Huminto ako sa harap ng gate ng lugar na itinuro ni Lianne.
"Wow! Ang gandaaaa!!" Sigaw ni Isa.
"Lia, sure ka bang ito yun?" Tanong ko sakanya.
Feeling ko kasi hindi ito school eh. Parang malaking palasyo na makikita dun sa mga pelikula ng barbie.
"Oo ito yun! Ganyan na ganyan yung nasa picture." Sabi ni Lia ng ipinakita sakin ang picture sa phone niya.
Bongga talaga tong school na to.
Malalaman mo agad na pang mayaman dito kasi gate palang, gold na. Pano pa kaya sa loob ng school diba?Ibinaba ko yung bintana ko ng makita ko yung guard.
"Umm excuse mo po kuya. Ito po ba yung Romanov Academy?" Tanong ko.
"Opo miss, ito nga. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ng guard sakin.
"Uh, new students po kami dito." Sabi ko sabay pakita ng ID.
"Ah sige po. Buksan ko lang po yung gate." Sabi ng guard.
Binuksan nung guard yung gate at ipinasok ko ang kotse.
Dahil mahaba haba yung parking space nila, nag park nalang ako sa malapit sa entrance.
Pagka baba namin sa kotse, madaming studyante ang nag tinginan samin.
Siguradong sigurado akong dahil ito sa royalties.
"Val, andaming naka tingin sayo oh!" Sabi sakin ni Lianne.
"Ano ka ba, ikaw kaya tinitignan nila! Kung maka heels ka kasi wagas!" Pabiro ko namang sagot sakanya.
Pagpasok namin ng lobby, bumungad samin ang napakaraming estudyante na nagkukumpulan sa may harap ng announcement board.
"Anong meron dun?" Tanong ko kila Isa.
"Naka post siguro dun yung list ng top 10 royalties." Sagot ni Lia.
"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko sakanya.
"Ano ka ba naman Val, sa taas ng heels ng babaeng yan syempre kitang kita niya kung ano yung pinagkaka guluhan nila dun!" Pabiro namang sagot ni Isabella.
"Isa pang pang aasar niyo sakin magpapaa na talaga ko dito!" Sagot ni Lia.
"Wag naman Lia. Mahiya ka naman. Mangangamoy patay na daga hahahaha!" Pabiro ko namang sagkt sakanya.
Sabi ko na nga ba eh.
Ang royalties ang dahilan kung bakit ang daming nakatingin.
.....
Habang naglalakad kami sa hallway, dinig na dinig ko ang usapan ng ibang tao.
"Uy bes, si Samantha Buenavidez yun diba?!"
"Oo nga bes! Ang ganda niya talaga!""Tol, si Buenavidez oh!"
"Buenavidez? Diba yun yung top 2 sa royalties?"
"Oo tol, siya nga!"
"Ang ganda niya!"Yan....yan ang mga usapan na maririnig mo sa mga estudyante.
Hay nako, nakakainis talaga yang royalties na yan.
Dahil diyan, buong school na ata nakaka kilala sakin.
Ang pinaka ayaw ko pa naman ay ang nagiging sikat.
Madaming tao sa mundong ito na gustong maging famous.
Pero ako, AYAW KO.
Kapag naging famous ka kasi, lahat ng atensyon, nasayo.
Lahat nalang ng ginagawa mo, papansinin nila.
I don't like getting all that attention. May pagka shy type din kasi ako eh.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ng ibang tao na maging sikat.
BINABASA MO ANG
Inlove with the Devil
Teen FictionIn fairytales, there's always a prince charming and a bad guy. But in Valerie's world...things are ALOT different from that. Why?... Cause in her world...the prince charming IS the bad guy.