Marvinnn! Haha, ang saya magswimming. Wooo!
Haha, nganga ka dyan ano?
Pang iinggit nila mommy at kuya. Dahil hindi ako nakakalakad ng ayos dahil nga sa kaclumsyhang taglay ko, andito ako. Nganga. As if namang maiinggit ako, nagbababad sila sa swimming pool.. ano bang mapapala nila sa pagsswimming? Magiging uling lang naman sila. Timing pa ang pagswimming nila, December. Ays din ano?
K. Masyadong bitter. Tama si kuya, nganga lang ako dito sa may ni-hire namin na cottage dito sa Resort. Nganga, literally na nakanganga. Dahil kumakain ako. Hahaha literally naka nganga? Kfine.
Nagselfie na lang ako kasama si JC. Isa pa 'tong taong pisngi na 'to e. Selfie lord din, haha. Upload agaaaaaddd. Nguso, dila, peace sign, yan tayo e.
Marunong ka pala magselfie? Haha girl ka na.
Ah, so JC pag nagselfie, girl agad? So, girl ka din? pangbabara ko kay JC. Kabugnot ay
Kirstie Bartolome commented on your photo.
Bilis din nitong babaeng 'to ano? Stalker? Hahahahaha de joke. Best friend ko kasi yun. Halos lahat ng mga post namin, hindi pwedeng walang response namin.
Waaaaaa.. nakakainggitttttt. T______T
MWAHAHAHAHA. Napatawa ako sa nabasa ko. Joke. Napangiti lang ng konti at may konting lumabas na hangin sa ilong ko yun lang talaga pare. Hanggang ngayon pala, ang Kirstie na loka na yun ay inlababo pa din kay JC. Last 2 years pa yun ah.
Wahahaha, Isti! Hanggang ngayon pala? :D
Hindi naman kami maingay ano? Hahaha yung chatbox na nagiging comment box, never fails.
Hahahaha shh lang, Vin. :D haha. Kapag ako nakapagpapicture dyan, i-d-DP ko habambuhay! Hahahaha
Hahaha, sorry. 'Di daw sya nakikipagpapicture sa mga panget. :P
Ay grabe naman. E bat kayo meron?
Hahaha kasi.. BAGAY KAMI. okay. Masyado na 'kong lumalagpas sa line. Baka seryosohin ng mga makakabasa 'to ah. Haha game, think before you comment.
Ayyy! Mas bagay kami, Vinnnn! Hahaha kapalan na ng mukha ituuuu. Hindi naman naka-tag sa kanya e >:))
Ay din? Naka-tag 'to che! Hahahahahahha walang burahan ng commeeeennntttt
Ang duya nitoooo -_-
Tama na yun. 'Di na ko magcocomment baka mapikon sa 'kin si bespreng, hahaha. Back to business ako, kainkainkain. Pero yung totoo, gusto ko din mag enjoy, magswimming kasama sila. -_____- pisting binti 'to. Hyper pa kasi, Marvin.
**
Nakauwi na kami, andito pa si kuya sa bahay. Ganto 'to e. Tatambay, makikikain, tapos mang aasar, tapos maglalaptop, tapos magcecellphone nang magcecellphone.. nang magcecellphone. Tapos kakain ulit.. tapos.. ay wala na palang tapos.
Ngayon, pagod sila. Magsisitulog sila, at may mga sunburn pa hahaha. Ang saya, nangingibabaw ako. Para na silang mga uling. Pwede nang batuhin ng towel, miski pulbos hindi tatalab sa kanila.
Kuya, 'wag ka muna matulog at 'wag ka dito matulog sa kusina! Kung gusto mo matulog, dun sa sala sa sofa o kaya sa kwarto ko.
Bunso.. inaantok talaga si kuya.
E.. mamaya ka na matulog. Iiwan niyo ako mag isang gising? Paano kapag inatake ako?
Ay? Bunso 'wag ganyan.. nawawala antok ko sa 'yo. Mamaya na tayo maglalaro, gisingin mo ako mga 7:30. Ha? natakot naman bigla si kuya, haha effective talaga yun kahit kailan.