Chapter 1

1.5K 14 0
                                    

Isang malakas na sigaw kasabay ng nakabibinging putok ng baril ang maririnig sa loob ng silid.

Napaangat sa pagkakayuko ng ulo ang bata at nagmamadaling pumasok sa loob ng silid, kung saan nanggaling ang ingay. Ngunit isang walang buhay at duguan na babae ang nakita niyang nakahiga sa sahig na tila wala ng buhay.

Madali siyang lumapit dito at hinawakan ang pisngi nitong mababakasan pa ng luha. "Mama", mahinang anas niya sa nanginginig na labi kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Sinubukan niyang marahang yugyugin ang katawan nito; nagbabakasakaling buhay pa ito pero hindi man lang ito gumalaw.

"Maamaaaaa!", sigaw niya at mahigpit na niyakap ang wala ng buhay na katawan nito nang mapagtantong iniwan na siyang tuluyan nito.

Biglang napabalikwas nang bangon si Maxwell ng dalawin na naman siya ng masamang panaginip na iyon. Madalas niyang mapanaginipan ang senaryo na iyon kahit na matagal na iyon nangyari. Paulit-ulit, tila nakaukit na ang pangyayaring iyon sa kanyang alaala.

Sheisse! (Shit!), mahinang mura niya habang marahan niyang pinapasadahan ng haplos ang kanyang magulong buhok paitaas. Sunod sunod ang kanyang paghinga na tila hinihingal siya habang malamig na pinagpapawisan dahil sa panaginip na iyon. Panaginip na totoong nangyari, labing apat na taon na ang nakalilipas.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang mini ref niya na nasa loob ng kanyang silid upang kumuha ng tubig.

Ininom niya ng tuloy-tuloy ang laman ng bottled water hanggang sa maubos ang laman niyon; marahas na pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang kanang kamay.

"It's his fault", galit na bulong niya sabay bato sa hawak niyang plastic bottle sa sahig. Hindi siya titigil sa paghahanap para maiganti man lang niya ang kanyang ina; sa mga taong naging dahilan ng maagang pagpanaw nito.

Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Napalingon siya sa orasan na nakasabit sa dingding na nagsasabing alas dos bente singko pa lang ng madaling araw. Tiyak niya na mahihirapan siyang bumalik sa pagtulog nito. Alanganing oras pa naman.

Naglakad siya papunta sa kanyang side table malapit sa kama upang kuhanin ang lighter at sigarilyo bago tinungo ang balkonahe. Prente siyang sumandal sa may gilid ng railings. He lights his cigarette stick. Nakatanaw siya sa mga nagtataasang gusali; na ang ilang mga palapag ay may mga ilaw pang nakabukas. He slowly puffs smokes; nang mahulog siya sa malalim na pag-iisip.

More than two years na mula nang dumating siya sa Pilipinas sa edad na magbebente kwatro upang pamahalaan naman ang isa sa mga bagong tayo nilang branch ng  hotel dito sa bansa. Isa iyon sa mga dahilan maliban pa sa totoong pakay niya kung bakit talaga siya nasa bansa.

Sa maikling panahon ng pamamalagi niya ay natutunan na rin niya kung paano ang pamumuhay sa bansa. Ang makisalamuha o makibagay sa mga taong ibang kultura ang kinalakihan kumpara sa nakasanayan na niya. Kahit papaano ay nakakaintindi at nakakapagsalita na rin siya ng tagalog. He even tried to eat Filipino dishes, just to fully familiarize his self to the new surroundings.

He finished his college in a prestigious university in Cambridge, Massachusetts. He has a degree in Business Management course and took a crash course in HRM which he both finished in the same university.

Doon niya piniling mag-aral nang kolehiyo upang makalayo sa kanyang ama. Ilan taon din siyang nagtiis na makasama ito sa iisang bahay noong nag-aaral palang siya sa secondary dahil wala pa siyang kakayahang mamuhay mag-isa. Tama na ang mga taon na iyon na namalagi siya kasama ito. When he was about to enter college, he decided to left Munich and flew straight to Cambridge. He lived independently away from his dad and tried to act normally just like the others, though he felt empty inside.

Mas nanaisin pa niyang lumayo dito at mamuhay mag-isa sa USA, kesa ang makasama ito sa Germany. He took different part-time jobs while studying; including working in a fast food chains, server in a restaurant and even as a model in a not so well-known clothing line for young men, just to support his self. Ayaw niyang umasa sa binibigay na sustento ng kanyang ama. May trust fund naman siya mula sa iniwan ng kanyang ina pero gagamitin lamang niya iyon pag kinakailangan na talaga.

Right after gaining his diploma in college ay ang pamamahala na ng mga hotel nila ang kanyang inatupag. He even underwent training to be more knowledgeable in that kind of field. Iyon ang gusto niya kesa sa Wine business ng ama. Dahil ang hotel ay nagmula sa kanyang ina, ang natitirang alaala nito na gusto niyang ingatan.

At the young age of twenty six, he already has a name in the business world. Malayo na rin ang narating niya even without the influence of his own dad. But behind the success that he has now is a lost man. A lost and broken man.

He takes another sip in his cigarette and blows the smokes upward. Napatingin siya sa madilim na kalangitan at mahinang umusal. "I'll find them Mama. I'll make them pay", he said with unshed tears in his eyes.

*SilentPage18

Cold and Empty (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon