Chapter 7

1 0 0
                                    

(Lianne's POV)
Papunta na ko sa last subject ko ngayon at yun ang science. Kaso ako lang mag isa kaya mas nakaka kaba.

Nagkahiwahiwalay kaming magkakaibigan kaya ito, magisa ako ngayon. Si Isabella nasa kabilang room kasama nila Justine. Si Val syempre Royalty yun kaya nasa office siya ngayon kasama si Zayn. Pag walang events daw hindi sila magsstay sa office kaya siguro makakasama na namin siya bukas.

Pero magisa parin naman ako sa last subject kahit walang ginagawa si Val dun. Kasama niya kasi sila Isabella eh.

Papunta na ako sa classroom nang may napansin akong mga studyanteng nagkakaguluhan sa may pinto.

"Get your hands off me you b*tch!" Sabi ng isang babae.

Lumapit ako para makita kung sino yung nagaaway. Agad kong napansin na yung isa doon ay si Angela. Yung malditang nakilala ko sa cr.

Hindi ko kilala yung babaeng kaaway niya pero familiar mukha niya. I think nakita ko na siya kanina.

"Sure sweetie." Sabi ni Angela nang itulak niya yung babaeng sinasabunutan niya.

Umalis na si Angela at ang mga malditang kaibigan niya kaya nawala narin ang mga taong nagkumpulan dito.

Naawa ako sa babaeng kaaway ni Angela kanina kaya tinulungan ko siyang tumayo.

"Ayos ka lang beh?" Tanong ko sakanya.

"Oo, ayos lang ako. Thank you ah." Sagot niya.

"Welcome. Ano name mo?"

"Im Shane. And you?"

Aha sabi na nga bang nakita ko na siya kanina eh. Siya pala si Shane, yung nandun sa royalties.

"Im Lianne. Uh bago kasi ako dito so....can we be friends?" Nahihiyang tanong ko sakanya. Ayoko kasing magisa ako dito sa klaseng to.

"Sure. Wala rin naman akong kaibigan dito eh." Sabi niya.

"Yaayy! Hahaha tara na pasok na tayo." Sagot ko naman.

Pumasok na kami sa room at naupo sa likod since dun nalang ang mga bakanteng upuan.

(Valerie's POV)
"Pagkatapos mo diyan mag print ka ng 60 copies each." Utos ni Zayn sakin

"ANO?! 60? ANG DAMI NAMAN ATA?" Sagot ko sakanya.

Grabe siya. Ang dami dami ng mga advertisments na to tas 60 copies ipapagawa niya? Aba suntukin ko siya eh.

"Ano gusto mo? Sampo? Sa tingin mo malalagyan natin ang bawat sulok ng university na to kung sampo lang gagawin mo? Gawin mo nalang yan ngayon na!" Sabi niya bago siya bumalik sa may desk niya.

Gagabihin ata ako dito ah. Hay nako first day palang andami ko nang ginagawa.

(Isabella's POV)
"Hoy babaita!" Sigaw ni Lia. Kung maka sigaw naman to parang may ginagawa akong masama.

Lumapit siya dito ng may kinakaladkad na babae. Grabe siya. Kinawawa niya na yung girl.

"Oh sino yan?" Tanong ko sakanya.

"Meet Shane. She's one of the royalties. Kaklase ko siya sa science." Sabi niya sakin.

*beep beep*

Chineck ko yung phone ko nang maramdaman kong nag vibrate ito.

[From: Val]
"Beh sorry ah pero magtatagal ata ako dito. Madami pa kasi akong gagawin eh. Kung di niyo na ko mahintay mag commute nalang kayo."

"Beh commute nalang na tayo. Matagal pa daw si Val dun." Sabi ko kay Lia.

"Gusto niyo hatid ko na kayo? Tanong ni Justine.

"Hala wag na nakakahiya naman." Sagot ko sakanya. Kakakilala palang namin kanina ihahatid na. Bilis ni kuya ah.

"Wag ka na mahiya. Tara na." Sagot niya.

"Ah sige Shane, bukas nalang. Bye!" Sabi ko kay Shane.

"Ahh sige kita nalang tayo sa lobby bukas. Bye!" Sagot niya naman.

.....

(Zayn's POV)
"Kaw na bahala diyan. Just make sure na ikalat mo yan ng maigi. Dapat lahat ng corridor may naka paskil."

"Ah ganon? So di mo ko tutulungan dito?" Sagot ni Samantha. Aba bat ko naman siya tutulungan?

"Of course not. Last 50 pages nalang yan oh. Uuwi na ko." Sagot ko naman sakanya.

"Eto nga pala. Susi yan ng office. Ikaw na bahala mag lock." Sabi ko nang itinapon ko sakanya ang susi. Syempre extrang susi lang yun. Hinding hindi ko ibibigay sakanya ang susi kung nag iisa lang ito. Baka kasi mawala niya pa ito at di na kami makapasok.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi niya sakin. Tumalikod nalang ako at umalis. Nakakainis talaga yang babaeng yan eh.

Para siyang tigre. Kayabang yabang niya akala mo naman kung sino.

(Valerie's POV)
*riiinnggg* *riiinnggg*

Biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko ito at nakita ko ang pangalan ni Isa.

[Me]
"Hello? Ano kailangan mo?"

[Isabella]
"Ah wala haha tumawag lang ako para sabihing umuwi na kami ni Lia."

[Me]
"Ahh ok."

[Lianne]
"Hi beh Lia itey. So, kamusta kayo ni Mr. Hot guy? Haha lamoba, balita ko heart throb silang tatlo nila Kyle. Kung ganon ba naman kasi ka gwapo natural lang na maging heart throb."

Heart throb? Yung demonyong yun heart throb? HAHA EW!!

[Me]
"Heart throb yun? Grabe ang labo naman ata ng mata nung mga babaeng naghahabol dun. Kapangit niya kaya!"

[Lianne]
"Anong pangit ka diyan? Ang gwapo kaya!! At ang talino pa!"


[Me]
"Ih kadiri ka. Bahala ka na nga diyan! May ginagawa pa ko eh. Hmp bye!"

*yawns* argh inaantok na ko TT_TT

"Miss, tulungan na kita diyan."

"Ay palaka! Haaayyss kagulat ka naman kuya! Bigla bigla ka kasi susulpot sa kung saan."

Kainis naman tong si kuya oh. Inaantok na ko tapos bigla bigla siyang mangangalbit. Ang dilim dilim kasi dito eh. Akala ko tuloy murderer.

"Teka, sino ka ba? Bat nandito ka pa? Gabi na ah." Tanong ko sakanya.

"Ah binalikan ko lang yung phone ko. Naiwan ko kasi dito sa library haha. Im Aaron by the way. Aaron Jeremy Ruales."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon