Chapter 2

16 1 0
                                    

(Valerie's  POV)
Ano bayan! 6:30 na wala parin akong masakyan na taxi!

Kanina pa ko nakatayo dito pero wala paring gustong magsakay sakin.

Kainis naman. Anong oras na oh! Malelate na kami!

Sigurado akong kanina pa ko hinihintay nila Isa dun.

Pinagusapan kasi naming sabay kaming papasok ng school araw-araw.

Naalala ko na iniwan pala nila Daddy yung kotse dito incase na may emergency kaya agad akong bumalik sa loob ng bahay para kunin yung susi ng kotse.

Emergency naman to diba?

.....

Nandito na ko sa harap ng bahay nila. Bumusina ako para alam nilang andito na ko pero....

Bat wala parin yung dalawang yun?

Tawagan ko kaya?

*rinnggg* *rinnggg*

Aba! Nakuha pa ng bruha na tong hindi sumagot!

Dapat nga magpasalamat sakin tong dalawang babaitang to kasi araw araw ko silang susunduin.

*rinnggg* *rinnggg*

[Isabella]
"Hello? Nasan k-"

[Me]
"Isabella! Labas na! Andito na ko!"

[Isabella]
"Hala wait lang! Di pa ko ready!"

[Me]
"Bilis! Kabagal niyo naman!"

[Isabella]
"Uso mag hintay besh! Saglit lang!"

[Me]
"Anong mag hintay sinasabi sabi mo diyan! Bahala ka, iiwan ko na kayo!"

[Isabella]
"Hala uy wait laaannggg!"

[Me]
"Bilis naaa!!"

[Isabella]
"Oo na ayan na! Wait lang!"

[Me]
"Jusko malelate pa tayo niyan eh!"

Grabe ah, ang bagal nilang kumilos. Late na nga ko dumating dito eh.

Sigurado akong nagpaganda ng bonggang bongga yung mga yun.

Hay nako! First day na first day stressed na ko dahil sakanila.

.....

Ano nanaman to?! Bat naka takong pa yung bruhang yun?

Etong Isabella naman na to ang kapal kapal ng makeup! Mukha na siyang clown!

Jusko sasabak ata ng beauty contest  tong mga to.

Ang dami dami kasi nilang kaartehan. Baka malate pa ko dahil sakanila.

"Hoy Lianne, ano nanamang kaartehan yan? Ang OA mo talaga!" Sabi ko.

Kung maka 6 inch heels kasi wagas. Feeling beauty queen nanaman tong bwisit na babaitang to.

"Hayaan mo na siya Val. Alam mo namang masyado siyang extra eh." Sabi sakin ni Isabella.

"Ang sama niyo sakin! Ano ba kasi paki niyo kung gusto ko mag heels!" Sagot naman ni Lianne.

"Eh parang sasabak ka sa beauty contest diyan sa heels mo. Dinaig mo pa talaga ko na top 2 sa Royalties eh." Sagot ko.

"Bat di nalang si Isa yung sabihan mo diyan? Todong todo yung makeup niya oh!" Sabi sakin ni Lia.

"Che! Wag ka nga nang aano!" Sagot ni Isa kay Lia.

"Hoy! Ano ba?! Manahimik na nga kayo!" Sigaw ko sakanila.

Kairita kasi. Magaaway pa eh parehas naman silang OA.

Ang OA din ng Romanov Academy na yan eh.

May pa Royalty Royalty pa silang nalalaman.

Ano yung Royalties? Well, yun yung top 10 students sa Romanov Academy na matalino, mayaman, at syempre... maganda/gwapo.

Inlove with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon