang problema mo? Mas muka nga siyang mabait kesa sayo"
"and you believe that?"
"Sinisiraan mo ba si Robi para layuan ko siya? Sorry I'm not buying that" Kinuha niya ang phone niya sa kamay ko
"Hindi ko siya sinisiraan. Ikaw lang ang iniintindi ko, Hindi kita dapat iniintindi. But why do I feel so protective of you?"
Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Tangina Micko! ang bakla!
Rachel's POV
Napako ako sa kintatayuan ko sa sinabi ni Micko. Sumasabog yung feels ko! But still, there's a part of me na pumipigil sa kilig ko. "You are not protective of me. Kahit na lagi tayong magkasama, kahit na nasa isang college tayo o naskatira sa isang bahay I know in my self that you see me sa Regine's sister so don't act like you care cause I know you don't" let's emphasize Regine's Sister
Hindi siya makapag salita sa mga sinabi ko. Nadala kasi talaga ako ng bugso ng damdamin ko ehh. Pero ang ibig sabihin kaya ng pagtahimik niya ay tama ang mga sinabi ko? "Now can I have my phone back?"
Dahan dahan niyang inabot sakin yung phone ko. Parang nag aalangan. Kinuha ko na sa kamay niya at lumabas ng convenient store. I called Robi
"Bakit mo ni reject yung tawag ko?" he asked
"Sorry. Nagkamali lang ng slide" Naiinis kong sinabi. Nakakabadtrip si Micko. nakalimutan ko na tuloy na naaanghangan ako
"Ok ka lang ba? Nakauwi na ba kayo?"
"Hindi pa, wala kasi kaming masakyan pauwi"
"asan ba kayo susunduin ko na lang kayo" Great Idea! para makaalis na kami dito
"Dito sa convenient store sa tabi ng condo ni aaron"
"ahh I know that. I'm already on my way"
"Ok bye"
Padabog akong pumasok ng convenient store. pag balik ko wala na si Micko. saan naman kaya pumunta yun? ang lakas pa ng ulan ah... pati hindi ko naman siya nakitang lumabas ng pinto? Nako bahala siya! tsk!
Pinapak ko yung bigay na Milo ni Micko. haist!
Nagpapapak din kaya sya ng milo? Ang cute naman :)
BINABASA MO ANG
Let Him Fall
ChickLitAng istorya ng mga taong na fall. Pa fall. gustong ma fall. at ginagagawa ang lahat para ma fall sa kanya ang gusto nya. gusto nyo ma fall? read this ü