Pumasok ang magkakaibigan sa kanilang classroom
Pagpasok pa lang ni Clarisse natahimik ang lahat. Halos buong klase nakatingin sa kanya. Dahil puro lalake halos ang classmates nila.
Clarisse: Ano meron biglang tumahimik?
Neneng: Ngayon lang sila nakakita ng tao
Tulad ng dati seating arrangement muna. Magkatabi ulit si Clarisse at Bugoy pero this time napagitnaan si Clarisse at ang katabi niya sa kaliwa ay si Aldrin. Maputi , gwapo , malinis tingnan. Kung ikukumpara sa pagmumukha ni Bugoy. Milya ang agwat. Lumabas muna ang kanilang teacher para kunin ang lesson plan sa faculty.
Aldrin: Swerte ko naman ang ganda ng katabi ko. Ako nga pala si Aldrin. Pwede bang malaman ang facebook account mo o kaya celphone number mo?
Clarisse: Ako ba kausap mo?
Sabay tawa mula sa likod si Neneng
Neneng: Soplak ! Ahahahahhaha
Aldrin: Suplada ah ! Akala mo naman kagandahan
tumayo si Clarisse
Clarisse: Bugoy dyan na lang ako sa upuan mo
Bugoy: Sige
Aldrin: Pucha ok na sana eh , natabihan pa ako ng maglulupa
Hindi na nakatiis si Joey, lumapit siya sa tatlo
Joey: May problema ba ? Clarisse ginugulo ka ba ng mokong na ito ? (Sabay batok kay Aldrin)Hoy Iho marunong ka bang magmumog ng sarili mong ngipin? Kung bago ka lang sa school na ito mangilala ka, nandyan lang ang bahay namin isang kanto magmula dito. Kung ayaw mo ng buong taon binubugbog ka paglabas mo ng gate, kaya umayos ka.
Aldrin: Ang tapang ah
Joey: hehehehe sige one on one sa likod ng school after class
Bugoy: (Lumingon kay Aldrin) Simulan mo ng magdasal kung kaya mong tumakas bago matapos ang klase gawin mo na. Text mo na din nanay at tatay mo na sunduin ka mismo sa classroom. Kung ako sa iyo huwag ka na rin lumabas ng classroom na ito pag recess.
Aldrin: Sino ba yan?
Bugoy: Siya lang naman ang pinaka bully noong elementary. lahat ng ka batch niyan takot sa kanya. Kaya goodluck na lang mamaya. hehehe
Recess, nakaupo ang magkakaibigan sa isang lamesa
Bugoy: babanatan mo ba talaga si Aldrin?
Joey: Ano gusto mo gawin ko sa kanya ? Kantahan?
Clarisse: First day of school tapos away
Joey: Wow sorry ha ! Hiyang hiya naman ako sa iyo, ikaw na nga pinagtanggol wala ka pang malasakit?
Clarisse: Sinabi ko bang hamunin mo ng suntukan?
Joey: Heto kasing si Bugoy eh !
Bugoy: Oh bakit ako ?
Joey: Dapat sinuntok mo na sa mukha agad eh
Bugoy: Wow anlabo ! 1st day suntukan agad?
Papalapit si Aldrin sa kanilang lamesa
Joey: Nagmamadali ka ba ? Mamaya pa ang usapan di ba?
Aldrin: Mga classmates sorry kanina sa inasal ko, saka sa iyo clarisse sorry. Joey wala akong intensyon makipag away.
Joey: Ano sorry na lang? ganun na lang yun pagtapos mong mambastos? Hindi pwede yan
Aldrin: Pre hindi ako nakikipag away wala na bang ibang paraan para magkabati tayo?
BINABASA MO ANG
Bata ka pa lang , malandi ka na
RandomAng pag-ibig nagsisimulang sumibol kahit ng tayo'y mga musmos pa. Masaya hangga't nararamdaman pa natin ito. Mga damdamin na sinaklaw ang ating buong sarili at nadadala tayo sa emosyon. May pagsubok na darating , at may mga pangyayari na sana ay nai...