Chapter 4.

24 0 0
                                    

"Anong sinasabi mo diyan Mark? Ikaw ha! Narinig ko yun.. Uyyyyy. Talagang type mo si Tine ano?" Ani Jhoi sabay tapik sa balikat ni Mark.

"Wag kang magulo diyan. Seryoso ako! Wag kang maingay ah, kukutusan kita!" Sagot ni Mark.

Pagkatapos ng klase ay nagtungo si Mark sa Taekwondo teacher para magvolunteer sa pagsali.

"Sigurado ka na ba? Apat pa lang kayong sumasali ngayon sa Taekwondo class, mukhang hindi interesado ang iba dahil mahirap daw. Welcome to the club! Bukas ang start

ng training." Malugod na pagtanggap ng Taekwondo Teacher kay Mark.

..

Umuwi si Mark ng napapaisip kung tama ba ang desisyon niya, dahil hindi naman siya sanay ng nasasaktan o napipilayan o nababalian ng buto dahil sa kahit anong klase

ng sports. Pero dahil na din sa gusto niyang makita at makasama si Tine ay gagawin niya ito.

Kinabukasan... Pagkatapos ng Klase ay nagtungo na agad si Mark sa Taekwondo Class. At doon ay nakita niyang nagsasayaw si Tine kasama si Cyndi at iba pa nitong

kaibigan.

Nabighani nanaman si Mark kay Tine, dahil kahit pa pagod na sa pagsasayaw ang dalaga ay napaka galing pa din nito sumayaw na para bang walang nararamdamang sakit

ng katawan..

"Oh, apat lang kayong kasali dito sa Taekwondo class, pero mas ok to dahil mas madali kayong matututo. Bago ang lahat may kukunin muna ako sa Stock Room. Hintayin 

niyo ako dito. Babalik ako kaagad." Bungad ng Taekwondo Teacher.

Pumwesto si Mark sa tapat ni Janet, kung saan nagi-istretching ang dalaga.

Hinahanap niya si Tine, at paglingon niya ay nakita niyang pumunta ito sa labas para bumili ng maiinom.

Pagharap niya muli para maglakad pabalik sa mga kasama sa taekwondo class ay bumangga ang dibdib ni Janet sa dibdib ni Mark.

"Ay sorry sorry!!" Dispensa ni Mark.

"Oh. Ok lang. Ikaw kasi eh di ka tumitingin sa dinadaanan mo. Buti na lang cute ka. Makakasama ka pala namin dito sa room. Ang yummy mo naman."

Tugon ni Janet na parang inaakit pa ang binata.

"Ah eh...... Sige balik na ako dun, pasensiya na ulit ah." Paalam ni Mark.

Nagsimula na ang klase ni Mark at ng tatlong pang kasama ng biglang pumasok muli ng room si Tine.

Agad na napalingon si Mark......

Nagulat siya ng biglang......

Hindi sinasadya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon