Sundaaaay. Thank God, it's Sunday. Mas masaya kasi kapag nasa church ako e. XD and not just Sunday, it's my birthdayyyy. ^_____^ pupunta pa akong church, member nga kasi ako ng choir 'di ba?
Oh! Gising na ang birthday girl. tinaasan ko ng isang kilay si tita na nagluluto ng sauce para sa carbonara na favorite ko. Makatawag kasi ng girl. -____-
Birthday mo ngayon, pagkain mo'y lechon
Tataba ka doon, party party yoon
ALIEEEENNN!
Wahahahaha, ngayon ko lang narinig yung birthday song na yun ah? Hahahaha, kulit.
Eto naman oh.. birthday na birthday simangot agad? Bagong gising pa, ngiti na! haha, natatawa tawa na lang ako kay tita. And nagsmile na din ako, with kita gilagid. :D
Vin, eto oh. Kumain ka na, 'di ba pupunta ka pa ng church? anong oras na ba? Tae.. 10am na pala. Baka malate ako.
Opo, 'La. :) ang saya, ganda ng morning ko. Well, lagi naman e. Every morning sila ang bumubungad sa 'kin. Ang mga mommy ko, si mommy, lola at ang tita ko. :)
Jeremy's POV
*yaaaawn* hay.. late na naman ako nagising. O well, lagi naman e. Lagi din kasing puyat.
Pagkagising na pagkagising, eto ako e. Facebook agad, laptop ko kaagad ang kaharap ko.
Hmm? Birthday pala nung batang makulit? Hahaha, makulit talaga e. Paano ba naman, naalala ko pa yung chicken curry na yun. Madaling araw na? May kausap pa din, at tungkol pa sa pagkain. Hahaha. Mabati nga.
"Happy birthday parekoy :) pakain haha"
Nakakainggit din 'tong batang 'to e. Laging nandyan yung mommy nya para sa kanya. Well, ako kasi wala nang mommy.
Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay, lagi pang wala si daddy. Nag iisa lang akong anak. The truth is.. tahimik talaga akong tao. Walang nakakaalam ng mga problema ko sa buhay. Palagi daw kasi akong masaya. Yun ang akala nila. Yun din ang problema sa 'kin e, palagi akong nakangiti kaya akala nila masaya ako. Wala man lang akong nakakausap about sa mga problems ko.
Not even my friends. 'Di lang talaga ako nag oopen sa ibang tao. Simula ng nawala si mommy, naging tahimik na lang ako. Hay nakooo, ang drama na. Haha, tigilan nga 'to. Linggo na linggo gumaganto ako.
*sigh*
Pupunta nga pala ako sa church, anong oras na ba?
Hmm? Tss.. anong oras na pala. May gana pa akong mag fb. -____- better get ready na, baka malate pa ako.
**
Sabi na e, baka malate ako. Ang aga aga aga ko pa. Ako pa lang ang tao. -_____-