Chapter 11 - Foundation day

85 0 0
                                    

-Bumalik na sa normal ang lahat , Si Bugoy hindi na naging maligalig sa relasyon nila ni Clarisse. Balik buhay estudyante at inenjoy lang na magkakasama ang tropa. Nakatambay ang magtotropa sa ihawan -

Joey: Foundation day na bukas , ano activity niyo? ako nakatoka ako bilang pari sa wedding booth

Neneng: Seryoso pari ka ? Pambihira !

Joey: Hello KOA nga di ba , mula misa ng binyagan at kasalan nandoon ako kaya may idea ako kung paano ang ceremony.

Neneng: Magsasayaw ang buong cheerlead team bukas. Manood kayo ha.

Clarisse: wala akong activity bukas baka nga pumunta na lang ako sa gabi sa MYMP concert, goy sabay tayo ha 

Bugoy: Oo naman

Neneng: ayaw niyo magpabiktima sa wedding booth ha !

Bugoy: Kung si Joey ang pari baka humalakhak ako

Joey: May plano ako bukas pero masamang plano may pagtitripan ako BWAHAHAHHAHAHA (EVIL LAUGH)

Clarisse: Sino naman

Joey: basta

-Foundation day, madaming booth , magulo, maingay at masaya natapos na ang sayaw ni neneng panay ang text kay Clarisse kaso ayaw talaga pumunta ni Clarisse. Si bugoy naman nasa bahay lang din, hindi trip magpunta at natulog buong araw, ayaw niya dalawin ng antok kapag sumapit na ang gabi kasi pinaghahandaan niya din ang concert na kasama si Clarisse. Si Joey naman busy sa loob ng wedding booth bilang role niya na pari-

-Lumabas si Joey ng wedding booth, tila may hinahanap ... palakad lakad hanggang makita niya na ang pagtitripan niya, May dala siyang posas at palapit ng palapit sa taong gusto niyang pagtripan. Nagulat na lang si Vivian na nakaposas na ang isa niyang kamay at nakakabit ang isang posas sa kamay ni Joey-

Vivian: what the fuck is this?

Joey: Ayoko sana gawin kaso may nagpapahanap sa iyo para pakasalan ka

Vivian: Sino naman ?

Joey: Si Bernardo yung senior, varsity ng basketball

Vivian: OMG ! Sabi ko na nga ba trip ako nun!

-Pumunta si joey sa isang jail booth hindi sa wedding booth (Actually halos lahat ng booth pare parehas lang naman ang hitsura-

Joey: Oh ipoposas muna kita dito sa lightpost baka tumakbo ka eh , hahanapin ko lang si Bernardo at sasabihin ko na nandito ka na

Vivian: Bilisan mo ha ! Teka paano ako magme-make-up? Nakaposas ako

Joey: Hindi na kailangan , mamaya may mga darating na mga make up artist para ayusan ka. Oh paano batsi muna ako hanapin ko pa yung groom mo.

Vivian: Excited much ! Bilisan mo at nangangawit na braso ko

Joey: Ok

- Ang hindi alam ni Vivian wala ng planong  balikan pa siya ni Joey para tanggalin ang posas niya-

Vivian: Amy please help me (Send to Amy)

Reply ni Amy: What happened sis ?

Vivian: Nakaposas ako sa lightpost dito sa wedding booth, siraulong Joey yun siya may gawa nito (Send to amy)

Reply ni Amy: Sis nasa wedding booth kami, wala si Joey dito, wala ka din

Vivian: Search every booth I know nasa loob lang ako ng gym (Send to amy)

Bata ka pa lang , malandi ka naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon