Mrs. Zaragosa: Go out ? wala pa tayong 1 oras dito sa classroom may I go out ka na boogie? O sige , mag CR ka na baka dito ka pa maihi. Alam mo ba yung CR ?
Joey: Ako ma'm alam ko po samahan ko si boogie !
Mrs. Zaragosa: Sigurado akong alam mo Joey pangalawang taon mo na ito sa Grade 1. Sige samahan mo si Boogie at bilisan niyo.
Paglabas ng classroom
Bugoy: Pwede na bang umuwi Joey? Ayoko ng pumasok
Joey: anong uuwi? Baliw ka ba ? Hindi pa tayo makakauwi hanggat hindi tapos ang klase. Saka akala ko ba mag C-CR ka ?
Bugoy: Hindi naman ako naiihi eh
Joey: Eh bakit ka lumabas ?
Bugoy: Naiilang ako katabi si Clarisse
Joey: Bakit ? hhhhmmm teka ... may gusto ka kay Clarisse no!!?
Bugoy: Anong may gusto ! suntukan tayo gusto mo?
Joey: Uy, isusumbong kita sa nanay mo
Bugoy: Ano isusumbong mo?
Joey: Na may gusto ka kay Clarisse
Bugoy: Huwag mong sasabihin yun
Joey: Eh di totoo nga, bakit ka namumula kapag binabanggit ko ang pangalan ni ccccllllaaarrriiiisssseeee....
Bugoy: Huwag ka ngang ganyan ! titirahin kita ng turumpo ko !
Joey: Bumalik na tayo !
bumalik ang dalawang mokong sa classroom, naupo si bugoy at inayos ang bag
Clarisse: Ako nga pala si Clarisse
Bugoy: Bu.bu..bu..bugoy nga pala ang pangalan ko
Clarisse: Bulol ka ba ? para kang si Budoy magsalita ahahahhahaha
Hindi umimik si budoy este bugoy pala
Clarisse: Uy sorry, biro lang ha. Mamaya sabay tayong mag recess may baon ako dito hopia. Share tayo, hindi ko naman mauubos ito
Bugoy: Sige, salamat.
Recess
Katabi ni Bugoy si Joey at neneng sa lamesa, habangkumakain lumapit si Clarisse at tumabi kay bugoy
Clarisse: Bugoy , heto hopia oh
Joey: Sarap naman niyan , isa lang ba yan ? wala bang kasama yan
Neneng: Kapal talaga ng mukha nito
Bugoy: salamat ha , ay may sanwhich pa ako dito sa iyo na lang
Joey: Bakit sa kanya binigay mo , umpisa pa lang ng klase hinihingi ko na yan ah
Neneng: Wala ka bang baon Joey ?
Joey: Meron kaso bitin eh
Neneng: Heto kamote que gusto mo?
Joey: Kamote que? Ang cheap !
Neneng: Mahiya hiya ka naman ! pambili nga ng softdrinks wala ka tapos sasabihan mong cheap itong baon ko.. ay siyanga pala , ako si neneng at heto naman si Joey. Si Bugoy kilala mo na kasi magkatabi kayo. Ikaw si Clarisse di ba ? Saan ka nakatira?
Clarisse: Dyan lang sa may condo na malapit dito
Joey: Wow bigtime ! Condo !
Clarisse: Nakikitira lang ako dyan sa tita ko kasi yung mga magulang ko nasa ibang bansa
Joey: wow ibang bansa bigtime ! hoy Bugoy bakit tahimik ka
Heto ang umaandar sa utak ni bugoy .
utak ni bugoy: Ang ganda ni Clarisse, sobrang cute niya kamukha ni Sailor moon ! tapos ang puti pa niya para siyang si sleeping beauty o si Cinderella at kapag ngumiti parang model ng commercial ng toothpaste ... Haiz.z.z..z.z.z.z
Joey: Hoy bugoy ano ba !!!!
Bugoy: Ano ba yun ! magkatabi na lang tayo sumisigaw ka pa !
Joey: Bakit tahimik ka ? Alam mo Clarisse crush ka niyan ni bugoy ! uuuyyyy !!!!
Bugoy: Anong crush ! eh kung kaskasin ko kaya yang mukha mo !
Clarisse: Tara na pumasok na ulit tayo , baka nandyan na si ma'm
At lumipas ang ilang taon .......
Nasa 1st year high school na sila
BINABASA MO ANG
Bata ka pa lang , malandi ka na
De TodoAng pag-ibig nagsisimulang sumibol kahit ng tayo'y mga musmos pa. Masaya hangga't nararamdaman pa natin ito. Mga damdamin na sinaklaw ang ating buong sarili at nadadala tayo sa emosyon. May pagsubok na darating , at may mga pangyayari na sana ay nai...