Chapter 1:

54 0 0
                                    

As usual, Maikli lang din to.So enjoy. 

--

"Naku! Late nanaman ako! Nakakainis bakit ba lagi na lang akong tinatanghali ng gising!?" Asar na bungad ni Tine sa sarili pagkagising ngayong araw.

Agad agad siyang naligo at nagbihis, alas otso na pala at huling huli na siya sa klase na nagsimula pa kaninang alas syete.

--------------------------

"Oh. Late ka nanaman! Ikaw talaga buti na lang hindi pa nag aattendance si Sir. May kinuha siya sa library kaya ligtas ka sa sermon sister!" Ani Jhoi, kaklase ni Tine.

"Sus tigilan mo nga ako! Wala akong pake kahit pagalitan ako! Eh sa talagang masakit ang katawan ko dahil sa practice ng sayaw kagabi, paano ba naman masyadong 

desperado yung instructor ngayon. Nakakainis." Tugon ni Tine.

Naputol ang usapan nila ng biglang dumating na ang kanilang guro.

Si Tine ay isang Sophomore student sa isang Paaralan sa Maynila. Kilala din siya sa pagiging magaling sa pag-sayaw. Madalas kasing kasali ang grupo nila sa mga

paligsahan kung saan ay hawak nila ang pangalan ng kanilang school.

Pagkatapos ng klase ay nagtungo si Tine sa C.R para mag palit ng damit sa isang cubicle, dahil may practice nanaman sila ng sayaw.

"Alam mo yung Tine na yun? Masyadong agaw eksena noh? Late nanaman kanina, pasalamat siya wala si Sir kundi yari nanaman siya. Feeling niya kasi

papaboran lagi siya ng mga prof natin dahil kilala siyang dancer dito sa school." Pabulong na sabi ng isang babae na kakalabas lang sa katabing cubicle na kinatatayuan

ni Tine.

"Oo nga eh. Sa totoo lang naiirita na ako sa kanya. Pero i know one of these days, babagsak din yan mare! Masyado kasing mayabang! Baka nakakalimutan

niya na kasama din ako sa Dance Class. At isa tayo sa makakalaban niya sa University Finals! Hahahaha." Sagot ng isa pang babae.

Nanggigil si Tine dahil sa mga narinig kaya agad siyang lumabas at hinarap niya ang dalawang babae na nag-uusap. Nahubad na ni Tine ang kanyang Palda kaya nakasuot

lamang siya

ng panloob ng humarap siya sa dalawang babae.

"Hoy! Kayo! Masyado kayo ah! Narinig ko mga sinabi niyo. Unang una hindi ako mayabang! Porke na-late ba eh mayabang na? Masama na ba ma-late ngayon?

Bakit kayo ba hindi niyo pa nararanasan ma-late? At wala kayong karapatang pag-usapan ako! Dahil hindi ko kayo pinapakialaman sa mga buhay buhay niyo! Mga buysit!"

Bulyaw ni Tine sa dalawang dalaga. Pagkatapos ay agad na din siyang bumalik sa cubicle at nagpatuloy sa pagpapalit ng damit.

"Akala nila ah. Wag lang nila ako susubukan! Akalain mong nakalabas ako ng walang palda sa sobrang inis ko? Hehehe." Bulong ni Tine sa sarili.  

Hindi sinasadya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon