Chapter 30

593 8 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at ilang buwan na lang ang bibilangin para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat pero hindi pala.

Nagtungo siya sa kusina upang makapaghilamos ng mukha at inayos niya ang kanyang sarili.

Ayaw niyang madatnan siya ng binata sa ganoong sitwasyon.

Kaawa-awa.

Kailangan niyang maghanda ng mailuluto bago pa dumating si Max. Bago magdilim ay tiyak niyang nandito na iyon para puntahan siya.

Ganun naman lagi ito. Pupunta sa bahay niya tuwing weekends para makita siya kahit naman madalas ay magkasama na sila sa opisina. Hindi na ata ito sanay na hindi siya nakakasama.

Gabi na nga lang ito makakadaan ngayon dahil may hinatid pa ito kasama ang ilang kaibigan sa airport.

Okay naman iyon sa kanya. Pinapaalam naman nito kung saan at sino ang kasama nito sa mga pupuntahan. Hindi naman niya ito gaanong pinaghihigpitan magmula ng maging sila.

Ang sa kanya lang ay ipaalam sa kanya ng maayos para di siya mag-alala rito.

Ayaw naman niyang maramdaman nito na parang nasasakal na ito sa kanilang relasyon. Hahayaan niyang gawin pa rin nito ang mga nakasanayan nito basta may oras pa rin ito sa kanya at wala itong magiging ibang babae bukod sa kanya.

Abala siya sa pagluluto ng paborito nitong ulam nang makarinig siya ng pagparada ng isang motorsiklo. Tiyak niyang ang nobyo na ang dumating.

Naghugas siya ng kamay at agad na nagpunas gamit ang isang bimpo.

Papunta pa lang siya sa may sala nang makita niyang bumukas ang pinto. Pumasok ito at ngumiti pagkakita sa kanya.

Gamit na naman nito ang spare key ng bahay niya. Pinaduplicate kasi nito ang susi niya para raw mas madali itong makapasok para hindi na siya maabala na pagbuksan pa ito sa tuwing darating ito.

Pinilit niyang ngumiti pabalik dito. Ayaw niyang magtaka ito na may kakaiba sa kanya.

Agad itong naglakad papalapit sa kinaroroonan niya, pagkasara nito ng pintuan.

Hi Schatzi, bati nito sa kanya pagkalapit at agad na siniil siya ng halik sa labi. Halik na puno ng pananabik sa kanya, na ginantihan din naman niya ng maalab na halik.

It's like music to her ears whenever he calls her using his German endearment to her.

Schatz or Schatzi...treasure or little treasure.

Bahagya niyang inilayo ito upang putulin ang halikan nila. Habol pa nito ang labi niya ngunit siya na mismo ang nag-iwas ng kanyang labi rito.

Napansin niyang parang nagtaka ito sa ikinilos niya dahil sa pangungunot ng noo nito at mataman na pagtitig sa kanyang mga mata.

Upang hindi lalo ito magtaka ay pinasigla niya ang kanyang boses nang tanungin niya ito.

"Kamusta yung paghatid nyo kay Clarence? Hindi ba kayo inabutan ng ulan?, tanong niya rito habang naglalakad pabalik sa kusina upang tingnan ang niluluto.

Buti na lang ng dumating ang nobyo ay nakatila na ang ulan. Hindi na ito nabasa pa sa pag-momotor nito.

"Okay naman. Nahatid naman namin ng maayos sa airport si Clarence. Medyo nagtagal lang kami ng kaunti dahil hinintay pa namin na makasakay siya sa eroplano at tumila ang ulan", sabi nito habang nakasunod sa kanya papuntang kusina.

"Ahh, mabuti naman kung ganon", sagot niya habang nakatalikod dito at hinahalo ang kanyang niluto para rito.

Naramdaman niyang yumakap ang mga bisig nito sa kanyang may kaliitan na bewang at saka siya hinalikan ng mariin sa kanyang kaliwang sentido.

Cold and Empty (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon