Chapter 75

572 8 0
                                    

"Take this. I'm sure it's sweet, you'll like it", abot sa kanya ni Vermont ng isang pack ng seedless grapes. Tinutulungan kasi siya nitong pumili ng mga prutas.

Hindi sinasadyang nagkasalubong sila kanina ni Vermont habang naghahanap siya ng malapit na fruit stand. Buti na lang at nakita niya ang lalake. May alam pala itong malapit na bilihan at sakto namang bibili rin ito bilang pasalubong sa kung sino man ang dadalawin daw nito.

May kasama na tuloy siya sa pagbili.

Naubos na kasi ang stocks na binili nila ni Max nang huli silang mag grocery kaya napagpasiyahan na lang niyang bumili mag-isa.

Tinatamad kasi siyang pumila ng mahaba kaya hindi na siya pumunta pa ng supermarket. Ayaw naman niyang iutos pa kila Anton ang pagbili dahil gusto niyang siya mismo ang pipili ng prutas. Hinayaan na lamang niyang sumunod-sunod ang mga ito sa kanya basta ba huwag lang masyadong malapit sa kanya dahil ayaw niyang mahalata ng mga tao na may mga bantay na nakasunod sa kanya.

It creeps her out.

Nangingiting kinuha niya ang seedless grapes na inaabot nito sa kanya at isinama niya iyon sa kanyang pinamili. Kumuha pa siya ng manggang hilaw at bumili ng tatlong kilo niyon.

She really wants sweets pero parang natakam siya sa manggang hilaw.

Parang sweet and sour na ang gusto ng kanyang panlasa.

It really has something to do with her pregnancy.

Ang dami na niyang prutas na napili. Bukod sa mangga at grapes ay meron pa siyang green and red apples, strawberries, longgan, lychee, kiwi, melon, oranges, pomelo, watermelon, avocado..sa sobrang dami ay hindi na niya alam kung makakain ba niya lahat iyon.

Basta gusto lang niyang bilhin lahat ng maibigan niya.

Gusto ata lahat iyon ng baby niya.

Alam niyang hindi siya pwedeng kumain nang kumain ng matataas ang sugar level pero lilimitahan na lang niya.

Anong magagawa niya..eh buntis nga siya.

Gusto niyang kumain nang kumain.

Nang matapos sa pagpili ng prutas ay akmang babayaran na niya iyon pero pinigilan siya ng lalake.

"Ako na ang magbabayad", sabi nito at saka mabilis na binayaran ang mga pinamili niya kasama ang mga pinamili nito.

Rinig niyang umabot ng mahigit tatlong libo ang presyo ng mga pinamili niyang prutas. Puro by kilos kasi ang bili niya at hindi paisa-isa kaya siguro umabot ng ganoon kalaki.

Ang takaw niya ngayon sa prutas.

Akmang sesenyasan na niya ang ilang bantay niya sa di kalayuan upang magpatulong sa malalaking plastic na kinalalagyan ng mga pinamiling prutas nang mapatigil siya.

Kasama nga pala niya ang lalake, ayaw naman niyang malaman pa nito na may mga taga bantay siya sa paligid. Siguradong maghihinala ito at magtatanong pa sa kanya.

Kung bakit may mga bantay siya?

Anong isasagot niya?

Dahil hinihigpitan siya ni Max at kaya marami siyang bantay para hindi siya makatakas dito.

Kung maaari lang, ayaw niyang mapunta ang usapan sa kanila ni Max dahil iniiwasan niyang sila ang maging topic. Ano bang sasabihin niya rito tungkol sa kanila ng binata?

Wala naman na sila ni Max.

Wala siyang masasabi tungkol doon dahil wala naman silang label.

Bwisit na label yan...

Cold and Empty (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon