Author's Note
Wow, hanggang dito pinagtyatyagaan mo pa din basahin. Hahaha thank you po, mga ati, koya sa patuloy na pagbabasa ng story ko. Wag po sana kayo mainip, kasi ang tagal pa nung part where related na sa title, hahaha. Pero sana sana po patuloy nyo pang basahin ang pipichugin kong story, mwaha. God bless po! Mwahugs
-
Mondayyy, at eto na naman ako. Back to reality, tapos na ang vacation. May pasok na ulit, may baon na ulit! Wihiiiii. Nandito ako sa school, masyado akong maaga. 'Di ko naman namiss ang classroom namin, ano? May butas pa din ang doorknob namin, sira pa din ang bintana at di-uling pa din ang ac ng room namin.
Mga classmates ko, seafoods pa din sila.
"Ahh! Ano ba!"
"ARAAAAY VIIIIN!" ayy.. si Michael lang pala. Nakurot ko kamay nya, parang ewan kasi. Bigla bigla mantatakip ng mata, hahaha. Natorture ko tuloy kamay nya.
"Ehe, ehe. Sorry. Ikaw naman kasi e! Kailangan ba talaga mantakip ng mata? 'Di naman required yan dito sa school ah!"
"Bakit? Required na ba dito sa school and mag long socks kaya ka nakasuot nyan? Magbabasketball ka, dre?" -______- napansin nya agad. Kasi naman sila mommy at kuya. Ginagawa ako masyadong baby. 'Di nga naman required sa school, pero kila mommy, required. Para daw iwas manliligaw at hindi ako lamukin. Pati na din daw hindi magalaw ang wakwak leg ko.
"Alam mo naman nangyari sa leg ko 'di ba?"
"Oo. Bunga ng kashungahan, haha joke. Hyper pa kasi, Vin. Mamaya dyan ka naman sa hagdanan ng school natin ah? Lahat ng makita mong hagdan laglagan mo na ah?"
Inirapan ko na lang sya at umupo na din sya sa tabi ko. Marunong na talaga ako mang irap ngayon. Nasanay na ako kasi ang dami kong iniirapan sa church na choirmates namin.. mga followers ng kuya ko. Ang daming may crush sa kanya.
Pero ang mas nakakainis.. okay lang sana kung may crush sila sa kuya ko e. Kaso, wag naman sana silang assuming.
*flashback*
Nasaan na ba yung si kuya? Lagi na lang ako iniiwanan, inutusan ako pirmahan ko daw sa attendance nya. Pero mang iiwan? Luku yung babuy na yun ah.
Kung anu ano na lang ginawa kong pirma kay kuya. Aba malay ko ba kung ano pirma nya. Nilagyan ko na din ng star para may design.
Matanong nga si ateng parang coloring book ang mukha.
"Ate.." aba, chix yata 'to. 'Di namamansin.
"Wait lang ah.. may sinisilayan lang ako."
"So, tatapusin nyo pa po yung pagsilay nyo?" tumingin naman sa 'kin si ateng hipon with a straight face.
"May itatanong lang po sana ako. Nakita nyo po ba si kuya Jeremy?"
"Jeremy? Jeremy ano?"
"Jeremy Celestra po." bigla naman ako tinaasan ng kilay nitong babaeng 'to. Umayos ka, ate huh. Baka lagasin ko kilay mong drawing lang naman.