(Valerie's POV)
"It's time for breakfast! Valerie, anak! Gising na!" Sigaw ni Mommy mula sa kitchen.Agad naman akong bumaba ng hagdan at pumunta sa kusina.
"Good morning Mommy! Good morning Daddy!" Bati ko sakanila. "Good morning Val!" Sagot sakin ni Mommy.
"Maupo ka na dito at kakain na tayo." Sabi naman ni Daddy.
Naupo ako sa tabi ni Mommy at kumuha na ng pagkain.
"Did ya sleep well?" Tanong ni Daddy. "Not much" sagot ko naman.
"Halata nga. Tignan mo yang eyebags mo oh, ang laki laki na. Baka mamaya maging eyemaleta na yan." Patawang sabi ni Mommy
"Wag mo nang alalahanin yang bago mong school. I'm sure everything's gonna be fine" sabi ni Daddy.
"Kasama mo naman si Isabella at Lianne diba? And papadalhan ka namin ng pera every month para mabili mo yung mga kailangan or mga gusto mo" sabi naman ni Mommy.
Nanahimik nalang ako at nagsimula nalang kumain.
Sa totoo lang, hindi ako napuyat kagabi dahil sa pagiisip sa bago kong school eh.
Napuyat ako dahil sa kakaisip kay Jason.
Napuyat ako dahil sa kakahintay sakanyang dumating.
.....
Hapon palang, nasa park na ko. Ilang oras kong hinintay si Jason don.
Tinext ko siya na magkita kami sa park. Ito kasi yung madalas naming puntahan eh.
Gusto ko sana siyang makausap ng maayos kasi ayokong may galit pa siya sakin bago ako umalis.
Lilipat kasi kaming Manila niyan.
Iiwan ako nila Mommy kasi may aayusin lang sila sa bussiness namin sa New York.
Tska i think aayusin na nila ang modeling contract ko.
Dahil anak ako ng mga owners ng Valentino Fashion, kinukuha ako ng iba pang mga company bilang model.
Isa pang rason kung bakit kami lilipat sa Manila ay dahil sa Romanov Academy. Dun namin pinangarap mag aral nila Isabella at Lianne.
Sabi kasi nila na sobrang ganda daw ng school na to at lahat ng nagaaral dito ay mayaman.
.....
Tumawag si Mommy sakin at sinabing umuwi na ko. Malapit na rin kasi yung curfew ko kaya baka magalit ulit si Daddy.
Pagbalik ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi na ko kumain ng dinner kasi wala akong gana.
Hinintay kong makatulog sila Mommy bago ako bumalik sa park.
I stayed there until 2 am hanggang sa maisipan ko nang umuwi.
Tska inantok na rin kasi ako. Baka hindi na ko makapag drive ng maayos.
Underage pa naman ako. Wala pa kong driver's license. Baka mahuli pa ko ng police.
Ang tanga ko talaga noh.
Umasa akong pupunta si Jason kahit na alam kong di na talaga siya pupunta.
BINABASA MO ANG
Inlove with the Devil
Teen FictionIn fairytales, there's always a prince charming and a bad guy. But in Valerie's world...things are ALOT different from that. Why?... Cause in her world...the prince charming IS the bad guy.