Chapter 5

43 3 2
                                    

minsan may mga pagkakataon sa buhay mo na hihiling ka at iisipin mo na sana hindi mo na lang nalaman

--

pakiramdam ko nanlambot ako. Narinig niya kaya lahat ng pinag sasabi ko dun sa loob. Juice colored! mas lalong hindi ko kinakaya!

"narinig ko kasi na parang may nagkakagulo sa loob. ok ka lang?" paliwanag niya. Sinungaling! if i know kanina ka pa nakikinig sa mga sinsabi ko! grabe hihimatayin yata ako

"namumutla ka. ok ka lang ba talaga? teka bakit ang daming dugo?"

Napababa ang tingin ko. Para akong nakakita ng pusang nasagasaan at nagkalasog lasog sa utak ko dahil sa sobrang dami ng dugo.

napahawak ako sa kanya "Kuya Micko, nahihilo ako"

"Hoy Rachel ano ba?! umayos ka nga bakit ang daming dugo! Rachel!" naramdaman kong inalog alog niya ako. lalo akong nahilo hanggang sa mandilim ang paningin ko

Micko's POV

Bumagsak si Rachel sa mga braso ko. Nataranta ako. hindi ko alam ang gagawin ko, wala si mama. wala akong idea sa mga ganito. tumawag na lang kaya ako ng ambulansya? tsk. Nasa baba ang cellphone ko. Hindi ko maiwan si Rachel pati walang tatao dito sa bahay.

Inihiga ko siya pabalik sa kama niya. Nataranta ako kaya hinubad ko ang pantalon niya at agad ko siyang tinakpan ng kumot. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung dugo. meron kasi siya sa kamay, sa pisngi, sa damit at paa. kumuha ako ng balde sa cr. wala akong makitang iba eh. kumuha rin ako ng towel at nilublob yun sa tubig na nasa balde. pinunasan ko ang parte ng katawan niya na may dugo. Nakita ko ang malaking hiwa sa paa niya. bakit naman kaya nagkalat sa buong katawan niya yung dugo kung sa paa lang naman siya naglasugat? ano bang ginagawa mo Rachel?

Itinapat ko ang kamay ko sa ilong niya para i check kung humihinga siya. Mukang normal naman ang paghinga niya. tumakbo ako sa kwarto ni Kiel para kunin ang health kit niya. Nilinis ko muna ang sugat niya pero hindi pa rin natitigil sa pagdudugo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero sinipsip ko yung sugat niya. di ba ganun yun pag nahihiwa? para tumigil sa pagdudugo sinisipsip? dinura ko yung dugo sa balde. Napatingin ako sa laptop ni Rachel. nakita ko ang sarili ko, muka akong bampira. Pinunasan ko ang bibig ko at nag focus sa sugat niya na ayaw tumigil sa pag dudugo. Nagulat ako ng bigla na lang tumigil sa pagdudugo ang sugat niya. pinunasan ko uli ng tubig, nilinis, nilagyan ng gamot tapos nilagyan ko na ng bandage yung buong paa niya. Hindi naman siguro malala yung nangyari sa kanya kasi naglilikot na siya.

Grabe yung kaba ko kanina pero nakahinga na ako ng maluwag ngayon. Muka lang siyang batang natutulog. kuya micko, nahihilo ako narinig ko ang sinabi niya sa utak ko. Oo kuya. "Sana nga maging kuya mo ako" tumayo ako at hinawakan ko ang noo niya. tiningnan ko muna siya sandali. may hawig din pala sila ni Regine napangiti ako sa sinabi ko

Tinawagan ko si Robi para i meet ako sa convinience store malapit sa amin. Kelangan ko muna mag pa cool down sa kaba ko kanina

"Tol! anong meron" nag apir kaming dalawa

"inom tayo" yaya ko

"woah si Micko Rivera nagyaya uminom? dati pinipilit ka pa namin ni Aaron ah! Sup? May problema ba tayo jan?" umupo siya sa tapat ko

"Wala naman. Magpapababa lang ng nerbyos. Game?"

"Bakit?..." napatingin siya sa sleeve ng sweatshirt ko "... tol dugo ba yan? ano ba talagang nangyari? Pumasok ka ba sa gulo?"

Kumuha ako ng apat na sa mig light at sabay kami uminom. Kinwento ko sa kanya lahat mula sa pag dating ni Rachel sa bahay namin hanggang sa nangyari kanina

Let Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon