Please vote and feel free to comment kung may reklamo kayo...hahaha lol :))
Hope yah like it! :)
(Valerie's POV)
*rinnggg rinnggg*Bakit ba kasi ayaw mo ko kausapin?
*rinnggg rinnggg*Jason, please. Sumagot ka naman.
*rinnggg rinnggg* *The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. The number you h-*
*sigh*
Jason...
Miss na miss na kita.
.....
*riinnggg*
Agad akong napangiti nang mag ring ang phone ko. Kaso, agad din yon naglaho nang makita ko kung sino ang tumatawag.Akala ko si Jason. Pero, umasa lang pala ko.
Si Mommy lang pala.
[Me]
"Hello Mommy? Bakit po?"[Mommy]
"Val anak, umuwi ka na dito. Paulan na, baka magkasakit ka diyan. Tska malapit na rin mag 9:30. Baka magalit nanaman si Daddy mo niyan."[Me]
"Sige po Mommy. Pauwi na po ko."[Mommy]
"Sige, magingat ka sa pagdrive ha? I love you!"[Me]
"Opo Mommy, magiingat po ko. I love you too Mom!"Nasan kaya yung lalaking yun? Kanina ko pa siya hinihintay dito sa park.
Ano ba yan. Lamig na lamig na ko dito. Dapat pala nagsuot ako ng jacket.
Pupunta pa ba yun?
Hays...sana pala di na ko umamin na may gusto ako sakanya.
Ayan tuloy, di na ko pinapansin.
....
Si Jason ang bestfriend ko simula nung bata pa kami.
Hanggang ngayon, naalala ko pa yung first time ko siyang nakilala.
Umiiyak ako nun. Nadapa kasi ako at nagka sugat sa tuhod.
Tapos, bigla nalang niya kong nilapitan at tinulungan. Nilibre niya pa ko ng ice cream para tumigil na ko sa pag iyak.
Simula nung araw na yun, lagi ko na siyang kalaro sa park.
Siya yung pinaka una kong naging kaibigan.
Siya ang lagi kong kasama sa lahat ng pinupuntahan ko. Para nga kaming magkapatid eh.
Kaso ngayon, wala na siya.
Na fall kasi ako sakanya eh, kaya yan...
Di na niya ko kinakausap. Di na siya nagpapakita. Di ko na siya nakakasama.
Namimiss ko na yung mga times na nagtatawanan kami, yung times na nagaasaran kami, at yung times na lagi kaming magkasama.
Nakakamiss din pala yung baliw na yun...
BINABASA MO ANG
Inlove with the Devil
Roman pour AdolescentsIn fairytales, there's always a prince charming and a bad guy. But in Valerie's world...things are ALOT different from that. Why?... Cause in her world...the prince charming IS the bad guy.