"Oh, ikaw lang mag isa dito sa bahay na to?" Tanong ni Tine.
"Ah, No. Actually, kasama ko dito ang Mom and Dad ko pero ngayon nag out of town sila. Upo ka muna and kukuha lang ako ng iinumin natin para makapag celebrate na
tayo." Kwento ni Bryan.
Nag inuman silang dalawa. At dahil nga hindi sanay si Tine uminom ay agad itong nahilo.
"Nahihilo na ako. Ayoko na." Anito.
"Hindi yan. Ito pa oh, last na" Inabutan muli ni Bryan ang dalaga ng alak.
*RIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGG*
Tumatawag si Rebie sa cellphone ni Tine. Ng akmang sasagutin na ito ni Tine ay agad na kinuha ito ni Bryan.
"Wag mo na sagutin yan Tine ha. Ngayon lang naman to, kaya wag na tayo magpa-storbo ah." Ani Bryan, na napapangiti dahil sa nagiging itsura ni Tine dahil sa kalasingan.
"Tumatawag ung kapatid ko," Nasambit ni Tine kahit lasing na lasing na siya.
"Halika na sa kwarto Tine. Dito ka na matulog ah.." Yaya ni Bryan, sabay akay kay Tine sa balikat paakyat sa kwarto.
"P-eerro-o te-eka.. Ung.. kapatid ko,," Bukambibig ni Tine.
Inihiga ni Bryan si Tine sa kama at doon ay sinamantala ng binata ang kahinaan ng dalaga..........................
KINABUKASAN...
"Walang hiya ka Bryan. Ang sabi mo pagkatiwalaan kita. Hindi ko pa nabibigay ng buo ang pagtitiwala ko, inabuso mo agad ang pakikitungo ko sayo ng maayos!" Galit na galit
Si Tine kay Bryan, habang pinapalo niya ito sa dibdib at balikat.
"Tine, lasing lang din ako kagabi. Hindi ko sinasadya pero kung ano man, handa akong panagutan lahat. Im sorry Tine." Paghingi ng tawad ni Bryan.
Nagbihis si Tine at umalis sa bahay ni Bryan habang ito ay umiiyak.....
Pagdating sa bahay ay agad inakap ni Tine si Rebie.
"Oh ate ano nangyari bakit ka umiiyak? Tinatawagan kita kagabi bakit di mo sinasagot?" Ani Rebie
"Bunso, wag ka papaloko sa mga lalaki ah, magpapakabait ka." Pangaral ni Tine habang humahangos ng pag iyak.
"Oo naman ate. Alam mo namang mana ako sayo eh! Di ba hindi tayo magpapaloko sa lalaki?" Tugon ni Rebie.
Tuluyan ng napahagulgol si Tine, dumiretso siya sa kanyang kwarto at doon ay inilabas niya ang saloobin, nagwala. Hinagis lahat ng bagay na nakita niya.
At umiyak ng umiyak..
