Nakita ni Mark na nasa may pintuan ng room si Bryan, at kumaway pa ito kay Tine bago umalis.
"Siguro nag usap ung dalawang un. Mukhang balak talagang ligawan ni Bryan si Tine. Nakakainis naman. Baka nga matagal ng nanliligaw yun. Ang masaklap baka sila na!!"
Naluluhang bulong ni Mark sa sarili.
Pero kahit ganon pa man, ay mas iniisip pa din ni Mark ang positibong pwedeng mangyari. Gustong gusto niya talaga si Tine kaya hindi siya susuko.
..
"Grabe ang bait pala ni Bryan ano? Nilibre ako sa Canteen kanina. Haha." Ani Tine.
"Sus naman! Parang yun lang mabait na? Baka nakakalimutan mo! Madami ng napaiyak na babae dito yang Bryan na yan. Crush ko siya pero pag ako nilapitan niyan?
Ayoko na sa kanya!" Tugon ni Cyndi.
"Ay ang choosy mo girl? Hahaha ikaw talaga, dont worry mag iingat ako. Parang di mo naman ako kilala. Maingat naman ako pagdating sa ganyan." Pagmamalaki ni Tine.
"Sabagay, Oh siya. Tapos na din naman ang practice eh, tara na. Pero teka. Wag mong sabihing niyaya ka na din ni Bryan mag-date sa Valentine's Day ah.
isang linggo na lang oh." Tanong ni Cyndi.
"Oo. Kanina lang. Tinanong niya ako kung, may kadate daw ako. Eh di sabi ko WALA! Halata naman eh. So ayun pumayag na lang ako." Sagot ni Tine.
"Talaga? Haha. Ang landi mo naman te? Haha. Ok lang yan. Date lang naman eh di ba? Wala ng iba pa! Ok?" Paalala ni Cyndi.
"Oo naman girl! Wala na talagang iba! Para di lang ako mainip sa araw na yun eh makikipag date na lang ako. Haha." Tugon ni Tine.
"Ay alam mo Tine? Si Mark oh. Kasali sa Taekwondo. Akalain mo yun?" Ani Cyndi.
"Oo nga eh. Nagulat nga din ako nakita ko siya kanina. Ang cute niya noh? Hehe." Mungkahi ni Tine.
"Medyo, lagi kasing nakasimangot pumapanget tuloy. Oh siya. Tara na! Gagabihin nanaman tayo. Gagamitin na ng Taekwondo Class ung buong room kaya kailangan na
nating chumupi dito." Yaya ni Cyndi.
Si Tine at Cyndi ay sabay umuwi. Pagdating sa bahay ni Tine ay agad itong humiga sa sofa at nagmuni muni..
Lumapit sa kanya ang kanyang kapatid na si Rebie.
"Ate mukhang pasan mo ang mundo ah. Ano problema natin?" Anito.
"Ikaw naman porke ba tahimik eh may problema na, pagod na pagod lang ako. Sunod sunod na araw ang practice. Kaya ayun." Tugon ni Tine.
"Ay ate, papaalam ako. Sa Feb 14. Hehe." Naudlot ang sasabihin ni Rebie ng biglang sumagot agad si Tine. "Hindi pwede!"
"Bakit naman ate? Mamamasyal lang naman eh. Sige na. Promise may pasalubong ka!" Pagmamakaawa ni Rebie.
"Oh sige na nga!" Pagpayag ni Tine. "Pasalubong ah?" Pahabol nito.
"Basta pasalubong talaga ang bilis ng ate ko! Opo promise. Oh sige matutulog na ako ate ah. Goodnight." Paalam ni Rebie at humalik na ito sa pisngi ng kanyang kapatid.