Si Bugoy anim na taong gulang walang inatupag kung hindi puro laro kahit nagiging negro na sa pagtuturompo sa tanghaling tapat hanggang hapon. Patpatin at uhugin , kung titingnan aakalain mong hindi naliligo at pinabayaan ng magulang dahil palaging gusgusin at gala sa kanilang lugar.
Unang araw ng klase sa grade 1 ni Bugoy, akay akay siya ng kanyang ina papunta ng kanyang silid-aralan . Habang naglalakad si Bugoy ay hawak pa din niya ang kanyang turompo bakas sa mukha ang pagiging excited. Malinis ang suot plantsado ang buhok at walang sipon na tumutulo sa ilong nito. Panay ang kaway sa mga nakakasalubong na kapitbahay niya na nasa grade 1 din.
Aling Betty: Oh bugoy nandito na tayo sa classroom niyo, uuwi muna si mama ha at madami pa akong gagawin sa bahay.
Bugoy: Ma' huwag mo akong iwan dito natatakot ako
Aling Betty: Bakit ka matatakot samantalang nandyan yung mga kalaro mo oh, classmate mo si Joey at si Neneng. Kailangan umuwi ni Mama kasi magluluto pa ako para pagtapos ng klase mo masarap ang ulam.
Si Joey, bestfriend,kapitbahay ni Bugoy at kalaro din niya, batang basagulero sa kalye at bully dahil ang kanyang tatay ay pulis kaya panay action movie ang napapanood. Si neneng naman ay kapitbahay din niya, Medyo tibo dahil walang kalarong babae sa lugar nila.
Bugoy: Ma' sunduin mo ako mamaya ha , agahan mo.
Aling Betty: Oo naman , saka magpapakabait ka huwag kang makikipag away, itago mo muna yang turumpo sa bag mo baka makuha ng teacher mo yan , bawal yan sa loob ng classroom. Promise, sunduin kita ng maaga at huwag kang lalapit o makikipag usap sa mga taong hindi mo kilala ha.
Bugoy: Opo Ma'
Umalis na si Aling Betty , habang si Bugoy naman ay pumasok na sa classroom. Maingay, magulo , tanging si Joey at neneng lang ang kakilala niya. Umupo si bugoy sa tabi ni Joey.
Joey: walanJo hanep sa buhok ah ! mukha kang tao ngayon ! Ano baon mo ?
Bugoy: dalawang sandwhich at zesto
Joey: ano palaman ?
Bugoy: hindi ko alam
Joey: mamayang recess penge ng isa ha
Neneng: ikaw talaga joey lagi mo na lang inuuto si Bugoy. Hayaan mo na nga muna siya. Hoy bugoy ! Hati tayo sa baon ha !
Pumasok na ang teacher sa classroom , tumahimik ang mga bata at naupo
Mrs. Zaragosa: Class ako ang teacher niyo. Ako ang adviser ng section na ito. I am Mrs. Rosario Zaragosa. Tawagin niyo akong Ma'm Zaragosa. Bago kayo maupo , Bitbitin niyo ang mga bag niyo at tumayo muna kayong lahat sa isang sulok, magkakaroon tayo ng seating arrangement in alphabetical order.
pang labing dalawa si bugoy sa tinawag
Mrs. Zaragosa: Boogie Casimiro!
Lumapit si Bugoy
Mrs. Zaragosa: Maupo ka iho sa 2nd row
Binitbit ni Bugoy ang bag niya at naupo sa kayang designated seat
Mrs. Zaragosa: Clarisse Cruz ! tabihan mo si Boogie
Naupo si Clarisse sa tabi ni Bugoy
Clarisse: Hi boogie ako nga pala si Clarisse
Boogie: ah eh, ah eh ,. ah eh
Sabay taas ng kamay si Bugoy
Bugoy: Ma'm May I go out !!!!
BINABASA MO ANG
Bata ka pa lang , malandi ka na
RandomAng pag-ibig nagsisimulang sumibol kahit ng tayo'y mga musmos pa. Masaya hangga't nararamdaman pa natin ito. Mga damdamin na sinaklaw ang ating buong sarili at nadadala tayo sa emosyon. May pagsubok na darating , at may mga pangyayari na sana ay nai...