Sad Batangas - Last part

124 0 0
                                    

-Dumating sa peryahan ang magkakaibigan, si joey at Neneng ay nagpunta sa palaro ng hinahagis na tig bebente singko sa square . Si Clarisse at Bugoy naman ay sumakay sa caterpillar. Nagpalibot libot pa ang magkakaibigan at nakisaya sa mga laro ng peryahan at sumakay ng iba pang rides-

- Bago mag alas syete at nagkita kita na ang magkakaibigan sa tagpuan. Ngunit wala si neneng-

Mikoy: Mukhang wala pa yung kasama niyo , malapit na mag-hapunan

Bugoy: Joey nasaan si Neneng

Clarisse: Malapit na daw siya , sandali lang daw at mabigat ang dala niya

Joey: Ano naman kaya dala-dala nun

-Dumating si Neneng May dalang sako  at dalawang malaking manika-

Neneng: Sis para sa iyo itong isa, napanalunan ko yan sa baril barilan

Clarisse: Salamat sis, ano naman laman ng sako na yan?

Neneng: Tasa, mangkok, plato , mug at kung ano ano bang babasagin , may laman din madaming chichiria yan. Matutuwa si inang at amang ito pati na din mga kapatid ko. Dami ko pasalubong hahahahha !

Joey: Ano yan binili mo? Dito ka pa bumili , pwede naman sa manila na lang

Neneng: Sinabi ko bang binili ko ha ! Napanalunan ko lahat yan doon sa hinahagis na bente singko at darts. Nasaan ka ba ha  at bigla kang nawala ! Bitbitin mo nga ito , ano pa't nag-BF ako kung hindi naman ako tutulungan. Ayusn mo pagbubuhat niyan, kapag may nabasag dyan .. babasagin ko mukha mo !

Bugoy:  Laking perya ka ba ? Mukhang hinakot mo lahat ng premyo

Neneng: Niahahahhaa! swerte lang ng konti. 20 pesos lang nagastos ko sa hagisan ng bente singko.. sa baril barilan naman 30 pesos. Haiz.z.z.z.z nakaka pang hinayang naman yung 50 pesos ko. Buti nanalo ako !

Joey: Wow naghinayang ka pa premyo mo lagpas 1k ang presyo

Mikoy: Tulungan na kita dyan buhatin ang sako para makauwi na agad tayo....

- Bumalik na sa bahay ang magkakaibigan , itinabi muna ni mikoy sa garahe ang napanalunan ni Neneng, ibinalot niya ito isa isa sa dyaryo para hindi mabasag sa byahe pauwi at saka isinilid pabalik sa sako-

-Sa hapag kainain-

Neneng: Grabe ! Ganito ba talaga dito ? Parang fiesta na naman !

Aling teresita: Minsan lang naman may bisita dito iha kaya ok lang.

-Pagtapos ng dasal ay nagsimula na ang lahat kumain-

-Napansin ni Aling teresita kung paano kumain si Clarisse at Bugoy-

Aling Teresita: Nakaka-aliw naman kayong tingnan habang kumakain. Naalala ko tuloy ang namayapa kong asawa.

Neneng: Mawalang galang na po , sad story na naman ba yan? kuha muna ako ng panyo.

-Natawa ang matanda-

Aling Teresita: Hindi ineng, naalala  ko lang kung paano niya ako pagsilbihan kahit sa kainan. Ganyan na ganyan tulad ng ginagawa ng magkasintahan na ito.

Ipinagbabalat niya ako ng hipon, pinaghihimay ng laman ng alimango, tinatanggalan ng tinik ang isda at inilalagay sa plato ko. Kahit saang handaan pa kami magpunta , hindi na nawala sa kanya ang ugali niyang yon.

Joey: Paano niyo po siya nakilala?

Aling Teresita: Sundalo ang asawa ko, sa murang edad pa lang ay napalaban na siya sa gyera noong panahon ng hapon. Isa naman akong doktor noon. Isa siya na naging pasyente ko. Tinamaan siya ng bala sa balikat. Pilyo si Rodrigo at madali niya akong napapangiti. Natapos ang gyera hindi naglaon ay araw-araw siyang dumadalaw dito sa amin. Nakakatuwa dahil sa maynila pa siya nakatira.

Bata ka pa lang , malandi ka naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon