Chapter 15 - Madamdaming usapan ng mag-ina

75 0 0
                                    

- Alas - onse na ng umaga , 25 missed calls , 45 text messages ang inbox .. Napabalikwas ng higaan si Bugoy, agad - agad itong bumaba -

Bugoy: Nay bakit hindi niyo ako ginising?

Aling Betty: Maupo ka muna, nagtimpla ako ng kape. Mainam yan sa taong may hang  - over

- Natahimik lang si Bugoy , tumatakbo sa isip niya kung paano nalaman ng kanyang Ina ng uminom siya kagabi?-

Aling Betty: Anak, may problema ka ba ? Alam kong hindi tayo masyado nag uusap dahil medyo busy sa trabaho. Pero Bigyan natin ng pagkakataon ang isa't- isa. Handa akong makinig sa iyo. Ayoko na lang magulat na isang araw ay lango ka na sa alak sa hindi ko alam na dahilan at masira ang iyong pag-aaral.

Bugoy: Minsan lang naman 'nay malapit na kasi graduation. Nagkatuwana lang kami ni Joey.

Aling Betty: Walang problema sa akin yun anak.. Lumalaki ka na , hindi maiiwasan na minsan mag-happy-happy. Pero ang bumabagabag sa akin bakit hindi mo sinasabi sa akin na may problema ka.

Bugoy: Anong problema?

Aling Betty: Nanay mo ako. Pagkagising mo pa lang sa umaga kahit hindi ko tanungin alam ko na agad kung masaya ka o malungkot ka.  Kumusta kayo ni Clarisse?

Bugoy: Paano mo naman nalaman yung tungkol sa amin?

Aling Betty: Huhuhuhu hindi ko kayang mawala ka ! Huhuhuhu Huwag mo akong iiwan ! Huhuhuhu gagawin ko lahat ng gusto mo huwag ka lang umalis huhuhuhuhu ! Buong gabi ang sakit ng tenga ko sa iyo ! Suka ka pa ng suka sa sahig,,, kaya nilinisan ko na lang ang baho ! hindi na kita ginising para pumasok dahil baka sa school niyo sumuka ka pa.  Tumawag na lang ako sa teacher mo at sinabing masama pakiramdam mo.

Bugoy: Sorry 'nay hindi na mauulit

Aling Betty: Sa susunod kung iinom ka yung kaya mo lang, huwag sagaran.

Bugoy: Nalulungkot lang kasi ako 'nay , mga ilang linggo aalis na si Clarisse , babalik ng America para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Aling Betty: Babalik pa ba siya ?

Bugoy: Opo

Aling Betty: Yun naman pala oh eh anong problema mo?

Bugoy: Matagal tagal din kaming hindi magkikita 'nay mga ilang taon din yun. Buong buhay ko halos kasama ko si Clarisse na nasa tabi ko. Parang ang hirap gumising na malalaman kong wala siya

Aling Betty: Ano bang pinagsasasabi mo? kung magsalita ka akala mo naman mamamatay na yung tao... buti nga sa panahon niyo ngayon... maliit na ang mundo kahit anong oras madali niyong makakausap ang tao na gusto niyong kausapin.. Panahon namin wala pa ang mga FB, Instagram, Celphone at kung ano ano pa ...

Bugoy: Iba pa rin yung nandito siya 'nay

Aling Betty: Matuto kang tumayo sa sarili mong paa, hindi ka hihintayin ng mundo at patuloy na tatakbo ang oras ng buhay ... kung sasayangin mo lang dumaan ang oras na magmukmok sa isang tabi, kailan ka pa magigising? Tandaan mo 'goy kinaya kong mag-isa simula ng iwan tayo ng tatay mo at sumama sa ibang babae... Pero kinaya ko ! kahit mahirap , kahit masakit , kahit sinasabing hindi ko na kaya ... pero kinaya kong mag-isa dahil nandyan ka. Dahil may dahilan ako para mabuhay at ipagpatuloy ang buhay , at ikaw ang dahilan kong iyon. Kung wala kang makitang dahilan ipagpatuloy ang buhay , kahit para sa sarili mo na lang . Bata ka pa , Huwag mong ihinto ang mundo mo sa isang tao kahit gaano mo pa ito kamahal. Minsan , kailangan mo din magbigay ng pagmamahal sa sarili mo.

Bugoy: Bakit ba iniwan tayo ni tatay ?

Aling Betty: Gago eh ! Wala na akong makitang dahilan kung hindi gago siya. Yun lang.

Bugoy: 'Nay kung babalik si tatay tatanggapin mo pa ba ?

Aling Betty: Gunggong ba siya? Dugo at pawis ang pag-gapang ko para mabuhay tayo.. Nilunok ko pride ko at tinanggap lahat ng masasakit na salita ng pamilya ko, at unti unti kong naibangon ang sarili ko tapos lilitaw siya ? No way! Over my dead body.

Kaya bugoy ituloy mo ang takbo ng buhay. Hindi natatapos ang buhay mo para sa isang tao lang. Nagmumukha ka ng abnormal kakaisip sa problema mo, kung tutuusin hindi naman problema yan. Ilang araw mo na din sigurong iniisip yan. Ga-graduate ka na may medalya, proud ako sa iyo kaya maging proud ka din para sa sarili mo.

Bugoy: Nay, masakit ba malayo sa isang minamahal ?

Aling Betty: Masakit kung hindi ka na babalikan. Kung isang araw nalaman mong wala ng paraan para magkasama kayong muli... Pero sa kaso niyo ni Clarisse, malabo mangyari yun. Matagal ang pinagsamahan niyo bilang magkaibigan. Hayaan mo siyang tuparin ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya. Gawin mo siyang inspirasyon kahit wala siya sa tabi mo para kung saka sakalingmagkikita kayong muli. maipagmamalaki ka niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bata ka pa lang , malandi ka naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon