Chapter 10

653 12 0
                                    

Kinabukasan dala ang mga printouts na dokumento ay tinungo niya ang office ng lalaki upang mapapirmahan na ang mga iyon.

Isang marahang katok ang ginawa niya bago iyon buksan.

"Ah, Sir, good morning", nakangiting bati niya habang lumalakad palapit dito. 

Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya bago muling ibinaling ang atensyon sa binabasa.

"These are for reviews and signing", sabi niya dito habang nakayuko ito.

"Just put it there", turo nito sa isa pang mesa malapit dito habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Marahan siyang lumapit doon at inilagay sa ibabaw ng mesa ang dalang printouts na nasa loob ng envelope. 

Muntik pa siyang matalisod sa paglapit doon buti na lang nagawa niyang makabalanse. May pagka clumsy pa naman siya.

Tatlong envelopes iyon na naglalaman ng proposals mula sa tatlong malalaking kumpanya na ipinadala sa kanya thru emails.

"When is the due date for that?", tanong nito.

Bigla siyang napaharap dito.  

Seryoso na naman itong nakatingin sa kanya. Ni hindi ata ito marunong ngumiti. 

Sayang ang gwapo pa naman nito.

"They're expecting to hear from you after a month. They think it's enough time for you to review what's written on their proposals", malumanay na sabi niya.

Sheisse! (Shit!), mura nito sabay hagod paitaas ng buhok nito.

"Are you okay Sir?", nagaalalang tanong niya dito.

"A month is not enough, they are not the only company that I need to review. Look at those folders", sabi nito sabay turo sa ga-bundok na folders na nakalagay sa may gilid ng lamesa kung saan niya ipinatong ang tatlong envelopes.

Napatingin siya doon at marami-rami pa nga talaga iyon.

"You know that I have lots of appointment that I need to attend to for the next two weeks, so you should know that it's not enough", masungit na sabi nito.

"After that, I'll be going to California early next month. Ask them to give an extension", utos pa nito sa kanya.

Alam naman niya ang schedule ng boss niya kaya nasubukan na niyang humingi ng extension na sinasabi nito para sa deadline ng mga iyon pero hanggang isang buwan lang talaga ang ibinigay ng mga ito sa kanya.

"I already tried that Sir but according to them...the best that they could give is a month", paliwanag niya dito.

Tatlong malalaking kumpanya ang nagpadala ng proposals dito para sa expansion ng hotel nito. Kaya hindi rin nito basta-basta mababalewala iyon.

"Tell them to give me at least two months. If they can't, they are free to offer it to other hotels", pinal na sabi.

Malaki ang maitutulong ng mga kumpanyang iyon para sa paglago pa ng hotel nito kung maaaprobahan nito kahit isa sa mga iyon pero bakit biglang babalewalain lang nito?

Mahirap nga namang basta pirma na lang ng pirma nang hindi bnabasa o pinag-aaralan baka biglang may hindi pala ito magustuhan o hindi ayon sa panlasa nito.

"Okay Sir. I will advise them", sabi niya bago tumalikod dito.

"One more thing, Ms. Almeda", sabi nito na nakapagpatigil sa kanyang pag-labas ng silid.

Cold and Empty (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon