- Nagkita si Bugoy at Joey sa school-
Joey: Pambihira! hindi ka pa nauwi ? May pasok pa bukas , saan naman tayo pupunta? heto na yung tshirt mo, isoli mo sa akin yan ha ! Pakilabhan mo na din
-Agad agad na nagpalit si Bugoy at isinilid ang uniporme sa bag
Bugoy: Nagtext naman ako sa ermats ko na gagabihin ako. May alam ka bang bar dito?
Joey: Makahanap man tayo ng bar, hindi tayo bibigyan ng alak.
Bugoy: Eh bakit sa resort binigyan tayo ng beer
Joey: Resort yun , may kasama tayong matanda , si mang karding. Hindi tayo bibigyan ng alak sa bar.
Bugoy: Badtrip naman . tara uwi na lang tayo
Joey: May alam akong tambayan ng mga lakwatsero, kaso bilyaran at videoke. May kalayuan dito, pwedeng lakarin at sigurado bibigyan tayo ng alak doon.
Bugoy: Sus ! Kunwari ka pa . Tumatambay ka doon no?
Joey: Minsan lang
Bugoy: Tara
- Habang naglalakad -
Joey: Anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong uminom? Nag away ba kayo?
Bugoy: Wala lang , gulo ng utak ko eh. Gusto kong makalma. Ang sakit sa ulo isipin. Alam mo naman pinagdadaanan ko ngayon eh.
Joey: Sabagay... Kung sa akin man mangyari yan hindi ko din alam gagawin ko.
- Tahimik lang ang dalawang magkaibigan hanggang marating nila ang bilyaran-
Bugoy: HIndi naman ako marunong magbilyar, pwede ba tayo dyan ? Gusto ko lang uminom
Joey: May mga lamesa ng inuman dyan , akong bahala
- Pumasok ang dalawa sa bilyaran-
Ate Malou (Bantay ng Bilyaran) - Joey boy ! Long time no see ! tagal mong hindi napasyal ah ! May kalaban ka ba ngayon? Magkano pusta ?
Joey: Wala ate Malou. Iinom lang
Ate Malou: Pucha level up ka na ah ! Toma naman trip mo ngayon. Dati-rati palagong pepot ka lang sa pustahan. Ngayon nainom ka na
- Tumingin si Bugoy kay Joey-
Bugoy: Minsan minsan lang ha ? Kilalang kilala ka ng bantay
Joey: Huwag mo na pansinin yan
-Naupo si Joey at Bugoy -
Ate Malou: Anong order mo ?
Joey: Bigyan mo kami ng empi long neck chaser ice tea at pahingi na din ng yelo... tapos... ano pulutan niyo dyan ?
Ate Malou: Mukhang mabigat problema niyo ah ! Dibdiban ! Empi ! Kaya niyo ba yan ? Tarantado ka baka umuwi kang lasing at malaman ng erpats mo na dito ka uminom magkaroon pa ako ng problema. Heto pulutan namin, Kikiam, fishball at squidballs.
Joey: Wala ka na bang ibang pulutan ? Ginagalis na lalamunan namin dyan , purgang purga na kami sa labas ng school sa ganyang pagkain , hanggang dito ba naman ? Wala ka bang totoong pagkain dyan ?
Ate Malou: Lakas mo rin mang alipusta no ? May bangus ako sa ref, bayaran mo na lang pero syempre may tubo na yun pwede kong ipa-ihaw.
Joey: Lagyan mo ng kamatis at sibuyas sa loob tapos maglabas ka ng toyo, kalamansi at sili para sa sawsawan
Ate Malou: Masusunod po panginoon.. May ipag uutos po ba kayo?
Joey: Gusto ko agad agad ! Madali !
BINABASA MO ANG
Bata ka pa lang , malandi ka na
RandomAng pag-ibig nagsisimulang sumibol kahit ng tayo'y mga musmos pa. Masaya hangga't nararamdaman pa natin ito. Mga damdamin na sinaklaw ang ating buong sarili at nadadala tayo sa emosyon. May pagsubok na darating , at may mga pangyayari na sana ay nai...