Ilang araw ang lumipas.. Madalas hinahatid ni Bryan si Tine sa bahay. At mabait naman ang binata sa kanya. Malambing at gentleman..
..
"Bukas na yung pinakaspecial day ko! OMG! Im soooooo excited!" Kinikilig na sabi ni Cyndi.
"Oh bakit? Landi naman nito. Anong meron? Sino ka-date mo?" Tanong ni Tine.
"Eh di sino pa eh di si Mr. Writer." Tugon ni Cyndi.
"Sino si Mr.Writer? Imbento mo nanaman?" Tanong muli ni Tine.
"Si Sindrick. Naku naman parang hindi kilala! Alam mo naman yung si Sinds, mahilig gumawa ng stories, hahaha. Kaya ayan ang tawag ko sa kanya." Sagot ng kaibigan.
"Eh di ikaw na kinikilig. Ako nga eh, walang kilig factor na maramdaman. Parang ayoko na lang umalis bukas." Ani Tine.
"Bakit naman? Sus, wag ka na umurong naka-OO ka na sa tao eh. i-enjoy mo na lang yan. Isipin mo na lang na madaming babae ang nagkakandarapa na maka-date
yang ide-date mo! Pero ikaw ang pinili! Ok? Oh siya, maaga akong uuwi ngayon at mamimili pa ako ng damit ko para sa date ko bukas. Bye girl!" Paalam ni Cyndi.
Napaisip si Tine.
"Tama din si Cyndi. Nakita ko din naman sincerity ni Bryan sakin. Maganda naman yata ang intensyon niya. Kala ko badboy un, mabait naman pala." Bulong ni Tine sa sarili.
"Mukhang masaya ka kasi si Bryan ang kasama mo bukas? Wag ka masyado umasa Tine. Alam nating lahat dito na si Bryan eh manggagamit lang." Ani Janet habang
nakataas pa ang kilay kay Tine.
"Hindi ako umaasa kay Bryan. At tsaka wala ka namang alam tungkol sa kanya so bakit ganyan ka magsalita? Wag kang magmarunong." Sagot ni Janet.
"And so? Kaya pala malakas ang loob mo. 'Coz you dont know everything! Bryan's my EX BOYFRIEND! Alam ko ang lahat tungkol sa kanya! Sa pamilya niya at sa buong
pagkatao niya." Kwento ni Janet.
Napatahimik si Tine sa mga narinig mula sa kaharap. Sa halip ay kinuha na lang niya ang kanyang bag at agad agad na lang siyang umalis sa lugar na yon.
Pagdating niya sa kanilang bahay. Ay agad niyang tinext si Bryan.
Tine: Bry, nasabi mo na ba lahat ng bagay na hindi ko pa alam? Wala na ba akong kailangang malaman tungkol sayo?
Bryan: Like what? Nakwento ko na ang lahat tungkol sakin.
Tine: Si Janet.
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din sumasagot si Bryan sa huling text ni Tine.
Tine: What? Hindi ka na makasagot? Dont worry Bry, hindi naman ako magagalit. I just want to know kung totoo ba yung sinabi sakin ni Janet na dati mo siyang girlfriend.
Bryan: Oo. Di ko na sinabi sayo kasi wala na din akong feelings para sa kanya and ayoko na balikan ung nakaraan kasi past is past.
Tine: Wala lang, naitanong ko lang. Alam mo naman na may Gap kami ni Janet di ba? So ayun. Ok lang sakin. Wala naman ako karapatang magalit.
Bryan: Lets talk about this. But not now. I'll see you tomorrow. 7:30pm. Ok? I love you Tine. Papatunayan ko yan sayo.
Tine: Ok. Gnyt.
Pagkatapos ng usapan na iyon sa text ay lalong nagkaroon ng pagdadalawang isip si Tine kay Bryan. Pero sinabi niya sa kanyang sarili na hindi siya gagaya sa ibang babae
na naloloko ni Bryan.
