Chapter 2.

33 0 0
                                    

Pagdating sa dance class ng saktong alas kwarto ng hapon.

"Uy Tine! Himala ang aga mo yata?" Bati ni Cyndi and barkada ni Tine.

"Naku! Paanong hindi ako magiging maaga ngayon dito, eh buysit na buysit ako sa dalawang babae na yun." Kwento ni Tine sabay turo kay Janet at Wendy gamit ang nguso.

"Talaga yang mga babaeng yan. Ang lalandi na nga mga inggitera pa! Bakit ano nanaman ginawa?" Naiinis na tanong ni Cyndi.

"Hayaan mo na! Nakatikim naman sila ng sigaw kanina eh. Medyo chismosa lang yang dalawang yan." Tugon ni Tine.

"Aba! Talagang iniinis ako ng dalawang to noh? Teka nga! Napupuno na ako diyan eh!" Agad pinuntahan ni Cyndi si Janet at Wendy sa kinauupuan ng mga ito.

"Kayong dalawang babaeng maano! Ano ba problema niyo at trip na trip niyong magchismisan!? Ha? Pati yung kaibigan ko dinadamay niyo sa kababalaghan niyo!"

"Excuse me? Kababalaghan namin? Teka nga muna! Kami ba talaga ang may kababalaghan, o yang kaibigan mo?" Nakataas ang kilay na sagot ni Wendy.

"Aba at talagang....." Agad hinablot ni Cyndi ang suot na damit ni Wendy at sinabunutan ito.

Agad agad din namang naglapitan ang iba pang mga studyante na kasalukuyan ay naghihiyawan dahil sa nagaganap na away.

"Cyndi Cyndi! Tama na tama na! Hayaan mo na sila tara na!" Pagmamakaawa ni Tine sabay hila sa braso ni Cyndi.

"Naku kung hindi lang talaga ako takot makulong! Eh pinatay ko na kayo!" Sigaw ni Cyndi.

"At kung hindi din naman ako takot sa halimaw eh siguradong pinatulan din kita!" Sigaw pabalik ni Wendy.

"Eh talagang bastos ka ah......." Tipong susugurin muli ni Cyndi si Wendy ng biglang dumating ang Dance Teacher.

"Oh anong nangyayari dito? Sino nag-aaway ha?" Tanong ng Teacher.

"Ah wala po Mam. Nagmimeeting lang po kami." Tugon ni Tine.

"Ano namang pinagmimeetingan niyo? Oh siya umayos na kayo at magsisimula na tayo sa practice." Ani Mr. Ledesma, ang dance teacher.

Huminahon na ang lahat pero nagtataasan pa din ng kilay si Cyndi at Wendy.

Hanggang sa natapos ng ang practice at maguuwian na ang lahat..........

Hindi sinasadya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon