Chapter 82

568 6 0
                                    

Nang makarating ay agad siyang nagbihis ng damit at humiga sa kama. Ito naman ay dumiretso ng banyo.

Sa kwarto na rin siya nito natutulog dahil iyon ang gusto ng kanyang asawa. Dahil asawa na raw siya nito kaya dapat ay iisang kwarto lamang sila.

Rinig niyang naglakad ito papuntang walk-in closet matapos sa banyo.

Siya naman ay nanatiling nakahiga sa kama. Parang napagod siya sa buong maghapon.

Ilang sandali pa ay lumabas ng silid ang kanyang asawa. Tingin niya ay sa library room ang tungo nito.

Tumayo siya at tinungo ang banyo upang makapag-ayos ng sarili. Sa paglabas niya ng banyo ay nabungaran niya ang asawa na nakahiga na sa kama habang may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone nito.

Lumakad siya palapit ng kama at saka naupo sa may gilid habang sinusuklay ang kanyang buhok. 

Nakatalikod siya rito.

Nang matapos sa pagsusuklay ay saka siya nahiga. Naglaan siya ng space sa pagitan nila kahit na ba asawa pa niya ito.

Hindi sinasadyang napabaling ang tingin niya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Siya ang unang nag-iwas ng tingin at tumalikod ng higa rito.

Naramdaman naman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran at masuyong hinalik-halikan ang kanyang balikat. Pumiksi siya pero patuloy pa rin ito sa pagdampi ng masuyong halik doon.

Naramdaman niyang sumapo ang isa nitong palad sa kanyang kanang dibdib at marahan iyong pinisil-pisil.

Sinubukan niyang alisin ang kamay nito roon dahil parang may kung anong dumaloy sa kanyang katawan. 

Pinihit siya nito paharap at nagtama ang kanilang mga mata.

Ilang saglit din silang nagtitigan bago nito masuyong hinalikan ang kanyang noo at ibabaw ng kanyang tiyan. "Matulog ka na. Napagod kayo ni baby". Tumayo ito mula sa kama at lumabas ng silid tangan ang cellphone nito.

Rinig niyang may kung sino na naman itong kausap.

Pinilit na lang niyang matulog.

***

Makalipas ang ilang araw...

Agad na hinanap niya ang asawa sa rest house. Ayon kay Greg ay maagang umalis si Max.

Kaya buong hapon na lang niyang inabala ang kanyang sarili sa pag-aayos ng mga pinamiling gamit para sa kanilang anak. Dumating na kasi ang mga pinadeliver nitong mga gamit na binili nila sa mall.

Nang matapos sa ginagawa ay saka lamang siya kumilos upang magluto ng kanilang hapunan.

Nang dumating ito ay sabay silang kumain. 

Tinungo nito ang library room pagkatapos. 

Hindi niya alam pero may pakiramdam siya na parang may importanteng inaasikaso ang kanyang asawa bukod pa sa mga trabaho nito sa opisina.

Panay ang tawag ng kung sino rito. Kahit madaling araw ay may tumatawag dito kaya minsan ay nagigising siya na may kausap na naman ito.

Minsan ay makikita niya itong nasa balkon at tahimik na naninigarilyo habang malalim ang iniisip.

Hindi niya alam kung ano ang gumugulo rito. 

Makahulugan din ang ginagawa nitong pagtingin sa kanya na tila pinag-aaralan mabuti ang kanyang mukha.

Sa tuwing titingin ito sa kanya ay kita niya ang pagkunot ng noo nito sa di niya malamang dahilan.

Parang may mali.  

Nagtimpla siya ng kape para rito. Hinatid niya iyon sa library room kung nasaan ang asawa.

Marahan niyang binuksan ang pinto matapos ang ilang katok.

May binabasa itong kung ano at may ilang mga envelope ang nagkalat sa lamesa nito.

Lumakad siya palapit rito. 

Inilapag niya ang tasa ng kape sa may isang gilid kung saan walang mga papel na nagkalat. Napaangat naman ito ng tingin sa kanya. "Magkape ka muna", alok niya rito.

Tinanggal nito ang suot na salamin sa mata at hinila siya paupo sa kandungan nito.

Hinalikan nito ang kanyang kaliwang balikat.

"Hindi ka pa ba matutulog?", tanong niya sa asawa.

"Maya-maya pa may tinatapos lang ako", halata ang pagod sa boses nito.

"Ano ba yang mga papel na yan?", tukoy niya sa mga nasa lamesa nito.

"Remember yung pinapahanap kong mag-ina before?", tumango naman siya rito. Paano naman niya makakalimutan iyon, eh isa iyon sa mga pinag-awayan nila noon nito.

"These are some of the newest report about them. I think malapit ko na silang mahanap", tukoy nito sa matagal ng pinapahanap. So, hanggang ngayon pala ay patuloy ang paghahanap nito roon.

He's really serious about this matter.

"Ano bang balak mo sa kanila kapag nakita mo na?", hanggang ngayon ay curious pa din siya sa plano nitong gawin sa mga iyon.

"Ganoon pa rin naman. Walang nabago sa plano. I want them dead!"

Kaya ba talaga nitong dungisan ang sariling mga kamay para lang sa paghihiganting hinahangad nito para sa nawalang ina?

Pero paano naman sila ng magiging anak nito?

"Max, baka naman pwedeng huwag mo ng ituloy ang binabalak mo..para sa a-anak natin", pagmamakaawa na niya rito.

"This is my plan ever since."

"Maawa ka naman sa anak mo. Gusto mo bang lumaki siya at malaman na nakapatay ang kanyang ama?"

Bigla naman itong natigilan sa kanyang sinabi. "Just let me. Ako na ang bahalang mag explain sa kanya pagdating ng araw."

"Pero Max..."

Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. "I will try to control myself when that time comes but I wont promise anything about not killing them. If I lost my control then..", umiling ito. "Pasensyahan na lang."

She's praying na sana ay maging bukas pa ang isipan nito at mapag-isip-isip ang tamang gawin.

Ayaw niyang ilagay nito sa sariling mga kamay ang batas.

She wants him to move on and forgive though she knows that it's not that easy to do.

Pero susubok pa rin siyang pigilan ito sa binabalak na gawin. 

She knows she can do something to stop him.


*SilentPage18

Cold and Empty (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon